04

1.8K 58 9
                                    

                   “Hey! Hindi ka ba magsasalita?” Nakakainis na talaga.

Paano ba naman, May by partner kami na ginawa. At yung katabi 'mo ang kapartner mo, Kaya naiwan ako sa babaeng ito. Pero kanina pa kami gumagawa ng binigay na question sa amin, Hindi pa sya nagsasalita! Paano kami magkakaintindihan?

Ano to? Magtititigan nalang kami forever?

Naggesture ang mahaba at makinis nyang daliri ng Shh na para bang pinapatahimik ako. Napairap ako. Tuwing magsasalita ako, Ganyan lagi ang sinasabi nya! Utang na labas naman.

Hey. Ano ba yang ginagawa mo? Hindi tayo nagkakaintindihan, eh.” Nagsusulat kasi sya sa papel at parang sya na ang nagsasagot ng lahat ng tanong. Well, Matalino na sya. Ngunit ayokong isipin nya na hindi 'ko sya tinulungan. Pero paano ko sya tutulungan? Eh hindi nya 'ko kinakausap. Jusko naman.

Tumingin sya sa mga mata 'ko. And I was stunned and captivated. Jusko, Bat ba napakaganda ng mga mata nya? At kung tumingin sya, Parang nakikita nya ang kaluluwa 'ko.

May sinulat sya sa scratch paper na pinabasa nya sa akin.

Be quiet.

Napafacepalm ako.
Wala na ba syang ibang gagawin kundi patahimikin ako?

Atsaka bakit ayaw nya magsalita?

Shh | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon