CALM
"Manood ka dito para malibang ka." Binigay ko ang cellphone at pinakita ang YouTube.
Prente syang nakaupo sa couch at nakasandal habang nasa gilid nya ako para ipakita kung paano nya mamanipulahin ang cellphone.
"I'm fine. I will get myself distracted." Aniya sa malalim na boses.
Of course I will not let him! Pag wala syang ibang pagkakaabalahan baka ako ang mad-distract nya! He'll watch me... kaya mas mabuting malibang sya sa ibang bagay!
"Dito mo ita-type ang gusto mong panoorin, tapos maraming lalabas at mamimili ka lang, I'm sure you know how to type-" binalingan ko sya at pinapanood nya ako. Normal lang naman na tignan nya ako para makinig diba? Lumayo ako nang konti. "J-just like this..." nag-type ako ng documentaries at agad na may mga lumabas.
Hindi ko sya nilingon. "Ano? Kuha mo ba?" Kunwari irita ako.
"Uh-oh.."
"O-okay, ikaw naman mag-search." This is stupid. Tingin ko alam naman nya kung paano!
"Can you repeat your instructions... slowly." He said but in a bit sensual.
Binalingan ko sya. Hindi manlang nailang na naabutan kong nakatitig sya sa akin. Tinaas nya ang kanyang isang kilay at ngumisi.
Nawala ang pagkakakunot ng noo ko. Init na init ang mukha ko habang sinusubukang buuin ang natutunaw na utak. "O-okay. Madali lang naman ito.. ita-type mo dito ang gusto mong panoorin." Dahan-dahan kong inulit ang mga sinabi ko kanina.
Inabot ko ang cellphone sa kanya. "I won't get bored." Aniya.
Bumagsak ang balikat ko. Huh? Bakit nya pa ipinaulit kung hindi naman pala sya manonood? "Bakit anong gagawin mo? Hindi ba ay hindi ka natutulog?" Tanong kong punong-puno na ng pagdududa.
Hindi sya sumagot. Ngumisi lang at pumikit habang nakahalukipkip.
"Kaya manood ka at huwag mo akong istorbohin!" Pinatong ko ang cellphone sa kanyang hita. Bahagya syang napatalon sa ginawa ko.
"Damn." Nawala ang ngiti at napahawak sa batok.
"What?" Takang tanong ko.
Umiling sya at umiwas ng tingin. Tahimik nyang kinuha ang cellphone sa kandungan at pinag-igting ang panga bago sumandal.
Lumapit ako sa study desk pero binalingan ko sya at naabutang hinihilot ang sentido habang nakapikit ng mariin. Ipinagkibit-balikat ko iyon at inabala na ang sarili sa pag-aaral.
Good thing he didn't bother me at all. Kaya kinabukasan ay handang-handa na ako sa presentation namin.
"This question is I want to be answered by Ms. Bartolome." Malamig na putol sa akin ng Professor namin.
Gumapang ang lamig mula sa batok ko sa buong katawan ko. Ako ang madalas na sumasagot sa kanyang follow up questions, may iilan namang nasagot sina Billy at Flora kaya lang ay si Aria ay kanina pa tahimik, pagkatapos nyang i-explain ang kanyang parte ay hindi na muli syang nagsalita.
Nilingon ko sa Aria na nangangapa ng maisasagot. Nasa mga isinulat kong guide questions ito, hindi nya ba naaalala?
"Ano ba, Aria, nakasulat iyon sa mga binigay na guide questions ni Annora!" Bulong ni Billy.
Professor Diegez cleared his throat. "Miss Bartolome, kahit additional idea?"
Isa sa mga rason kung bakit sobrang pinagtyagaan ko ang report na ito ay dahil alam kong hindi magiging madali ang presentation pagdating kay Professor Diegez. Maayos naman ang delivery namin, nabanggit rin ang itinatanong ngayon sa amin, siguro ay hindi ni-review ni Aria ang kabuuan ng report.
BINABASA MO ANG
The Demon's First Love [UNDER REVISION]
Mystery / Thriller[The Demon Series #1 - Silvathore] Ang magustuhan ba ng isang hindi tao ay nakakasama o nakabubuti? iyan ang umiikot sa utak ni Annora Valdez na nagustuhan ng isang demon. Started: 01/21/17 Finished: 05/06/17 © All rights reserved 2017