Chapter Eighteen

15 0 0
                                    

EIGHTEEN

Naramdaman ko ang halik ng araw sa aking pisngi na siyang nagpabalik sa aking malay. Iminulat ko ang aking mga mata at napangiti. Ngayon ay nakahiga na ako sa kama, panigurado ay binuhat ako ni Ars papunta rito nang makatulog ako sa bisig niya kagabi. Tumayo ako tumingin sa paligid ng kwarto. This is the guest room that is especially made for me. I did some stretching before I hooked my phone on the side table. Akala ko ay wala akong matatanggap na mensahe gaya ng nakalipas pero ako'y nagkamali. Nagtaka ako kaya agad kong binuksan ang mensahe marahil baka isa ito sa mga kaklase na'min na nagpapaalalang may swimming mamayang tanghali.

Ngunit halos mapako ang dalawang paa ko sa sahig nang mabasa ito. Hindi agad ako nakagalaw hangga't sa napagtanto kong huli na ako. Agad akong tumakbo sa comfort room at naghilamos. Hindi na ako nag-atubiling magsuklay at magpalit ng damit. Agad akong nagsuot ng sapatos at tumakbo palabas ng pasilyo dala lamang ang aking wallet at phone.

Sa aking pagmamadali ay saka ako napaisip. Bakit ngayon lang? Anong nangyari noong nakaraan?

Halos itulak ko na ang bawat makasalubong ko sa daan sa sobrang pagmamadali ko. Nakarating ako sa coffee shop na matagal ko ng hindi pinupuntahan. All the memories I tried to repress suddenly bloomed like a flower. It's like giving back the life of a dead. Sobra akong hingal na hingal sa kamamadali. Agad akong pumasok sa loob at hinanap ang taong matagal ko ng hinihintay at pinanghahawakan.

'Are you free today?'

'I just thought... That this maybe the time to tell you everything.'

'I'm coming back, Damsel.'

Napahinto ako sa pag-ikot sa coffee shop nang walang bakas niya akong nakita. Napapikit na lamang ako. Is this a joke? Am I dreaming?

"You came," Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at agad na nakahinga ng maluwag. It's true.

'Let's meet at our favorite coffee shop at 8 am. I'll expect you to come. Please,'

'I'm already here. I'll be waiting for you,'

"Christine," I didn't recognized my voice when I said that. It seems like the voice is too far from me. She gave me a sad smile. Tinuro niya ang pwesto sa tabi na'min at sabay kaming naupo. I didn't bother to look away from her. I'm afraid. I'm afraid that in one snap, she might get lost again.

"I'm sorry, I already drank your coffee. I thought hindi ka na dadating," I thought you already left. I was two hours late. Kagabi pa siya nagtext but I was too busy to even check my phone. "Mag-oorder na lang ulit ako," Her voice changed a bit. Mas nagtunog mature ito kaysa dati. Itataas na niya sana ang kamay niya para tumawag ng waiter ngunit pinigilan ko siya.

"Ah, wag na. Okay lang, hindi naman ako nauuhaw." Sambit ko. Actually, nauuhaw ako. But I am more thirsty for her explanation. Ibinaba niya ang kamay niya at tumango-tango. Her hair grew longer ngunit kapareho pa rin ito ng kulay ng dati niyang buhok.

A video suddenly played on my mind. Two young girls running on a grass field. They both looked so happy and careless. Their laughter echoes on the whole place like there is no more room for anything but happiness. She ran faster than me which gave me a chance to see her clear view while running. Her hair dances gracefully with the wind. I have always loved her hair. It was so smooth.

But she ran faster that her image from the park wasn't be able to be seen anymore. I tried to look after her wishing that she's only hiding from me. I ran and ran but I found myself lost in the middle. I grew up looking for that little girl. I grew up without her. I can always hear her laughter every time I visit that place. It seems so close yet so far. Lagi-lagi kong binabalikan ang nakaraan dahil umaasa pa rin akong doon ko rin siya makikitang muli.

"How are you?" Kaswal niyang tanong.

But I was wrong.

I faked a smile, "Everything's okay. Ever since you left I tried to stand up by my own feet. But I guess, I isolated myself so much." Sagot ko at ngumiti muli.

Bata pa kami noon ni Chivalry nang may nakita kaming babaeng umiiyak sa paborito na'ming park ng kambal ko.

"Chiv, d'yan ka lang. Lalapitan ko lang 'yong bata," Sambit ko at tumakbo papunta sa bata.

"Hi! Tahan ka na, oh. Sa'yo na lang 'tong ibinili ni Mama at Papa na candy para sa'kin," Ngunit nang banggitin ko 'yon ay mas lalo siyang umiyak.

"Mama! Papa!" Sigaw niya. Nakita kong papalapit sina Mama at Papa kaya nanghingi ako ng tulong sa kanila. Natakot ako na baka mas lalong umiyak sa'kin ang bata kaya lumapit na muli ako kay Chiv.

"Anon nangyari? Sinaktan ka ba niya?" May pag-aalalang tanong ni Chiv sa'kin. Umiling ako at sumimangot.

"Mukha naman siyang mabait, eh." Pagkasabi ko no'n ay lumapit sina Mama sa'min kasama 'yung babaeng umiiyak.

"East, North, meet Christine. Simula ngayon, sa'tin muna siya titira, okay?" Sabi ni Mama.

"I'm sorry, Sel." Aniya at yumuko.

"Iyan lang ba ang sasabihin mo? Kung ganoon ay nag-aksaya lamang ako ng oras." Sambit ko at tumayo na upang umalis.

"Sandali!" Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang braso ko. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "May sakit si Tatay," Bigla niyang sabi. Napabalik ako sa pagkakupo nang humagulgol na siya. Nakaramdam ako ng awa.

Nalaman ko noon na iniwan si Christine ng parents niya sa park. Sinubukang hanapin nina Mama ang parents niya ngunit wala talagang nagpaparamdam. Lagi kaming pumupunta sa park kasama si Christine dati. Tinrato na'min siya ni Chiv bilang isang tunay na kapatid. Kahit simple lang ang pamumuhay na'min noon ay pare-pareho kaming nag-aaral. Hanggang sa lumaki kami at nagparamdam na ang mga magulang ni Christine. Mula noon ay nagkukulong na siya sa kwarto.

"Habang natutulog kayo noon, tumawag si nanay. Nakiusap siya na bumalik na ako marahil ay malubha ang sakit ni tatay at gusto niya akong makasama sa natitira niyang oras," Tumigil siya at himikbi. Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. "Akala ko ay makakabalik ako kaya hindi ako nag-iwan ng kahit sulat man lang. Pero kinailangan ni tatay ng tulong kaya naisipan kong manatili muna panandalian. Hanggang sa mas naging malubha ang sakit niya." Dagdag pa niya.

"Kumusta naman... Siya ngayon?" Tanong ko. Umiling-iling siya.

"Wala na... Wala na siya," Naramdaman ko ang patak bg mainit na butil ng tubig mula sa aking mga mata.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin ito? Bakit hinarap mo ito ng nag-iisa ka lang?" Tanong ko habang mas dumarami ang luhang kumakawala sa'king mga mata.

"Ngayon ang libing ni Tatay... Alam mo 'yung mas masakit? Para na rin kasing mamamatay ang puso ko," Aniya. Sobrang sakit, hirap at pighati siguro ng pinagdaanan niya. Mas mababawasan siguro ito kung nandoon ako para sa kanya. But I'm busy grieving on her flaws. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa'king braso. "Nakipagkita ako para sabihin sa'yo ang lahat. I want to make everything clear to you. Sorry if ngayon ko lang ito sasabihin. I might be too late, pero tatanggapin ko lahat. Lahat ng sasabihin mo. Sana, please, pag narinig mo na ang sasabihin ko, sana maintindihan mo ako at sana, walang magbago... Kasi mahal kita. Hindi lang bilang kaibigan, kundi bilang maging sino ka man."

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon