Everyone has secrets and those secrets might kill you... yeah maybe for some people secrets are just secret but how about the others? sigurado bang secret ay secret lang na kapag may nakaalam ay magagalit pero short time lang? pero kung pano hindi? ang sikretong pinagkatago tago pala ng isang tao ay pwedeng pumatay sayo? makakatakas ka pa kaya? kung ang sikretong malalaman mo ay may kapalit... at ito ay ang iyong BUHAY.... sa tingin mo kaya may kakampi ka? sa tingin mo ba ay may sasagip sayo? sino ang dapat pagkatiwalaan? sure ka bang may taong mapagkakatiwalaan pa? pano kung ang napili mong pagkatiwalaan ang maaaring pumatay sayo sa bandang huli?
Secrets C-1 "Section 3 Faith"
JannDeDios'POV.... First day of school , first day ko sa school na to di ko nga alam kung bakit ako pumayag na dito itransfer sa school na to ang Wilzard Academy nung narinig ko ang pangalan ng school for some reasons napapayag ako at di ko magets kung ano yun basta pumayag ako nakakainis nga dahil kung kelan third year highschool na ko nilipat pa ko... siguro marami akong gustong kalimutan sa nakaraan kong school.. pag pasok ko sa main gate ng school mga tinginan at bulong bulungan ang sumalubong sakin ang tingin nila ay parang kinikilatis akong mabuti di ako makatingin sa kanila ng deretcho ewan ko parang kinakabahan ako sa kanilang mga tingin... napalingon ako sa isang grupo ng mga kabataan di ko alam kung anong year nila at may isang babae na nakatingin sakin.. yung mga mata nya, parang sinasabi na magingat ako bigla syang ngumiti ng alanganin lalo tuloy ako kinabahan.. lakad ako ng lakad hanggang sa marating ko ang highschool building nasa 3rd floor ang 3rd year room 309 ang room ko nakakailang hakbang palang ako maraming nakatingin na sakin nakakailang yung tingin nila sakin parang sobrang kakaiba ako sa mga tingin nila.. nakarating na ko sa tapat ng room ko ichineck ko kung tama yung tinatayuan ko tama nga agad kong pinihit ang door knob at pumasok.. lahat sila nakatingin sakin napayuko tuloy ako sabay tumingin ako sa aking relo 7:15 palang 8:00 pa naman ang start ng klase pero bakit kung tumingin sila sakin ay parang may krimen akong ginawa? hayy grabe.. kinikilabutan ako dahil alam kong nakatingin sila kahit na nakaupo ako sa pinaka dulo alam kong bago lang ako pero ba't parang iba ang pakiramdam ko sa school na to' sa klaseng to' nakakakaba,nakakakilabot,nakakapagtaka at nakakacurious parang marami akong gustong malaman pero natatakot akong malaman ang mga storyang nakatago.... may mga sikreto ba? may magiging kaibigan ba ko dito? nakakapagod mag isip.. "Hi?bago ka lang dito diba?" may narinig akong nagsalita sa tabi ko tinignan ko sya at nang makita kong isang babaeng maigsi ang buhok mga hangang balikat siguro yun? ":Ah eh oo.." ngumiti ako sakanya pero pilit bigla syang ngumiti ng ubod ng tamis sakin "Ah ganun ba ako si Marie Rose Villamor" Nangiti ako dahil sa maganda sya lalo na kapag ngumiti sya " Ako naman si Jann De Dios" ngumiti sya ulit at parang may sasabihin pa pero biglang may pumasok sa room at alam kong teacher namin yun sa isa sa aming subjects.. "Good morning class ako nga pala si Ms.Santiago ako ang magiging adviser nyo section 3 faith at ako ay english teacher natutuwa akong makilala kayong lahat" tatayo dapat ako para batiin ang adviser daw namin pero ang ikinagulat ko ay yung reaksyon ng mga kaklase ko bigla silang nagsitawanan at yung iba dedma lang yung iba nagdaldalan ulit napakaweird at masasabi kong wala silang galang... nagsalita ulit si maam "Mr.De Dios? please come forward i need to talk to you." at dahil nga tinawag ako tumayo ako at lumakad papuntang harap at nakita ko nanaman ang mga tingin nila nangingilabot ako nung makita ko yung isang grupo ng mga kaklase ko na nakangisi di ko alam kung may ibig sabihin yun pero pinag walang bahala ko nalang baka nga kasi bago ako kaya ganun. "Ikaw yung transfer diba? I need you to come with me later after your lunch break is that clear ? " mejo nagulat ako kasi nagtaka ako kumpleto naman ang mga requirements na kailangan kong isubmit pero pinasasama nya ko sakanya nawala naman yung kaba ko dahil ngumiti na sya " Ah...eh maam saan po ba tayo pupunta?" tanong ko "Sa english department may kailangan lang tayong pag usapan" sagot naman nya. "Ah sge po maam mamaya po pupunta nalang ako." sabi ko habang nakangiti " Okay sge salamat Mr. DeDios you may go back to your seat." ibinaling nya namaan ang pansin nya sa mga kaklase ko at nagsalita "Section faith wala pa kayong mga subject teachers so kailangan ko ng tulong nyo na makahanap ng teachers behave guys para makahanap tayo ng mga teacher nyo walang gustong kumuha sa section nyo dahil sa mga attitudes nyo." mahabang sabi ni maam biglang may nagsalitang isang lalaki sa may sulok "Wala kaming pakialam kung walang teacher ang may gusto samin di naman namin kailangan ng teacher kung gusto mo pati ikaw umalis narin!" nagsi tawanan silang lahat nakatngin lang ako sa kanila at nakita ko ang pag babago ng ekspresyon ng mukha ni maam halatang nagalit pero nakuha nya paring kontrolin ang galit nya nakakapagtaka kung pano nya nagagawa yun sa kabila ng di magandang pag tra-trato sa kanya ng mga kaklase ko sa palagay ko ay meron din syang itinatago at alam kong alam ng mga kaklase ko yun kaya di nya makuhang magalit sa mga ito gusto ko lang malaman
----AUTHORSNOTE:Uhm sorry kung mejo nganga ang Chapter one try kong pagandahin pa ang story first time ko pong gumawa ng story na ganito kaya sorry po talaga sa Chapter 2 papasok na po ang ibang charcters ^___^ Mag UD po ko ulit bukas or imean mamaya
BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerIt is something about secrets that secrets might be very very dangerous that can kill someone