Ako si Sophie, career woman hindi naman workaholic, bread winner pero marami sanang gusto pang makuha kaya lang hindi naman kakayanin kapag ikaw ang ina asahan, maganda sabi nila sexy?? Pwede na, nakakahiya naman kasi sa mga rumarampa ng ms universe kung sasabihin kong mas sexy ako sa kanila. Mabait na anak (naks!!) Maunawaing kapatid (naks ulit!!) Ma alaga sa mga pamangkin (lalong naks db!!)
Sabi ng mga kaibigan ko, mahilig daw ako sa hugot, bakit di mo na lang gawan ng story yang mga hugot na ginagawa mo.
Napapanahon ang mga laman at takbo ng story na to for sure marami ang makakarelate sa akin at sa mga ibang isusulat ko, kaya sundan nyo ang aking isa pang kwento na para sa mga babaeng mahilig magbasa, makarelate at humugot sa mga napapanood at nababasa nilang mga kwento ng love
#mahiligakonghumugot, may pinag huhugutan din naman kasi, at isa ako sa mga babaeng sinasabihan na SMP o samahan ng malalamig ang pasko tuwing December, isa din ako sa mga sinasabihan na pusong sawi tuwing Valentine's Day. At ang mas malala dun isa ako sa mga babaeng paulit ulit na tinatanong sa mga reunion's, gatherings at kung ano ano pa. Guess what! Ang mahiwagang tanong ay "Kelan ka na ba mag aasawa".
At sa totoo lang nakakasawa na din namang mag punta sa mga ganitong gatherings kasi nakaka umay din naman ang mga paulit ulit na tanong, eh di sila na ang happy, sila na ang may mga masayang lovelife, ang pait, diba lasang lasa dinaig pa ang ampalaya.
Baka naman isipin nyo talagang sawi ako, hindi naman..madami lang pinag daanan, isa din ako sa mga babaeng dumaan sa napakadaming hashtags. Minsan nga ini isip ko kung ano pa kaya ang pwede ko pang idagdag sa mga hashtags ko nakakatawa diba.
Sabi ng dalawang bestfriend kong bakla nakaka intimidate daw kasi ako, bukod sa magandang position at stable na trabaho, suplada daw kasi ako. For sure girls mag aagree naman kayo sa akin, ika nga nila looks can be deceiving, at kung gusto naman talaga akong kilalalanin eh makikilala din naman nila ako, sabi nga nila kung may gusto madami at napakadali lang naman ng mga paraan.
Isa pa nagkaroon din naman ako ng lovelife. Masaya nga eh, ilang years din yun pero sadya nga ata talagang hindi akma ang panahon sa mga bagay bagay (in a very dramatic role) at wala din namang forever pwera na lang kung dumadaan ka araw araw sa EDSA dahil dun makikita mo ang forever mo ang salitang "traffic". Malaki din naman ang naitulong ng naging past relationship ko sa kung ano na ang meron ngayon.
TO BE CONTINUE...
YOU ARE READING
MOVING ON
General FictionSa panahon na halos lahat ay mabilis mag move on meaning halos lahat ay nag lelevel up na gaya na lang ng social media, internet, transportation at kung ano ano pa. Ang emotional aspect kaya nag lelevel up din, ikaw naka pag move on ka na ba? Napagd...