"10:30 a.m"
Nagmamadali nakong umalis sa hotel kung saan ako dinala ng kung sino man.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa condo na aking tinutuluyan."beep beep!"tunog na nanggaling sa bulsa ko.
"bess, sorry nakatulog ako di ako nakareply sayo. Asan ka ?"text ni jane
"Eto pauwi palang, nasa school ka na bes?"
"La pa bess. Kita us may chika ako"
"okay"Pagkababa ko ng taxi agad akong pumasok at sumakay ng elevator papunta sa unit ko.
Dali daling naligo at nagbihis ng uniform papasok, wala na kong oras para mag ayos masyado kaya pinili ko nalang mag ayos sa taxi.
Nang makarating sa university na pinapasukan ko , sa sobrang kakamadali ko may nabangga ako na tao at nagkalat ang kanyang daladalang gamit sa sahig ,"Sorry po . tulungan ko na po kayo, sorry nagmamadali po talaga ako."todo nagsosorry sa taong nakabangga ko habang pinupulot ang papel at folders na natapon sa sahig sabay abot sakanya ng kanyang gamit.
Natigilan ako sa pag abot ng gamit bya at napatitig sa kanyang maamong mukha na mala anghel at aakalain mong napaka inosente.
"Walang anuman , pero next time pakitignan nalang po ang dinadaanan nyo."
sabay ngiti nya sa akin na lalo akong di nakagalaw sa aking pwesto.
Umalis na ang lalaking nabangga ko pero heto padin ako , di nakagalaw sa kinatatayuan at tila isang sira na nakangiti mag isa at nakasubaybay ang tingin sakanya.
"Bess!!"
sabay batok na nanggaling sa likuran ko.
Natauhan ako ng medyo sa ginawa ni jane.
"Sino yun jin? Trip mo ? Tagal mo syang tinitignan ha. Kanina pa ako sa likuran mo pero mata mo nakatingin sakanya."Pang aasar sakin ni jane."Tara na atsaka wag mo kalimutang may kasalanan ka sakin" sabay akbay kay jane.
After ng klase namen ay nagtungo kame ni jane sa isang coffee shop na malapit sa university.
"jin, nakipagbreak na sakin si mark."sambit ni jane na bigla syang nalungkot.
"Di ko alam kung malulungkot ako or what. Mixed emotion kumbaga"pahabol ni jane.
"Ano ba ang dahilan bakit sya nakikipagbreak sayo ?"pag usisa ko"bes kasi......."