"Hoy Bruha! Bakit ngayon ka lang tumawag?" sita agad sa kanya ni Althea pagkatawag niya.
"Eh bakit ikaw? Di man lang tumawag?" natatawang wika niya dito.
"Ang busy bru! Maraming nagsu-summer ng mga bagets!" reklamo ng bestfreind niya.
"Ilan ba kayong nakaduty?"
"Tatlo eh 20 ang nag summer. Maraming in-coming Grade one eh."
"Wow, magandang balita iyan!"
"OO, pero wala pa ring bagong pamalit sa iyo noh. Good luck sa June!"
"Malayo pa naman iyon bru kaya makakahanap pa iyan for sure."
"Bakit? Diba hanggang May ka lang diyan? Bumalik ka nalang sa June bru!"
"Oo hanggang May pero di ko pa sure anong mangyayari after...." nalungkot siya bigla ng marealize iyon. Mabigat sa pakiramdam ng maalalang hanggang May lang pala siya doon sa farm.
"Ay! Bakit may nafe-feel akong lungkot? May fafa ba diyan bru?" usisa nito sa kanya.
"Ano? Fafa ka diyan. Baka kamo. Maraming baka dito."
"Weh?"
"OO nga! Wait! Hindi ka ba madalas mag Facebook?" naitanong niya ng maalala ang video niya.
"Ay girl! Inaayos pa ang wifi dito noh!"
"Buti naman."
"Ano?"
"Wala. Namimiss ko na ang ingay mo."
"Hayy..ako din.. miss ko na rin ang katakawan mo! Balik ka na please?"
"Baliw!" natatawa niyang sambit.
"Bakit? Siguro may gwapong magsasaka riyan ano? Kaya parang ayaw mo ng iwan iyang bukid?"
"Baka kapre kamo! haha!"
"Kapre? Uy ibig sabihin matangkad!" Damn, pareho talaga sila mag-isip ng babeng ito!
"Tama ako noh? Gwapong kapre ba?" wika nito ng hindi siya makasagot.
"Ayeeeh!" tili sa kabilang linya.
"Tey, ano ba, masakit sa tenga ha!"
"Idescribe mo dali! Matangkad, gwapo, ano pa? Siguro hot din dahil sa bukid nagtatrabaho? Magsasaka ba? O baka kabalyero? O bull fighter?" sunod sunod nitong tanong.
"Wala noh!Binibiro ka lang eh!"
"Weeeh..." sambit nito bago niya marinig na may kumausap sa kaibigan niya sa kabilang linya.
"Bru, tawag ka ulit, o kaya Facetime tayo pag-uwi ko. Got to go!"
"Okay sige."
Alas-singko na pala ng hapon? Nasa school pa ba si Althea? Hindi pa nakakauwi ang bruhang iyon?
Napalingon siya sa labas ng balcony. Medyo papalubog na ang araw.
Nagpasya siyang bumaba. Ang alam niya ay nasa bayan pa si Mr Delafuente at Tita. Siguro siya lang mag-isa ang kakain ng dinner. Baka mamaya pa dadating ang mag-asawa. Si MArcus kaya? Ugghh. Bakit niya ba iniisip ang kapreng iyon?
Bago niya pa mabuksan ang pinto ay may kumatok.
Nang mapagbuksan ay nabungaran niya si Marcus. Nahuli niya itong hinahagod na naman siya ng tingin.
"Sa may patio ang dinner," seryosong hayag nito. Tinaasan niya ito ng kilay. Ang alam niya ay sa likod ng mansyon iyong patio. Hindi pa nga pala siya nagagawi doon.
BINABASA MO ANG
Ravages of Desire (COMPLETED)
Ficción GeneralDate started: January 15, 2017 Date finished: September 1, 2018 Warning: Mature Content What does your heart truly desire? Have you ever come to a point when you feel lost and empty? When you don't know what to do to drift away from a cyclical dull...