I'm officially missing you.............Paulit-ulit na sabi sa kanta. Bawat linyang binibitawan sa kanta, doble yung pagkadurog pagdating saken. Maganda naman yung pagkakanta, pero bakit pagdating saken ang sakit sakit? Bawat bagsak ng lyrics doble sa kabog yung dibdib ko? Ang sakit..... Ang sakit sakit pa din talaga. I don't know how to deal with this pain anymore. Ayoko na. Ang sakit sakit na. Wala na ako maiiyak, halos ata pati tubig ko sa katawan naibuhos ko na.
It's been 2 years Kim Lourd....
2 years na hon, pero miss na miss pa din kita :(
Kring kring!!!!!!!!!!!!!!!!!
Bumalik ako sa aking katinuan nung marining ko yung tawag sa phone ko, napabuntung hininga ako. Hndi ko alam kung natulog ba ako. Nakapakit ako pero gumagana ang diwa ko.
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Kate? Sinadya talaga kitang tawagan. I know hndi kapa natutulog. Hanggang kelan ka ba ganyan?"
"Mae........ I don't know what to do anymore, kahit ako. God knows kahit ako gusto ko ng mahinto sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na din kaya. Andami ng naaapektuhan sa ginagawa ko. Ayoko ng mandamay ng iba pero anong gagawin ko? Pagpatuloy ang buhay pero pano? Pano mae?" Diretsong pageexplain ko sa kaibigan ko. Eto na naman ang luhang araw araw na naiipon, nagtataka nga ako minsan kung ba't hindi pa din to nauubos.
Alam ko nahihirapan na din ang lahat saken. Magulang ko, mga kaibigan ko. Mga taong nakapaligid sa buhay ko. Pero anong magagawa ko? Tanginang buhay to.
"Mind over matter kate. Hindi man namen nararamdaman kung anong nararamdaman mo pero please. Wag kana man sumuko. Try mo naman lumaban. Kase kaming mga nasa paligid mo, lumalaban dn para sayo. Pero hanggang kelan?"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ramdam ko pagod na din sila. Pero mararamdaman ko pa ba yung pagod nila kung doble naman yung pagod na nararamdaman ko?
"Salamat mae.. Iiisipin ko ulit lahat ng mga sinasabi mo." Yun nalang ang sinabe ko para hindi na din sya mag alala pa para saken.
"Hmm.. Asahan ko yan kate, basta lagi mo tatandaan na andito lang ako palagi para sayo. Sige na matulog kana, wag kana magisip ng kung ano. Ok? Kita nalang tayo kapag ok kana makipagkita samen. Bye."
Haaayyy.. Humiga nalang ako ulit, titig sa kisame at nagsisimula na naman maglakbay ang diwa. Tibok nalang ng puso ko ang maririnig mo sa tahimik na buhay ko. Pinikit ko na ang mga mata ko at napagpasyahan ng matulog.
Bago lamunin ng antok...
Magsisimula ka ulit kate. Magsisimula ka ng panibagong buhay.
BINABASA MO ANG
When I met Allen Hames
RomanceMinsan mahirap din maraming alam at maraming inaalam. Dahil sa mga bagay na nalalaman mo, doon ka pa mas nasasaktan.