Prologue

6 1 0
                                    

"Get rid of that child! You know that I'm getting married, right?! Fuck this shit!"

Nag-pantig ang tenga ko sa narinig ko mula sa kanya. Eh tangina niya pala talaga. Nung ginagawa namin ang bagay na yon, sarap na sarap siya tapos ngayong nagbunga galit na galit siya at handa niyang ipapatay ang nasa sinapupunan ko?! Mabilis ang naging reaksyon ng kamay ko at sinampal ko siya.

"How dare you! Hindi ako nandito para sabihin sayo na pakasalan mo ako para sa magiging anak natin!"
Sigaw ko pabalik.

Alam kong wala lang ang namamagitan samin nguni't gayunpaman ay nais ko lamang na ipaalam sa kanya dahil alam kong karapatan niyang malaman iyon.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. "Aray! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!"
Napatitig ako sa galit at umaapoy niyang mata. Nagtatangis ang bagang siyang nagsalita.
"Get rid of that child. You don't wanna messed with me, Tamara!"

Buong lakas ko siyang tinulak at sinampal sa ikalawang pagkakataon.

"Eh tangina mo naman pala talaga! I told you, I am not here to fucking force you to marry me! Binigyan lang kita ng karapatang malaman na nagbunga ang pagkakamali nating dalawa. Pero maling-mali pala ang pagpunta ko dito."

Muli ko siyang nilapitan at binayagan ko siya. Aba, may bayag pala ang gago dahil namalipit siya sa sakit.
Napaluhod siya kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang baba niya para maging magkapantay kami.

"Wag na wag mo kong tatakutin dahil kayang-kaya kitang tapatan. Hindi ako katulad ng mga babaeng naikama mo na takot na takot na mawala ka kaya lahat ng gusto mo ay sinusunod nila."
Halos walang boses na sabi ko sakanya.
hinalikan ko ang pisngi niya at Hinigpitan ko ang hawak dito upang lalo niyang maramdaman ang intensitidad ng galit na namumuo sa buong pagkatao ko.

"At tandaan mong mula sa araw na ito, tinatanggalan na kita ng karapatan sa magiging anak KO."

Iyon ang mga huling salitang binitiwan ko sa walang kwentang ama ng magiging anak ko.
----

Author's note: Sorry, I really don't know how to make a prologue.

pls do comment. para malaman ko lang ang feedback niyo. would really appreciate it. :) thanks much. xoxo

-cherry with love

Fire on FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon