"Hindi ko naman talaga alam kung pano sisimulan ang isang storya na hindi pa nag sisimula eh mag wawakas na. (at wag naman sana) Hindi ko naman talaga alam kung ano yung dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon. Ay mali, alam ko. Alam na alam ko na hindi ako ang dapat sinisisi sa isang bagay na kahit kelan hindi ko ginawa. Bakit may mga taong madaling husgahan ang isang taong wala namang ginawa sa kanila pero kung makapagsalita akala mo alam ang bawat detalye ng storya. Bakit kailangan dumating sa punto na magkakasakitan kung makukuha naman sa magandang usapan. Bakit kailangan na mag bitaw ng isang masakit na salita para ilabas yung GALIT na nararamdaman mo....
"May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Hindi naten alam kung hanggang kelan magiging sa atin yung mga bagay na hawak at pinaglalaban naten. Hindi naten alam kung yung minahal naten sa mahabang panahon siya na yung makakasama naten hanggang sa huli. Hindi naten alam kung hanggang kelan tayo mamahalin ng taong sobra nating minahal at pinahalagahan. Pano kung makakita yung taong mahal mo ng isang taong hindi niya alam na 'minamahal' na niya. Hindi ko naman kailangan mag give way para lang sa isang kasiyahan na panandalian lang at sa bandang huli alam ko at sisiguraduhin kong ako ang pipiliin. Kilala ko siya, alam ko hindi niya ako kayang iwan..."
"LOVE is the most unexpected gift. Kung kelan hindi mo inaasahan, saka siya dadating. Saka siya mag paparamdam. At kung kelan ready mo na siyang tanggapin dun naman siya mawawala bigla. Napaka mapaglaro ng tadhana. Papasayahin ka sa una, tripleng sakit sa bandang huli. Pero wala pa ngang ENDING. At sana hindi na mag wakas, masaya kase. Masaya na hindi mo na kayang iLet go. Sa una nag eenjoy ka lang dahil isa ako sa mga pusong sawi at nakahanap ng taong hindi mo inasahan na dadating. At yung pag dating nya ay isang malaking pag subok sa pagkatao mo. Kabaliktaran mo sabe nga nila...."
PUSONG MAY PINAGLALABAN O PUSONG LUMALABAN?
///[Author's Note]Okay sa mga pusong hindi alam kung anong puso meron sila :D Welcome back sa aking buhay wattpad. Isang madramang pag bbalik loob xD Hanggang dito na lng muna.
BINABASA MO ANG
At First ...
General FictionPano ka magiging masaya kung may nasasaktan ng iba? Pano ,mo ipaglalaban ang isang bagay kung hindi mo alam kung hanggang kelan sya andyan? Pano ka ka iiwas kung iba yung sinasabe ng puso mo sa utak mo. At ang storyang ito ay ang storyang maraming p...