Kabanata XVII: Sembreak

31 1 0
                                    

Naging malaking tulong ang ginawa naming group study bilang paghahanda sa aming final exams. Matataas ang aming mga nakuhang marka, kaya sobrang saya naming tatlo. Lalo pang nag-ibayo ang aming tuwa nang makuha na namin ang aming mga classcards sa aming mga subjects.

"Boss, Gina, salamat sa pagtulong niyo sa akin. Kahit unang sem ko pa lang dito ay di ako nahihirapan kasi nandiyan naman kayong dalawa."

"Wala yun Luke" sagot ko. "Syempre, magkakaibigan kaya tayo kaya dapat lang na tulungan ka namin."

"Salamat talaga. Gusto niyo mag-outing tayo? Bilang celebration kasi tapos na ang first sem. At para icelebrate din natin ang ating pagkakaibigan."

"Ayos yan Luke. Pero di ako pwede ngayong sembreak eh. Bibisitahin kasi namin ang mga kamag-anak namin sa Palawan" sagot naman ni Gina.

"Ganon ba? Sayang naman. Teka, hanggang kelan kayo dun? Tatlong linggo naman ang bakasyon natin. Baka kahit bukas na yung outing. Ako na bahala. Or sa last week ng sembreak, bago enrollment."

"Bukas na kasi ang flight namin. Sina Papa kasi ang nag-ayos ng mga kailangan sa pagpunta namin dun. Sige, bago mag-enrollment na lang. Pagkagaling namin dun."

Katahimikan. Binalasa ko ang aking mga bagong kuhang classcards. Magsasalita sana ako subalit inunahan naman ako ni Gina.

"So, anong plano niyo ngayong bakasyon?" tanong niya.

"Ah, wala. Sa bahay lang ako siguro. Alam mo na, yung mga karaniwang ginagawa ko kapag walang pasok" sagot ko naman.

"Ako siguro, sa bahay nina Boss. Ipagpapatuloy ko yung paninilbihan ko sa kanila."

Tiningnan ako ni Gina. Alam ko na naman ang umiiral sa kanyang malikot na isipan.

"Oh, ano na naman yang ibg sabihin ng tingin mong yan?" tanong ko kay bez.

"Wala lang bez. Naisip ko lang, hanggang kelan mo ba balak magpaligaw kay Luke?"

"Huh? Di ko alam." Tinignan ko si Luke, na noo'y nakatitig na pala sa akin. Inulit ko ang aking sinabi habang nagkakatitigan kami, "Hindi ko alam."

Parang may kung anong kumurot sa akin. Konsensiya kaya? Kalagitnaan ng semestre nang magsimula siyang manligaw sa akin, at ngayo'y sembreak na. Maiksing panahon pa lang naman iyon kung tutuusin, pero sobrang daming effort na ang nagawa ni Luke para sa akin. Mula sa paghahatid pauwi, hanggang sa paninilbihan sa aking pamilya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Okay lang naman sa akin kahit di pa ako sagutin ni Boss" ani Luke. "Di ba sabi ko na noon, handa akong manligaw ng kahit gaano katagal." Bakas sa kanyang mga mata ang sinseridad sa kanyang mga sinabi. Alam ko, swerte ako sa manliligaw ko. Ngumiti na lang ako kay Luke.

Tinotoo nga ni Luke ang kanyang sinabi kay Gina. Sa buong bakasyon ay sa bahay siya namalagi, pinagsisilbihan kami. Lumipas pang muli ang mga araw. Papalapit na ang enrollment. Isang gabi ay kinausap ako ni Nanay.

"Pamulinawen?" marahan niyang sambit sa aking pangalan.

"Bakit po, Nay?"

Umupo siya sa tabi ko. "Tanungin ko lang, anak. May kulang ba sa ginagawang panliligaw sa iyo ni Luke?"

"Huh? Bakit naman po ninyo natanong iyan Nay?"

"Kita naman kasi natin ang ginagawa niyang pagsasakripisyo para sa iyo. Heto nga't buong bakasyon ninyo ay narito siya sa bahay para pagsilbihan ka. Nagtataka lang ako kung ano pa ba ang hinihintay mo para sagutin siya."

Hindi ako nakasagot kay Nanay.

"Anak, may pumipigil ba sa iyo?"

"Nay... Kayo po ang hinihintay ko" pagdadahilan ko. "Kayo naman po ang magdedesisyon kung magkakaboyfriend na po ako o kung hindi pa, di po ba? Palaging yan naman po kasi sinasabi niyo sa akin ni Tatay kahit noon pa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alaala ng Unang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon