Nang dahil sa PISO (One Shot Story)

1.3K 47 29
                                    

©StupidWriters

Dedicated to @annefm17

"Nang dahil sa PISO" 

Prologue :

*PROLOGUE*

"Debb ... Tignan mo oh ... may nakita akong piso" sabi niya.

"Oy! Ang galing naman" sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Alam mo paglumaki na ako bibigyan ko ng piso ang taong mahal ko"

"Ngek! Ang kuripot mo naman. piso lang ibibigay mo sa kanya."

"Uy! Wag mo maliitin ang piso! alam mo bang di mabubuo ang 1milyon kung wala yan?!"

"Okey po... Relax ka lang" sabi ko sa kanya at nagtawanan kami.

----

Siya ang bestfriend ko, ang kaibigan ko, at ang crush ko. 6years old pa lang ako noon ng naging crush ko siya. Siya nga rin ang puppy love ko eh. Akala ko sabay na kaming lalaki pero hindi pala.

" *sob* *sob* *sob* Bakit kayo aalis. Huhuhu"

"Ano ka ba Debb wag ka naman umiyak"

"Huhuhu. Bat ba kasi kailangan mo pang umalis"

"Alam mo naman ang tungkol sa kondisyon ko di ba?"

"Eh... Bat ka ba kasi nagkasakit sa puso. Paano kung may mangyari sayo?"

"Kaya nga ako magpapagamot para di na lumala ang kondisyon ko"

"Pero ... p-pero ..."

"Shhh... Tumahan ka na ... Magiging okey lang ako. Promise"

"O-okey ... Pinky swear! Ipangako mo na magiging okey at babalik ka"

"Sige ... Pinky swear"

---

"Anak ... Gising na ... May klase kayo ngayon" sabi ni Mama

"Opo Ma ..." sabi ko sa kanya.

Bumangon na ako sa higaan, naligo at nagbihis na rin. Bumaba na rin ako para sumabay sa agahan nila mama at papa.

"Goodmorning Ma, goodmorning Pa"

"Oh Debb ... Hali ka na at baka malate ka pa" -Papa

Nang dahil sa PISO (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon