6th

8 0 0
                                    

4th day in resort....

"Good morning maam and sir have a good day" sabay sabay na sabi ng mga crew sa isang kainan sa resort ng nakangiti at ang iilan ay kinikilig na nakatingin sa likuran ni kristle.

Rinig na rinig ni kristle ang bulungan ng mga babae "Buo na ang araw ko umaga palang" sabi ng babaeng halos titig na titig kay mogs. "Umulan ng kagwapuhan at pagiging hot, ayyy sinalo ni sir lahat" sabi naman ng isa. "Magkasama kaya silang dalawa? baka mag asawa? o boyfriend ni maam? Mas bagay kame" sabi naman ng dalawang crew na kilig na kilig sa tabi. Napailing nalang si kristle sa mga narinig.

Sa pagtataka kung sino ang nasa pinaguusapan ay napalingon si kristle sa  likuran at nakita si mogs ang nasa likod. "Good morning guys, have a good day too" sabi  ni kristle ng nakangiti para malaman ng mga ito na nageexist din siya. "Ano nga ulet pangalan nito? Hmmmmm mons? no mali, mogs? yes mogs pala. Kaya pala ang aga aga kinikilig ang mga babae dito sa baba eh" sabi ni kristle.

"Good morning" sabi ni mogs sa mga crew. Nakita niya na nasa harap niya ay si kristle ay lalapitan niya sana ito pero narining niyang mahinang binanggit nito ang pangalan niya at nagsasalita magisa na nagpangiti sa kanya.. "Yes kristle? I heard your telling my name? Why?" tanong ni mogs na may halong pang aasar.

"Ahh ehhh... hinde ah? sabe ko mogu mogu, gusto ko ng mogu mogu hehehe"  palusot na sabi ni kristle kay mogs.
Natawa si mogs sa pagkautal ni kristle at sa pagpapalusot nito kaya't mas inasar niya pa ito. "Are you sure?" tanong ko. "Yes sure na sure why?" Sagot ni kristle. "Okaaaaaaaay anyway good morning sana makabili ka ng gusto mong mogu mogu, because where here at the beach were not in the city, so obviously walang convenience store dito" sagot ni mogs ng nakangiti. Asar na asar si kristle kaya naglakad nalang siya papunta sa isang cottage at namili sa menu ng kakainin "Babawe ako mamaya, yabang talaga" bulong nitong sabi sa sarili.

"Pwede makiupo? Ang crowded kase banda dun and I love the view in this spot " nakangiting sabi ni mogs kay kristle. "NO, AYOKO! maghanap ka ng sarili mong pwesto" nakataas kilay na sabi ni kristle. Binalik niya ang atensyon sa menu at muling namili ng kakainin ng muling nagsalita si mogs "Even you like it or not, I'll stay here. Isipin mo nalang wala kang nakikita" seryosong sabi ni mogs kay kristle. "Okay you can sit there, may magagawa paba ako? Eh sa gusto mong magpacute saken? So be it."  Nangasar na sagot ni kristle habang nakangiti.

Tawang tawa si mogs sa sinabi ni kristle sa kanya at kitang kita niya sa mukha nito ang "Nakabawe din" ayon sa pinipigilan nitong tawa kaya sinagot niya ito para asarin " Hey, are you really awake? your still dreaming" tawang tawang sagot niya sa kaharap ang akala niya ay hinde na sasagot ito pero nagsalita muli ito
" Hmm i'm not sure if i am,honestly im still sleepy. Buong gabi kase kitang nasa isip eh. Di kaba napagod? aba, magdamag ka kaya tumatakbo sa isip ko" walang kahiya hiyang sabi ni kristle ng nakangiti, Pinatong niya ang dalawang siko sa lamesa at isinandal ang kanyang mukha dito at tinitigan ang kaharap.

Natameme si mogs sa kinauupuan dahil hinde niya alam kung anong isasagot sa sinabi ni kristle at sinamahan pa nito ng pagtitig na parang naghahamon. "Nakapili kana ba?" tanong ni mogs ng wala sa sarili. "Yes, pwede bang ikaw na lang? Bukod kase sa ikaw lang ang gusto ko, ehh kanin nalang ang kulang dahil sa sobrang yummy mo" tuloy tuloy na sabi ni kristle kay mogs. Pinamulahan ng mukha si mogs dahil sa mga hirit ni kristle hinde niya alam ang tamang sagot o kung dapat pa ba siyang sumagot dahil sa awkwardness na nararamdaman niya. "Damn this women! she's the very first girl na nagpatameme saken at ano ba tong mabilis na pagtibok ng puso ko? kinakabahan ba ko?" sabi ni mogs sa kanyang isipan.

Ilang minuto ang lumipas ng nagsalita na si mogs para tanungin ang kasama kung ano ang gusto. " I think it's about time for us to order, may napili kana ba?" Tanong ni mogs sa kasama. " I already told you what I want right? I want you" sagot nito. Pigil na pigil ni kristle ang pagtawa sa nakikita niyang pamumula sa mukha ng lalakeng kaharap at kung paanong hinde ito makasagot sa mga hirit niya. "Enough for your cheesy lines, kristle. Gutom na ko, I know you are too so tell me what do you want so we can eat now." Matigas na sabi ni mogs. Di na napigilan ni kristle ang pagtawa kaya tumawa siya bago sabihin  ang kanyang kakainin dahil ramdam niya nadin ang gutom.

"I want everything in this menu" sagot ni kristle. Ikinagulat ni mogs ang sinabe ng babaeng kaharap niya "Seriously?" gulat na tanong ni mogs. "Do I look not?"  mataray ni sagot ni kristle. Tinawag niya na ang waiter at sinabe ang kanyang order at ng babaeng kasama niya. "Seriously? You can eat all your orders?" Tawa tawang sabi nito kay kristle. "Watch and learn" panghahamong sabi ni kristle.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating nadin lahat ng kanilang order at kitang kita niya ang saya sa mukha ng kaharap, natatawa siyang tinitingnan ito dahil mukang napakababaw ng kaligayan nito, kaya kinuha niya ang kanyang cellphone at lihim itong kinuhaan ng litrato. "I wonder, Ilan kaya dragon mo sa tiyan at mukang napakadame" biro ni mogs kay kristle. Hindi man lamang siya nito sinagot o nilingon man lang dahil tuloy tuloy lang ito sa pagkaen, pinagmasdan ni mogs ang kaharap dahil nakakatuwa itong tingnan.
"Mukang kukulangin pa yung inorder mo ah, you foody monster" bulong na sabi ni mogs sa sarili. "Hindi ka mabubusog kung titingnan mo lang ako kumaen" sabi ni kristle. Nagsimula nading kumaen si mogs at kitang kita niya kung gaano katakaw ang kasabay niyang kumaen dahil mukang pinag iinteresan pa nito ang pagkaen niya "Hindi mo ba kakainin yang steak mo?" tanong ni kristle. "Why?" sagot ni mogs.

"Hmmmmm wala naman, akin nalang sana kung hindi, sayang kasi" Nakangiti sabi ni kristle. Nagulat man si mogs sa sinabi ni kristle pero sinagit niya kaagad ito. "Di ko alam san mo nilagay lahat ng kinaen mo at mukang di kapa busog, pero sige sayo na to. Halimaw!!!" sabi ni mogs ng natatawa. Inilipat niya ang steak sa plato nito na mabilis nilantakan  ni kristle na ikinatawa niyang muli..

When Love hits You...Where stories live. Discover now