POV ni Sofie
" Grabe ang cute cute naman ni baby terrence " tuwang tuwa na sabi ko. habang buhat buhat ang bagong panganak na baby ni sandy
"Syempre kanino pa ba magmamana yan, edi sakin na daddy niya" mayabang na sabi ni Marco
"Ou nga noh! puro sayo nga nakuha ni Baby yung itsura niya, mukang yung singkit na mata lang ni Sandy yung nakuha niya" sang ayon ko
"Ou nga friend" sagot ni Sandy
"Anu honey okey kana ba? nag aalalang tanong ni Marco
"Ou medyo okey na ko"
"Ay mabuti pa kunan ko kayo ng picture" sabi ko saka ko ibinigay si terrence kay Sandy. Kinuha ko ang camera ko saka ko sila kinunan.
click! click! click!
"Nakaka inggit naman kayo"
"Hmm wag ka nang mainggit, tara tayu naman yung magpapicture" aya sa kanya ni Sandy
"Ay sige" tuwang sabi ko saka ko ibinigay kay Marco yung camera.
"Eh kasi naman gumawa narin kayo ni Darius" biro sa kanya ni MArco
"Ha ayoko nga noh! bata pa ko saka break na kami nun." mahina kong sabi
"Oh bat naman kayo nagbreak" takang tanong ni Marco
"No comment" sabi ko
"Eh bakit nga? kulit nito
"Kasi nga ayaw ng parents niya sakin" mangiyak-ngiyak na sabi ko
"Eh anu naman kung ayaw nila sayo, hindi naman dahilan yun para iwan ka niya" mejo inis na sabi ni Marco
"Ayaw kasi nila sa tulad kong ampon lang"
"Yun lang yung dahilan nila grabe naman sila."
"Ou nga honey, masyadong mama's boy yang si Darius, kaya nung sinabihan lang siya ng nanay niya niya na hiwalayan si best eh ora mismo nakipagbreak..Kaya kung ako sayo kalimutan mo nalang yon.Hindi siya dapat iniiyakan" sabi ni sandy
"Ou nga Sofie tamo ko minahal ko parin si Sandy kahit alam kong ampon siya" sabi naman ni Marco
Tama kayo ng basa ampon nga kami pareho ni Sandy. Inampon kami ni Mommy Belle sa isang Orpanage. Si SAndy lang dapat ang aampunin ni mama pero dahil ayaw niya kong iwanan, isinama na din ako sa inampon. 5 years old ako nun at 8 naman si Sandy. Hindi ako nasanay na tawagin siyang ate, ewan ko ba siguro dahil mas gusto ko siyang maging kaibigan.
P O V ni Sandy
"Sigurado matutuwa si mama pag uwi niya" sabi ko, iniba ko na yung topic dahil mukang iiyak na si Sofie
"Ou nga noh! tuwang tuwa nga siya nung ibinalita kong nanganak kana. Excited na daw siyang makita si baby terrence" sagot ni sofie saka pisil sa pisngi ng sanggol "Sigurado maraming paiiyakin to pag laki niya...Ang cute cute eh!"
"WAg mo masyadong panggigilan, ayan tuloy umiyak na" sabi ko kay Sofie habang pinatatahan si terrence
"Ay maam kailangan niyo na pong padedehin si baby" singit ng nurse na kapapasok lang.
"Ah sige sandy i breast feed mo muna si baby, bibili muna ko ng pagkain natin."
............................
After ilang month
P O V ni Sofie
Pinabinyagan na namin si terrence at isa nga ako sa naging ninang niya. Proud na proud akong maging ninang niya dahil first time ko to at sa bestfriend ko pa..
Past Forward
Kasal na ni Sandy at MArco, sinabay na nila ito sa birthday ni Baby terrence 2 years old na ito ngayon. Napaka bibong bata nito, ito ang naging ring bearer nila sandy
"Baby bumaba kana kay ninang" sabi ni Sandy kasalukuyan ko kasing buhat si terrence
"Yoko usto ko buhat ninang"bulol na sabi ni terrence
"Pero mabigat kana baby"
"Okey lang yun Sandy, hindi pa naman ako nangangawit..asikasuhin mo nalang yung mga bisita niyo"
" Ah sige tawagin mo nalang ako pag nangangawit kana"
"Ou sige" sagot ko. Terrence anu gusto mong kainin?" nakangiti kong tanong. Ibinaba ko muna siya sa upuan.
" Gusto ko chicken joy" bulol na sabi nito
(Isipin niyo nalang bulol yung pagkakasabi ni terrence..)
"Oh sige basta jan kalang ha, kuha lang ako ng pagkain"
"Opo intay kita dito"
"OKey be a good boy ha!" sabi ko saka ko siya kinurot sa pisnge.Dali dali na rin akong pumunta sa buffet Table.
Pagbalik ko sa table kung saan ko iniwan si terrence nakita ko siyang naglalaro ng airplane..
"Oh terrence kain na tayo" aya ko sa kanya
"Ninang subo"
"Okey sige na nga, open your mouth baby,,say aaaah"
"Aaaaah"
"Ano masarap ba?
"Sharap ninang" puno ang bibig na sagot ni terrence
"Ang takaw talaga ng baby namin..hahaha" tumatawang sabi ko.saka ko pinunasan ang gilid ng labi niyang nalagyan ng pagkain.
