Hi.
Ako nga pala si Jun. Andito ako ngayon sa ospital, binibisita ko ang kaibigan ko.
Hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyari sa kanya, pati nung pinuntahan ko ang mga magulang niya hindi rin maipinta ang mga mukha nila. Nung isang araw, at sa wakas, nagsalita rin ang kaibigan ko at nagkuwento tungkol sa mga nangyari sa kanya.
"Alas onse ng gabi yun..
Nagfe-facebook pa ko nung mga ganong oras. Yung mama at papa ko kase may pinuntahang meeting tungkol sa negosyo nila sa Cagayan, malayo diba? Kaya libreng libre ako. Ako lang mag isa sa bahay nun. At dahil nabored ako, nag-fb ako. At boring lang naman laman ng news feed ko kaya nagopen pa ko ng isa pang tab, at nanoood ng... alam niyo na. Ano ka ba, normal lang yun sa lalaki.
Pagkatapos nun, bored pa din ako. Kaya sinubukan kong magtwitter para magtingin ng mga trending ngayon. Hmm.. walang bago. Nag open na naman ako ng isa pang tab at naglaro sa y8 ng favorite game ko.
Tapos nakaramdam ako ng sobrang lamig na hangin papunta sa direksyon ko. Pero saglit lang yun. Kaya kinabahan ako. Natakot ako. Paglingon ko sa likod ko..
Wala naman akong nakita.
Naisip ko baka gutom lang to. Kaya nagpunta ako agad agad sa kusina, nagtingin ng makakain sa ref, at yes. Buti na lang may tira pang spag at coke. Inubos ko lahat ng kaya ko tapos nagbanyo muna ako saglit.
Paglabas ko, nakapatay na ung ilaw sa kusina. Pero hindi ko naman ata pinatay yun? Ewan. Siguro pinatay ko nga. Baka namamalikmata lang ako, maghahatinggabi na rin kase. Nung naghugas na ko ng kamay ko, may narinig akong tunog galing sa labas ng bahay namin. Tinignan ko ung labas at laking gulat ko kase..
HINDI AKO MAKAKASILIP KUNG HINDI NAMAN NAKABUKAS YUNG PINTO!
May nagtangka atang pumasok dito, may magnanakaw ata! Pero sinilip ko na buong bahay wala naman akong nakitang tao.
Kaya bumalik na lang ako sa computer pagkatapos kong isara lahat ng pinto at bintana.
Uy, may friend request sa facebook ko. Matignan nga..
Aba, ayos ang apelyido nito ah! KeyboardCat. Hahaha. Ang pangalan lang niya dito, "J. KeyboardCat". Mukhang exciting tong taong to kaya inaccept ko kaagad. At agad agad niya kong chinat pagkaaccept ko sa kanya.
"Hi." sabi niya.
"Hello. Ganda naman ng apelyido mo, KeyboardCat."
"Hahaha, oo nga eh. Marami na ring nagsabi saken niyan."
"Uh.. so.. bakit mo nga pala ako inadd?"
"Kasama ka kase sa listahan ko."
"Huh? Listahan saan? Haha"
"Sa mga bibisitahin ko!"
"Hahaha. Ang galing mo rin magjoke eh noh? Hahaha hindi mo nga alam bahay ko eh :P"
"Paano pag alam ko?"
"Aba, edi astig ka."
"Gusto mo puntahan kita ngayon?"
"Hahahaha. Imposible! Nakita ko sa profile mo na taga Novaliches ka. Nasa Quezon kaya ako!"
"Gusto mo puntahan kita ngayon?"
"Paulit ulit ba?"
"Gusto mo puntahan kita ngayon?"
Nakakabanas na to ah! Bahala ka nga jan! Si-neen ko na lang tuloy siya. Puntahan niya pa ko ah, ayos. Joke time. Magic? Letche. Panira ng gabi.
Maya maya, nag offline na rin siya. Hay salamat wala nang makulit sa timeline ko! Paano ba naman post ng post sa wall ng paulit ulit ng "Gusto mo puntahan kita ngayon?"
Aba nakakaput@ na talaga to!
At nung sinubukan ko na siyang i-block, bigla siyang nagchat ulit.
"Hi."
"Ano bang kailangan mo ha?!"
"Hi."
"Pre, realtalk. TALKSHIT KA! Tumigil ka na nga baka ipa-salvage pa kita!"
"Hi."
"Put@ng ina mo!"
"Hi."
"Block ka!"
"Wag!"
"Akala ko hi pa rin isasagot mo eh. Kanina ka pa! Ano titigil ka pa ba?!"
"Malapit na ako."
"Huh?!"
"Nasa daan na ako."
"Ulul wala kang maloloko dito!"
"Nasa harap na ko ng bahay niyo."
"K."
"Nasa loob na ko ng bahay mo."
Nagulat ako sa sinabe niya. Paano siya makakapasok? Eh naka online pa siya? Katarantaduhan. Pero nakaramdam ako ng konting takot, nagtaas yung mga balahibo ko at..
"Hi."
"Tumigil ka na pls"
"Wag kang lilingon... :)"
Fuck! Natakot na talaga ako! Papatunayan ko sayong gago ka!
Kaya lumingon ako.
ISANG BABAENG WALANG PAA, DUGUAN ANG KATAWAN, WALANG KANANG KAMAY, AT DUGUAN DIN ANG MATA ANG BUMUNGAD SAKIN AT..
"SABI KO! WAG KANG LILINGON!"
Ang lakas ng pagkakasigaw niya! At sa sobrang takot ko, hindi ako makagalaw! At dahan dahan niyang dinukot ang kaliwang mata ko.. at kanan.. at.. wala na kong maalala.
Paggising ko, nandito na ko sa ospital. Kasama ang mga magulang ko.
AT hindi ko makakalimutan ang mga pangyayaring yon.."
-
Hindi talaga kapani-paniwala yang kwento saken ng kaibigan ko, sa ngayon kelangan siang transplant-an ng mga bagong mata.
At siguro sa susunod, PUSO naman ang itatransplant sa kanya.
Baket?
Kase kukunin ko rin.
Ako nga pala ulit si Jun.
Jun KeyboardCat.
Add na lang kita sa facebook ha?
PAACCEPT NA LANG.
Hi.
-
Copyright 2014 !