05

310 15 3
                                    

Mingyu

"Ito ang napakagandang bahay natin! Dendendedneden!" excited silang hinila hila ako papasok sa bahay.

Nabigla ako dahil sa laki nito. May tig iisa daw kaming kwarto rito na kahit si Wonwoo at Jun ay meron.

"Dito ang kwarto mo hoy!" hinila ako ni Seungkwan hanggang makarating kami sa isang itim na pintuan. Nag iisang itim na pintuan

"Itim ang pintuan mo kasi maitim ka hehehe. Enjoy yourself!" binuksan niya yung pintuan at tinulak ako sa loob at agad itong sinara. Sisigawan ko sana si Seungkwan pero napunta sa atensyon ko itong kwarto.

Kulay galaxy siya na sobrang ganda. Halos itim lahat ang paligid. Napaka-bastos talaga. Nasa ibang bansa ako nananahimik habang sila binabastos na ako ng patahimik. lakas ng trip nila pero nakakatuwa.

Lumapit ako sa table kung saan may nakapatong na itim na notebook.

Letter to M,

Yan ang nakasulat sa cover page. Para saakin ba to?

Umupo ako at binuksan sa unang pahina.

Dear Mingyu,

Kakauwi ko lang galing airport. Nag madali ako pero di kita naabutan. Ang sakit. Nag hintay ka siguro no? Akala mo siguro walang dumating no? Pwes gusto kong ipag sigawan na dumating ako pero di na nga lang kita naabutan. Ang sakit sakit. How dare you na iwan lang ako sa ere?! How dare you. Mahal parin kita kahit paulit ulit mo na akong saktan. Babalik ka? Babalik ka naman diba? Babalikan mo ako. Pag humingi ka ng second chance ibibigay ko kaagad sayo yun.

Salamat nga rin pala dahil pinapabantay mo pa ako kay Manong guard. Nabasa ko nga rin pala yung sulat mo. Ayos lang, naiintindihan kita. Hanggang dito nalang muna, di ko kaya. Nanginginig ako. Mahal kita.

~Wonwoo

Napapunas ako sa pisngi ko nung naramdaman kong may pumatak na luha galing sa mata ko. Matagal na to pero naramdaman ko nanaman yung sakit na pag iwan ko sakanya.

Handa akong ialay lahat kahit buhay ko pa man makuha lang ang second chance na ito. Sa tingin ko hindi na ulit ganun kadali kunin ang second chance na sinasani ni Wonwoo.

Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon