JHEAN'S POV
"Girls, doon oh! Daliii!" masiglang sabi ni Aurea. "Ang bagal niyo naman!" dagdag pa niya.
Kanina pa kami ikot ng ikot dito sa mall at 'tong si Aurea hindi yata napapagod. Mahihilo na kami sa dami na ng pinuntahan namin.
"Ano ba 'yan Aurea! Ang dami na kaya nitong pinamili natin!" reklamo ni Crystelle. Eh paano kaya, habang siya pili ng pili kami naman yung pinaparusahan niya sa pag bitbit. Ayos din siya eh no?
"Manood nalang muna kaya tayo ng movie." suggest ko.
"Oo nga, pagod na rin kaya ako." sang-ayon ni Scarlette.
"Pleeease! Last na lang 'to promise!" pamimilit pa rin ni Aurea at hinila ako.
"Nooo! Tara na! Manood na lang tayo ng sine!" reklamo ni Scarlette, may papadyak-padyak pa siya ng paa habang hinihila din ako. Pinaghihilaan naman nila ako ngayon. Arrggh! Ramdam na yata nilang nainis na ako kaya bumitaw na sila.
"Manood na lang tayo ng sine."
"Yey!" sumigla si Scarlette at binelat si Aurea na nagmumukmok na ngayon. Napailing na lang si Crystelle sa kakulitan ng dalawa.
Pagdating namin ng second floor, bumili na kami ng ticket ni Scarlette. Sila Crystelle at Aurea naman sa pagkain.
Habang naka pila kami ay inilibot ko ang aking paningin, parang may sumusubabay kasi sa bawat kilos ko kanina pang pagka-alis ko sa bahay.
"May problem ba?" biglang tanong ni Scarlette.
"Ah, wala."
Pagkatapos naman namin makuha yung ticket, agad naman nag-wave sila Crystelle sabay turo pa sa entrance na sinasabing sumunod na lang kami.
"Naguumpisa naaaa!" maingay na sabi ni Scarlette.
"Ang ingay mo naman!" Inis pa rin hanggang ngayon si Aurea.
"Shhh! Manahimik na lang kayo!" pagpapatahimik naman ni Crys.
Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang biglang magsalita si Crys, "Hayyy. Hanggang dito ba naman may mga PDA." matamlay niyang sabi.
"Ha? Asan? Asan?" tanong naman ni Aurea habang tumitingin-tingin sa paligid. Ngumuso si Crystelle sa harap namin kaya sabay sabay kaming napalingon dito.
Tss! Mga walang magawa sa buhay!
"Huwag niyo nalang silang pansinin." sabi ko at ibinalik ang focus ko sa panonood.
Walang pang ilang minuto ang katahimikan nang biglang...
"Hoy! Ano ba?! Kung ubos na yung popcorn mo malaya ka naman bumili ng bago! Walang pumipigil sayo!" gigil na sabi ni Aurea. Sila kasi yung nasa gitna nasa mag kabilang dulo naman kaming dalawa ni Crystelle kaya siya yung napagdiskitahan ni Scarlette.
Tsk. Ang takaw talaga!
"Last na lang please!" pag pupumilit ni Scarlette, kukuha na sana siya ulit nang biglang tapikin ni Aurea ang kamay niya.
"Sabi nang hindi pwede eh!"
"Pretty, pleeeaasseee!"
BINABASA MO ANG
Wildside
Misteri / ThrillerThey think I'll just hide and run away from them? No. They think I'm afraid? I'm not. I'm dauntless.