My Imperfections

36 1 2
                                    

"Ituring mong mga panaginip lamang ang mga karanasang walang ginawa kundi pahirapan at saktan ka."

Isinilang ako sa mundong ibabaw upang mabuhay at makipagsapalaran sa agos ng buhay, masaktan, maging maligaya, umiyak, tumawa, magdamdam, magmahal at mahalin. Sa simula pa lamang, umasa na akong magiging maayos ang tatahakin kong landas patungo sa tamang karunungan, pero nagkamali ako. Lumaki ako sa gitnang silangang bahagi ng kabihasnan, pero sa kabila nito naging maayos at nasa makabago akong pananaw at pustura.

Lumaki sa institusyong bukas para sa lahat; pangit, mataba, itim, puti, mayaman, mahirap, maganda, payat at kahit sino kaya nagkaroon ako ng maraming mga kaibigan. Mga kaibigang naging bukas at tagapayo sa mga personal kong problema.

Ngayon, ako'y isang kabataang nakararanas ng hagupit ng buhay. Inaamin kong maraming beses na akong nadapa at natalo ng mga pagsubok na ito, pero heto parin akong nakikipaglaban at nakikipagsapalaran.

Umiyak na rin ako sa sakit na dulot ng mga hagupit ng makamundong karanasang ito lalo na sa larangan ng PAG-IBIG.

Noong una, hindi ko inakalang papasok ako sa puntong ito sa kadahilanang naniniwala ako na wala pang puwang ang ganitong usapan sa apat na sulok ng buhay ko. Pero dumating ang taong umayos sa aking pasaporte papasok sa naturang mundo. Tinanggap ko xa ng bukas sa aking loob dahil nakita ko naman na karapat dapat siya. Umasa ako sa pagibig nya pero hindi ko inakalang yun pala ang pinakamalakas na hagupit sa akin ng mapaglarong tadhana, nasaktan din pala ako.

Dahil sa hapdi na naramdaman ko, umalis ako at bumalik sa dati kong kinaroroonan. Sa bago at pagbalik kong yun, umiyak ako at lumuha ng pagsisisi. Sa pagdadalamhati kong yun, pinunas ng isang kaibigan ang mga luha sa sugatan kong puso. Hindi ko inakala na noon pa man bago dumating ang nanakit sa akin, nasa paligid ko na ang taong handang ialay ang buhay nya para sa akin. Handang ihandog ang pagmamahal nya ng buong buo. Sa ikalawang pagkakataon, binuksan ko ang aking puso at isipan para sa matagal ng kaibigan.

Habang puno ng pagtitiwala sa isat isa, hindi ko namamalayang nawawalan na pala kami ng sapat na panahon para sa aming dalawa, unti unting nababawasan ang pagpapahalaga namin sa kung anung meron kami hanggang sa ngayun. Walang hiwalayang naganap, kaya parehas kaming salawaan sa himpapawid kasama ang mga tanung na "kami pa ba?", "anung nangyari?".

Ngayun mas masakit pa sa nauna, sobrang hapdi. Nagalit ako sa mundo pero mas nagalit ako sa sarili ko dahil mas pinapairal ko ang takot sa kung anu man ang isasagot nya sa mga tanung ko.

Sa tulong ng mga tinginang tagos sa puso, naayos din namin ang lahat, naghihintay lang pala xa sa akin. Sinabi nya sa aking magtuwala lamang ako sa kanya, na kaibigan ko parin siya. Handa parin siyang magpahiram ng lahat lahat, handang pumawi sa pagod at hirap na dala ng panahon.

Nasaktan man ako at nadapa, napatunayan ko parin ang tunay na ako bilang isang matatag at matibay na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My ImperfectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon