Special Chapter

66 1 0
                                    

MIKA.

     I really feel I'm lost & incomplete, after I decided to stop chasing him. I sighed and crumpled the last picture that I kept, the last picture I'm with him.

" Gusto mo ba talagang magpakamatay? " I heard my sister Kristel shouting,

" Pwede ba? Wala akong mood ngayon. "

" Ano? Araw-araw ka nalang walang mood? Umayos ka nga! Ang panget mo na! " Tumingin ako sa salamin, medyo malayo ito saakin pero kita ko ang reflection nito.

I look so pale, I have a big black circle under my eyes & got thinner than ever.

I cried.

" I'm ugly! Ate ang panget panget ko na! " Para bang waterfalls ang luha ko dahil hindi ko mapigilan ang paglabas nito, nakaramdam ako ng katawan sa likod ko. 

" H-hey lil sis! Umayos ka na kasi! Oo panget ka na dati pa, wag mo iyakan 'yon! Move on na. " She's softly tapping my back, I feel so comfortable.

Napatingin ako sa cellphone kong nagvibrate, kinuha ko 'yon at nagbabasakaling sya ang nagtext. 

Bumagsak ang balikat ko ng makitang si Paul 'yon. 

Paul:

Miks, kain na. Wag papagutom ah? Bisitahin kita mamaya, nasa work pa ko :) 

Inisnob ko 'to at pinunta sa home screen, sya ang home screen ko. Nakita kong sumilip si ate at umiling ng makita ang lalaking kinababaliwan ko simula't-una palang.

" Palitan mo na 'yang wallpaper mo, hindi sya deserving para sa taong kagaya mo. Hindi si Cyrus ang taong magpapabagsak sa tulad mo. " Napabuntong-hininga ako, ever since sa taong 'to ang kinababaliwan ko ng husto. 

Pinalitan ko nalang ng picture ko ang home screen at pinatay na ang cellphone. 

" Naging kontrabida ako sa lovelife nila, andami kong nasirang tiwala ate.. " A tears came out again to my eyes.

Nagkasundo ang pamilya ko at pamilya ni Zacarte na ipakasal kami noon, at okay lang saakin 'to dahil mapapalapit ako kay Cyrus. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at nakilala nya si Lyne, simula't-una palang ako ang nakakilala sakanya maski si Nash ay hindi nya pa kilala noon.

FLASHBACK~ 

3rd Person POV.

May batang nakaupo sa ibabaw ng malaking puno, umiiyak ito dahil sa sugat na kanyang natamo. Sa kabilang banda, nakarinig naman ang isang batang lalaki ng umiiyak tila kinabahan 'to ang naiisip nya'y may nagpaparamdam sakanyang multo.

" S-sino 'yan? " Uutal-utal na usal ng batang lalaki, nilakasan nya ang kanyang loob at sinundan ang tinig ng naiyak.

Nang makapunta sa isang malaking puno, napatingin sya sa ibaba nito at nakita ang isang batang babae na iniinda ang sugat sakanyang braso.

" W-woi! " Tumakbo ang batang lalaki at lumuhod sa batang babae,

" Anshaket! Huhuhu, " usal nya nang hawakan ng batang lalaki ang kanyang sugat.

Umalis ang batang lalaki upang kumuha ng malunggay, ang buong akala ng batang babae'y iniwan na sya nito ngunit laking gulat nya ng bumalik ang batang lalaki dala-dala ang isang sanga ng malunggay.

Umupo ang batang lalaki sa harap nito at pinisat-pisat ang malunggay, dahan-dahan nyang nilagay ang malunggay sa sugat ng batang babae.

" Ang sabi ng mama ko, pag nagkasugat daw ako humanap daw ako ng malunggay at lagyan ito ng katas. Epektib 'to! " Natutuwang sabi ng batang lalaki, napangiti naman ang batang babae, ito ang kauna-unahan nyang makatagpo ng nilalang na niligtas sya.

" Pwede bang magtanong? " Muling usal ng batang lalaki,

" Ano 'yon? "

" Bakit ang putla mo? May sakit ka ba? " Natawa naman ang batang babae sa tanong nito,

" Hindi ako maputla, ganito lang talga ang balat ko. " Kung kanina'y iyak ito ng iyak, ngayon nama'y tawa na ito ng tawa.

Nang matapos ang paglagay ng batang lalaki ng malunggay sa sugat nito'y umupo ito sa tabi nya.

" Anong pangalan mo? " 

" Mika. " Nakangiting sabi ng bata,

" Wow ang ganda naman ng pangalan mo, ako si Cyrus. Pwede ba tayong magkaibigan? " Humarap ang batang lalaki sa batang babae at nakipagshakehands,

" Oo naman. " Tinanggap ito ng batang babae.

END OF FLASHBACK~


Tandang-tanda ko pa ang araw na 'yon, ang araw kung kailan kami unang nagkita't nagkakilala. Hindi na nya ako matandaan kahit bumalik na ang alaala nya, ang tanging naalala nya lang ang Mika na minsa'y nanakit kay Carm.

Hindi ko intensyon na maghimasok sa buhay nila Carm at Zac, ngunit nang maaksidente sila'y lalo ako napalapit kay Zac. Alam kong magkikita ulit sila, nang maaksidente sila naghanap ako ng tiyempo para ipakilala sila muli sa isa't-isa, nakahanap ako ng tiyempo noong nasa starbucks ako at nakita kong nagoorder doon si Lyne.


FLASHBACK~

Si Cyrus ba ang nakikita ko? Mukang umaayon lahat sa plano ko ang tadhana ah! Saktong nasa harap ko ang kinauupuan nila Lyne, nakita ko namang palapit na si Lyne sa upuan nila at naglalakad si Cyrus, hinarang ko ang aking paa at natumba ito sa harap ni Lyne. Naula ang kape na inorder ni Lyne at nabasa ang kanyang damit.

Ganyan nga. Ipakilala nyo muli ang sarili nyo sa isa't-isa. 

Pagkatapos kong gawin 'yon tumakbo na ako palabas. 

END OF FLASHBACK~


Siguro nga'y hindi kami ni Cyrus para sa isa't-isa.


Dumaan ang araw nang mapagdesisyonan kong umalis ng bansa para makalimot, nasa airlines na ako ng yakapin ako ni ate.

" Sure ka na talaga sa desisyon mo sis ah? Basta andito lang kami ni Paul. " Napangiti naman ako, mahal talaga ako nito. Kumalas sya sa yakap at si Paul naman ang yumakap saakin,

" Miks andito lang ako, kapag kailangan mo ng karamay. Mahal na mahal kita. " Hinalikan ako nito sa noo, ngumiti naman ako dito.

Kung natuturuan ang pusong magmahal, edi sana sya nalang ang minahal ko. Simula noon palang ay gusto na ako ni Paul, kahit bata pa kami. Ilang ulit ko na syang pinaalis sa buhay ko pero hindi nya daw kaya.

Bakit ganoon? Bakit tayo nahuhulog sa taong walang pagasa na maging atin? May tao naman dyan na pwedeng maging iyo, pero hindi mo gusto.

Napabuntong-hininga ako.

" Oo magiingat na ako, " inayos ko ang maletang hawak ko. " Skype nalang tayo! " Sabi ko sa mga ito at tumalikod na, mamimiss ko silang dalawa. Hindi ko man sabihin na mahal ko ang kapatid ko dahil palagi syang nandyan para saakin, naipaparamdam ko 'yon. Pati na rin kay Paul, mahal ko 'yon, bilang kaibigan. Siguro pagbalik ko ng Pilipinas magiging handa na ako buksan muli ang puso ko. 

Goodbye Philippines, see you Canada


*****

The Special Chapter of Mika! Enjoy ba yung twist? Hahaha. Wala pa sa isip ko ang book 2, if ever, if ever lang ah? Gagawa ako para mas kaenjoy-enjoy ang story ng buhay ni Mika. Comment doon sa last chapter ( Questions & Trivia ) kung may tanong ka pa! <3 

All the love,

xxx

Nerdy Girl - Nashlexa Fanfic -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon