Chapter 2: Love Orphanage

33 4 0
                                    

JHEAN'S POV

Love Orphanage.

Ang pangalan ng ampunan na 'yan ang nasa isip ko habang nagmamaneho ako. Ang sarap balikan ng mga alaala kung saan mga bata pa kami, mula noong makilala namin ang isa't isa, kung saan kami naging mag-kakaibigan. Maraming tanong sa aking isipan na tanging iisang tao lang ang makakasagot.

*Beeppp! Beeeppp!*

Nabalik ako saaking wisyo nang marinig ko ang sunod-sunod na busina.

"Hoy miss! Green na oh! Wala ka bang balak na----"

Hindi ko na siya pinatapos sa gusto niyang sabihin at agad ko nang pinaharurot ang aking sasakyan, wala akong oras para makipag bangayan ngayon. Wala 'yon sa plano ko. And siya nga 'tong epal, nag-momoment ako dun tapos sinira nya. Tsk.

Nang makapasok na ako sa gate ng ampunan ay biglang tumunog ang aking cellphone sakto naman at nakakita na ako ng magandang pagpaparkingan kaya itinabi ko na ito.

Aurea Bunganga Calling...

Pagkasagot ko ng tawag nilayo ko ng konti yung phone. Baka mabingi ako ng wala sa oras.

[ "Jhean! Babae ka! Asan ka ah!?" ]

Kaya 'yan ang nilagay kong name niya sa contacts ko eh. Kahit kailan 'tong si Aurea hindi marunong makiusap ng hindi sumisigaw napaka bungangera bagay nga sakanya ang title na nakuha niya- Bitch. Mag sama silang dalawa ni Scarlette.

"The three of you can lead them, may gagawin pa akong impor---"

Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang maagaw ang aking pansin sa mga lalake na lumabas sa iisang sasakyan. Nasa limang katao sila. May suot na itim na cap ang iba, ang iba naman naka face mask. Parang may pinaguusapan sila pagkatapos nagpasa ng baril yung lalaki sa katabi niya pagkatapos tumingin ng pasimple sa paligid.

What the hell?

[ "Hey Queen! Natahimik ka? Ano ba ang importanteng gagawi---" ]

"The three of you can handle it. Bye. I need to hang up."

May sasabihin pa sana siya pero agad ko nang binaba, alam ko namang kaya na nila. Maaarte lang sila, besides street cats lang ang mga lalabanan nila for sure dada lang ng dada ang magagawa ng mga 'yun. Tsaka may pambato naman kami pagdating sa laban ng bibig syempre, si Aurea and Scarlette. Kaya no need to worry.

Hinintay ko munang makalayo ang mga lalaki at nagsuot ng cap bago bumaba ng sasakyan. Pumasok ako sa loob at sinalubong naman ako ng isang babae na nasa edad na twenty pataas.

"Can I talk to Sister Edyth?" I asked.

"Sorry ma'am, may kausap pa po kasi siya sa taas." malumanay na sagot niya, "Umupo muna kayo habang hinihintay siya."

Yes, Sister Edyth is the head of this orphanage. Kung baga siya yung pinaka mataas sa mga madre. Mga madre kasi ang namamahala dito. She's the reason why I'm here, she's the one who can tell me about the things that are bothering me.

I just smiled at her and left. Inilibot ko muna ang aking sarili sa ampunan hanggang sa idinala ako ng aking paa sa likod na bahagi ng Orphanage.

WildsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon