Mingyu
"WELCOME TO THE PHILIPPINES!"
pinag sasapak ako ng halos 10 na katao nung makita nila ako. Ang saya ko na makitang mag kakasama pa sila hanggang ngayon.Tinignan ko sila isa isa. Hanggang ngayon ba aasa parin ako na nandito si Wonwoo ko? Eh hindi nga pala niya alam na darating ako.
Gusto ko na siyang makita. Handa na akong lumuhod sa harap niya hanggang sa makakaya ko. Gagawin ko ang lahat para makuha ang tinapon ko lang na second chance dati.
5 years ago, nung tumawag si Wonwoo nasa airport na ako. Di ko talaga siya naririnig dahil maingay ang paligid. Aaminin kong hinintay ko siya.
Oras ng flight ko nun ay hindi talaga ako sumakay sa eroplano para tignan kung may dadating na isang Wonwoo Jeon.Meron ngang dumating. Umiiyak, wasak na wasak. Nakita ko siya kung paano mag madali palabas ng taxi, nakita ko siya kung paano mag makaawa sa security guard dun sa airport, nakita ko siya kung paano umiyak nung akala niyang nakasakay na ako sa eroplano. Nakita ko kung paano siya bumagsak, nakita ko kung paano siya lumabas na iyak ng iyak.
Nasasaktan ako dahil hindi ko man lang siya nilapitan. Nasasaktan ako dahil pinabayaan ko siya. Nasasaktan ako na naging sila ni Jun. Nasasaktan ako na sinayang ko ang second chance dati.
Pero ngayon, wala akong sasayangin na pagkakataon.
Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita.
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fanfiction[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen