Hindi siya makagalaw. Magkadikit parin ang mga labi nila ni Vleo. She felt something inside her. Masarap iyon sa pakiramdam. Nakakapanatag ng isip at puso.
Dahan dahan itong lumayo at matamang tumitig sa kanya.
"Sabi na ikaw nga nakatakda. Nagkahinala na kong ikaw ang may kagagawan ng pagpaslang sa engkanto kagabi."
Bigla nawala ang ginhawang nararamdam niyang mabanggit nito ang engkanto.
"Hah? A-ano bang pinagsasabi mo?" Nalilito siya. May pinatay daw siya? Kailan?
Mabilis lumapit sa kanya at hinawak siya sa kamay. "Patawaran mo ako, Allison. Kung hindi pa kita magtutulungan ngayon. Kailangan ko pa ng kaunting pagsasanay."
"Pagsasanay para saan?"
Hindi ito sumagot. Hiniga siya nito.
"Magpahinga ka muna, Prinsesa." Bulong nito bago ito umalis.
Kusa namang pumikit ang mata niya at nakatulog.
Nagising siya nang may maramdaman siyang nakayapos sa kanya. Natigilan siya. Kilala niya ang may-ari sa mga ito.
"Jichael." Tawag niya pero hindi ito sumagot. Gumanti nalang siya ng yakap kubim.
Maya maya bigla itong tumayo at lumabas. Kaagad niyang hinabol ito. Ngunit sina Rleo, Vleo at Yula ang naabutan niya sa labas. Nagbo-bonfire ang mga ito.
"N-nakita nyo si Jichael?" Nag-aalangan niyang tanong sa mga ito.
"Sino?" Balik-tanong ni Rleo.
"Iyong kasintahan niya yun." Sagot nit Yula.
"Kasintahan?" Singit ni Vleo.
"Huwag ka nang magtaka Vleo. Naunahan ka ni Tatang." Pang-aasar ni Rleo sa kapatid.
Bigla pumormal ang mukha nito. "Wala kaming nakitang lumabas sa kubo kanina."
Malinaw ang sagot ng mga ito. Walang Jichael sa tabi niya kanina. Imahinasyon lang niya iyon. Nakadama siya ng lungkot.
Napabuntong-hininga siya. Namimiss na niya ang binata.
"Magpahinga ka nalang, Allison. Mamasyal tayo bukas sabi ni Rleo." Masayang kwento ni Yula.
"Sige, linggo naman bukas eh. Matutulog na ko uli pagkatapos ko ayusin ang hihigaan niyo." Naglakad na siya pabalik sa loob.
Ipagpapanalangin niya nalang na sana bumalik pa si Jichael at magpaalam ito ng maayos. Napapagod na siyang antayin ito.
Kinabuksan naabutan niyang naglilinis ang dalawang binata ang bahay habang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin nila sa pamamasyal si Yula.
"R-Rleo, anong ginagawa nyo?" Iniba ng kambal ang ayos ng kusina at mga gamit. Siguradong magagalit si Tatang. Baka siya ang sisisihin nito.
"Nag-aayos kami, Allison. Grabe nakasaksi ka lang ng patayan, nabawasan talas ng isip mo. Mabuti nalang at maganda ka parin kay V--"
Siniko ito ni Vleo.
"Wag mo nang alalahanin ang matanda na yun, siguradong masaya na yun sa kung saan man siya." Seryoso pero may bahid ng lungkot.
"Di nyo maalis sakin yun siya nag-alaga sakin dito unang dati ko. Tapos ka--" Napahinto siya nang hawakan siya ni Rleo ang noo niya.
Katulad ng unang hawak nito sa noo niya nakadama siya ng ginhawa. Natamimi siya. May tama. Everytime she feel Rleo hands in her. Pakiramdam niya nararapat siya sa lugar.
Ngunit bumalik ang pagkalito niya nang alisin nito ang kamay.
"R-Rleo??" Tawag niya.
"Oh?" Sagot nito.
BINABASA MO ANG
Ageless Dimension
FantasyMatapos masabugan ng isang armas panghimpapawid, nagising si Allison sa isang kakaibang mundo. Lahat ng bagay na nasa kwento lang ng mga magulang niya at naroroon. She don't wanna believe it. Mas gusto niyang paniwalaang panaginip lang ang lahat. Th...