Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagsimula?
Kung paanong ako ay iyong napapasaya.
Yung mga panahong halos araw-araw tayong magkasama. Oras-oras, minu-minuto, bawat segundo.Nakakatuwa yung mga panahong unti-unti akong napapalapit sa'yo at ganoon ka rin sa'kin
Tanda mo pa ba yung mga panahong masaya ako at ganoon ka rin?
Yung ikaw na siyang gumuguhit ng ngiti sa labi ko at sa'yo na umiikot ang aking mundo.
Yung nagsimula akong maniwala at umasa sa mga pangako mo?Pero ito ang bittersweet reality.
Oo nga pala, promises are made to be broken.
Nabulag ako, nabingi at nakalimot.
Nabulag sa matatamis mong ngiti. Nabingi sa magagandang kasinungalingan. At nakalimot, oo, nakalimutan ko ... nakalimutan ko na hindi talaga nag-eexist ang forever.
Lahat ng bagay ay hindi nag-eexist ng panghabang-buhay.
Infinity. Eternity. Walang hanggan. Walang katapusan. Puro lang salita yan.
Masarap pakinggan, pero masakit kapag hindi na napanindigan.Nauwi na naman sa pagiging bitter ang dapat sanang masayang alaala. Alaala. Isang magandang alaala. At napakasarap din. Kaya siguro, 'yun ang papel ng magandang alaala. Masarap na lamang balikan. Pero matapos itong alalahanin, mare-realize mo na, wala na 'yun at baka hindi mo na muling maranasan pa. At doon ka malulungkot. Sa parteng hindi mo na iyon muling mararanasan pa.