Chapter 2: Finding Royal Academy
**
Nasa daanan kami papuntang Royal Academy. Nakakuha na kami nang letter. Parang form lang pala yun. Pero galing sa principal din namin.
"Anung nga sabi nung barangay captain?" Tanong ni Julian. Hindi nya kasi iniintindi yung sinasabi nung kapitan. Focus yung atensyon nya sa letter.
"Nasa may kagubatan daw. May mga karatula naman daw doon na mag li-lead sa location natin." Paliwanag ko sa kanya.
Tumango na lang sya. Parang wala naman sa kanya yung lilipatan naming school. Pero sa akin kasi, mahalaga ang edukasyon.
Agad agad kaming nagpunta sa may forest. Isa lang naman yung kagubatan dito sa lugar namin. Since na puro buildings at structures na dito, may natirang isang kagubatan. Takot daw silang tanggalin to kasi delikado daw. Pinamumunuan daw kasi ito nang isang reyna at isang hari. Ewan ko kung tao o mga engkanto yung reyna at hari doon. Basta what is important, nandoon pa rin yun at napatayo ang Royal Academy. May school na agad kami.
Papasok na sana kami nang gubat nang may narinig kaming mga babaeng naguusap. Kami yata ang pinaguusapan.
"Sila lang yung kumagat sa pain nung mga demonyo."
"Oo nga. Siguro sadyang mapalad nalang at hindi sila mamamatay."
"Sana nga. Sayang naman ang lahi nila."
Nagkatinginan kami ni Julian. Tumawa kami nang bahagya. Hindi na kami nagpa apekto. Tinuloy na namin ang paglalakbay.
Wala pa kami sa kalagitnaan nang lakad ay parang kinakabahan na ako. Di ko alam. Parang may something sa lugar na 'to. Parang yung hangin na dumadampi sa balat ko, parang royal. Parang napaka fresh. Ewan.
"Nakakapagod. Asan na ba tayo?" Tanong sa akin ni Julian. Hindi ko sya sinagot kasi maskit ako, hindi ko rin alam. Wala akong alam.
"Teka. Nasaan ba yung map natin?" Tanong ko.
Kaagad syang naghanap sa bagahe naming dala. Oo bagahe. Ayaw na naming magpabalik-balik at magpaunti-unti sa pagkuha nang mga damit namin lalo na't mahirap mahanap ang lugar nang Royal Academy.
"Badtrip. Nawawala yung mapa?!" Bulaslas nya. Wala na akong nagawa. Alangan namang magsisihan pa kami rito edi mas lalo pa kaming natagalan. Napapagod na rin ako at gusto ko nang makapagpahinga. Di sapat sa akin ang ila-ilang minuto na pahinga. Kapag kami nagkarating sa RA, matutulog na agad ako.
"Hayaan na natin yun. Ang mahalaga ay mahanap na natin yung Royal Academy." Sabi ko. Agad namang sumang-ayon sa akin si Julian kasi halatang pagod na rin sya.
Naghanap kami nang naghanap. Actually, parang paikot-ikot lang kami sa gubat na ito. Nakakahilo na. Sumasabay pa yung pagod namin. Tsk.
"Diba nadaanan na natin ito kanina?" Ani Julian. Pinagmasdan ko yung lugar. Oo nga. Dinaanan na nga namin 'to.
"Hayaan mo na. Sige. Kung kanina, ang dinaanan na tin is kaliwa, kanan naman tayo." Sabi ko sa kanya. Tumango tango na lang sya.
Sa kanan nga kami dumaan. Medyo pamilyar pa rin talaga. Parang nadaanan na namin ito. Tsk. Nakakahilo na.
"Eh nadaanan na natin to eh?!" Bulaslas ni Julian. Halata na rin ang pagiging beastmode nya lalo na't di sya sanay sa mga ganito. Buti na lang ako nag girl scout ako dati kaya medyo pamilyar pa rin sa akin ang mga detalye.
☆POP!!!☆
Nagulat kami ni Julian. Biglang nag pop ang isang ermitanyong lalaki. Ang tanda na yata niya. Siguro, triple sa edad nang lolo ko. Tapos, ang haba pa nang balbas nya.
"Hinahanap nyo ba ang Royal Academy?" Ugod-ugod na tanong nito.
"Oho. Ah..eh.. Alam nyo po ba kung saan yun?" Ani Julian. Medyo kumakagat ka sya. Mukha din naman kasing alam nitong ermitanyong ito ang exact place.
"Hindi ako ang karapat dapat magsabi niyan sa inyo. Pero ito ang tatandaan nyo.
Buhay na nagbunga sa lugar na may araw.
Katapusan nito'y katapusan din nang araw.
Kung sakaling kayo'y mapagod, malito at matuliro,
Tayo sa itaas, bababa ang paningin ninyo."
☆
Ilang oras na kaming paikot- ikot rito pero ni isang anino nang Royal Academy, wala. Kahit plaka man lang na 'Dito ang daan patungong Royal Academy' ay wala. Tsk. Malas.
Humalukay ako sa bag ko. Nagpapahinga nga pala kami ni Julian. As usual, hindi pa rin nin mahanap yung exact place. Nakakalito talaga.
Ang tanging naka pukaw nang pansin ko sa mga gamit ko ay ang compas ko. Anung gagawin ko dito?
Nag isip ako nang malalim. Parang unti -unting lumiliwanag ang aking isipan. Aha!!
Baka maturo nang compas na ito ang daan!!! Agad agad ko itong pinagana.
Ilang segundo, tumuro ito sa east. Where sun rises.
"Julian!!"
Agad namang tumayo si Julian at parang nagulat. Hindi ko sya masisisi kasi na excite ako sa compas.
"Bakit?" Tanong nito. Tinuro ko ang mga gamit nya at kaagad naman nya itong kinuha. Naglakad na kami sa direksyong east.
"Sigurado ka bang ito ang tamang daan, Migrid?" Tanong niya. Tumango nalang ako. Hintayin na lang natin na purihin ako ni Julian kapag nakarating na kami sa Royal Academy dahil sa compas ko.
Dire-direstso lang kami sa paglalakad. Parang ang tagal na maming nag-iikot pero hindi man lang dumidilim. Well, I don't care. Baka sadyang pagod lang ako.
Tumingin ako sa compas. Unti-unti itong nagtu-turn sa west. Hala. Nakakalito.
"Uy, Migrid, sabi ng compas mo, west daw." Ani Julian. Medyo creepy pero we still follow the compas.
Habang nasa lakbayin, nari-realize ko na nadaanan na namin to nung nagtungo kami sa east. Anu bayan!! Nakakalito.
A big group of wind invaded our sleepy and tired souls. Medyo nagising ako kasi ang lamig nang hangin.
Nahulog ang compas namin. Akmang kukunin ko ito pero naunahan ako ni Julian. Teka, nahulog yung pendant na nasa holder nung compas!!
Ako na ang kumuha nang pendant. Dahan-dahan kaming tumayo ni Julian at nasilaw sa ilaw na nagmumula sa harapan namin. Sinasangga nito ang mala-marmol na ding-ding nang kung ano sa harapan namin. Unti-unti itong nawawala. Hanggang sa luminaw na ang lahat. At ang unang nahagip nang mga mata ko ang katagang..
Royal Academy.
☆
Please vote, comment and be a fan. Thank you.
YOU ARE READING
Royal Academy: Earth VS. Fire (On Going)
FantasyAre you finding a magical academy whose queen and king ruled by it? An academy which is not as ordinary as any other school? Well. You find the right place to study on. Welcome to ROYAL ACADEMY.