Chapter thirteen's quote:
" Hindi kasi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Hindi lahat ng hinahangad mo, napapasaiyo." ~ Ma'am becks
****
Nash.
Totoo ang sinabi ko. Nagbulag-bulagan ako sa katotohanan, nung una palang may kutob na ako sa galaw ng mga magulang ko.
" Anong pinagsasabi mo Nash? Baliw ka? " Halata sa mga mata nito ang pagkalito.
Huminga ako ng malalim. Alam ko na hindi sya agad-agad na maniniwala, kung sana'y narecord ko ang pagamin ni mama para mas mapadali.
~FLASHBACK~
Tinigil ko ang aking pinapanood para kumuha ng tubig sa kusina. Nakalimutan ko kasing kumuha! Ang sarap na sana ng panonood ko eh!
Nasa may sala palang ako ng may marinig akong sigaw,
"......Anong pinagsasabi mo? Wala akong pakialam kung malaman ni Alexa na sya si Carm! Wag na wag lang malalaman ng aking anak ang nakaraan nya! "
Napahinto ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, anong nakaraan? Si Alexa si Carm? Naguguluhan ako!
" Ma? " Napatigil sya at nakita kong bigla nyang binulsa ang kanyang cellphone, " Anong nakaraan? " Halata sakanya ang pagkabigla,
" W-wala 'yun. Umakyat ka na sa taas, " iniiwas nito ang tingin nya kaya't alam kong nagsisinungaling sya.
" Ma, may nangyari ba sa past ko? May mas malalim bang dahilan sa pagkawala natin ng pera kaya kahit matanda na ang edad ko, 4th year highschool parin ako? Ma, naguguluhan na ako. " Para akong nasa isang Ferris Wheel na ikot ng ikot na para bang walang bukas.
" Wag ngayon... "
" Ma! Sabihin mo na sak-"
" OO! Your real name is Zacarte, we're Perez family not Aguas! We're just using the last name of our closest friend na nakatira sa Singapore! At Nash ang pinangalan namin sa'yo because of the famous actor who named Nash Gillet! Wala na kaming maisip 'nun! Hirap na hirap na kami nung araw na nangyari ang kagaguhan sa pamilya natin! " Nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha, kasabay ng pagtulo ng aking luha. Hindi Nash ang pangalan ko? Sino ba talaga ako? Maski sarili ko hindi ko kilala.
" S-sino si Carm? " Biglang lumabas sa bibig ko ang tanong na walang nakakasagot.
" Si Alexa... kaya kita pinapalayo sakanya! Baka makaapekto sa kalagayan mo kung maalala mo sya, at nagsisisi ako..." Pinunasan nya ang luhang tumulo sakanyang mata, " ...dahil pagkatapos mangyari ang aksidenteng 'yon, doon ko nalaman na hindi lang pala basta-basta ang babaeng minahal mo. Noong una pinapalayo kita sakanya dahil hindi bagay sa mayamang tulad mo ang isang dukhang tulad nya, ngayon pinapalayo kita sakanya dahil hindi bagay sa dukhang katulad natin ang mayamang tulad nya. " Gusto kong sumigaw dahil sa nalaman ko, ngunit unti-unting sumasakit ang ulo ko, may isang pangyayari akong naalala.
Malabo ang lahat ngunit ang naalala ko nalang ay sumigaw ako, nasa isang kotse kami at apat kaming naroon. Sino ang tatlo?
Nahihilo na talaga ako.
END OF FLASHBACK~
Pagkatapos ng pangyayaring 'yon, nahimatay ako. Pagkagising ko'y naalala ko na ang lahat ng nangyari, ngunit ang mga nangyari lang saamin ni Alexa. Malabo parin ang dalawang nasa kotse na kasama namin.
Nandito kami ngayon sa harap ng bahay nila, kakausapin nya ang kanyang tita para malaman ang lahat.
" Tita.. " Pagkapasok palang nami'y bumungad saamin ang kanyang tiya na nagbibilang ng pera. Saktong walang costumer ngayon,
" Oh Alexa? Ang aga mo naman yata? Walang costumer ngayon, sinara ko muna ang tindahan para makapagbilang ng pe-"
" Ako ba si Carm? " Tumulo ang luha sa mata ni Alexa, hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko kaya't nanatili lang akong nakatingin sakanila.
"H-hah? Ano bang pinagsasabi mo! Kung tungkol ito sa sinabi ni Kein, kwento lamang 'yon huwag kang magpapaniwala sa sinasabi nya! " Sigaw nito, walang bakas na pagkagulat kay Alexa.
" T-tita.. please.. sabihin nyo ang totoo, gulong-gulo na ako.." Humihikbing sabi nya, hindi ako makagalaw mula sa kinakatayuan ko.
" A-anong sasabihin ko? Wala nga! " Sigaw muli nito.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Alexa ay lumuhod.
" Nagmamakaawa ako, pagod na pagod na ako tita.. sabihin nyo na, " nakayukong sabi nito habang nakaluhod.
Tumakbo ako papunta sakanya at hinawakan ang kanyang balikat,
" Alexa, tumayo ka, " bulong ko dito.
" Umupo ka sa harap ko, Alexa. " Kung kanina'y puro sigaw ang sagot nito, ngayon ay naging mahinahon ito.
Tinulungan ko syang tumayo at sabay kaming umupo sa harap nya.
" Siguro nga'y tama ang sinabi ni Kein, matatapos ang lahat ng kasinungalingan. " Tumatawang usal nya. " Maari bang papuntahin mo dito ang dalawa mo pang kaibigan? " Nagtataka man, sinunod ito ng aking katabi.
Ilang minuto lang ang lumipas, may dalawang tao ang binuksan ang pinto. Tumayo ang tita ni Alexa at doon pinaupo ang dalawa, kumuha sya ng isa pang upuan upang umupo sa gilid namin.
" Anong ginagawa natin dito? " Tanong ni Jairus.
" Manahimik ka nalang, " Buti nga't 'yun ang sinabi ni Shar, kung hindi magaaway nanaman ang dalawa.
" Gusto ko lang malaman nyo ang lahat na tinago namin sa matagal na panahon, " huminga ng malalim ang tita ni Alexa, "...kayong apat ay magkakaibigan noong 4th year highschool kayo, Si Carm ay si Alexa, si Zacarte ay si Nash, si Lyne ay si Shar at si Cyrus ay si Jairus. Si Alexa ay galing sa isang mayamang pamilya sa Canada, parang sila na ang may hawak ng Canada dahil kung ano-anong malalagong kumpanya ang hawak nila. Nagkaroon ng problema ang mama ni Alexa at ang mama nito, kung kaya't para hindi madamay ang kaisa-isa nyang anak na si Carm, pinadala sya sa Pilipinas para itago. " Huminga sya ng malalim bago ipagpatuloy ang sinasabi nya,
" ..... Lumaki ang batang 'to sa puder ko, nawalan ako komunikasyon sa mama nya kung kaya't ako ang nagsilbing tiyahin nalang nito. Hanggang sa nakilala nya kayo, hinayaan ko lamang 'yon dahil gusto kong lumaki ang alaga ko ng simple ngunit mali ata ang naging desisyon ko. Nahulog ang loob ni Carm kay Zacarte, sa panahon na 'yon hindi suportado ng pamilya ni Zacarte ang pagmamahalan nila dahil may itinakdang ipakasal sakanya, si Mika. "
" .....Hindi nyo nakayanan ang lungkot na pinapakita ni Carm, kaya't nagplano kayong tumakas. Gamit ang kotse ni Zacarte, nagbyahe kayo sa lugar na kayo lang nakakaalam. Ang sumunod na nangyari'y hindi ko na alam, kayo nalamang ang nakakaalam, ang nabalitaan ko nalang ay naaksidente kayo at natagpuan ang kotse nyo sa malapit sa bangin, buti't tumama kayo sa puno dahil kung hindi nahulog kayo....."
"... Pagkatapos noon, hindi nyo na matandaan kung sino kayo at kung ano ang nangyari, kaya't napadeisyonan naming huwag kayong banggitin sa isa't-isa baka maulit ang nangyari. " Bakas ang gulat sakanilang muka. Alam kong tumakas kami, ngayon ko lang nalaman na sila Shar at Jairus pala ang dalawang kasama namin sa kotse."
Sa sobrang dami kong nalaman ngayong araw, parang gusto ko ng magpahinga nalang.
*****
BINABASA MO ANG
Nerdy Girl - Nashlexa Fanfic -
Ficção AdolescenteShe's Alexa. The Nerd one, trying not to fall in love with the guy named Nash. Can Alexa stop falling for Nash or she's too late because she already fall for him? * Completed *