"Mo-model?Sigurado ka talaga sa sinasabi mo?Ako kukunin mong model?""Naghahanap ka nang trabaho diba? Samantalang ako naman ay naghahanap ng model,kaya ikaw nalang ang kukunin ko."
"Ano namang alam ko sa pag-model model na yan.."
"Madali lang naman yun. Magpopose ka lang ganun."
"Naku..Huwag na.. maghanap ka nalang ng iba..hindi ako bagay dyan tsaka wala akong hilig sa mga ganyan..Baka mapahiya ka lang sakin."
"Paano mo malalaman kung di mo susubukan..Tsaka gaya ng sinabi ko kanina.. Nakapagpromise kana.. Wala nang atrasan sa ayaw at gusto mo... "
Gaya nga ng sinabi ni Yassi.. Hindi na ako nakatanggi pa.
Pagkatapos ng almusal sinama niya ako sa studio nila..
Habang nasa sasakyan ako kanina.,hindi ko mapigilang kabahan.Syempre ano namang alam ko sa mga ganyan-ganyan, ang alam ko lang naman eh yung mga gawaing bahay since yun ang mga nakasanayan ko.
Hindi ko na kasalanan pag di ako marunong at mapahiya siya dahil sa akin kung sakali..
Sinabihan ko na sya pero di siya nakinig sakin..pinilit pa niya ako.
Kaya bahala na.Pagdating namin sa studio nila Yassi.. Mukhang abalang-abala ang lahat.. May nag-aayos ng ilaw, may nagpo- pose may nagmamake-up at kung ano-ano pa ang ginagawa nila na hindi ko maintindihan yung iba.
Masyadong abala ang lahat kaya di nila kami napansin.."Good morning everyone!"
Bati ni Yassi sa lahat.
Nakuha naman niya ang attention ng lahat.Binati rin siya ng mga ito pabalik.
Ngumiti lang ako sa kanila."Everyone this is Asha."
Pakilala nya sakin sa lahat. Nahihiya man ay pilit akonh ngumiti sa kanila.
"Simula ngayon dito na sya magtatrabaho at parte na sya sa ating team. Since kulang tayo sa model kaya siya nalang ang kinuha ko. Umaasa ako na makakasundo nyo sya. Mabait ito at Kaibigan ko siya. wala pa syang alam sa pagmomodel kaya umaasa ako na magagabayan at maturuan nyo rin sya sa mga gagawin nya at sa gagawin pa nya."
"Ang ganda naman po ni ma'am Asha..Mukha nga lang syang inosente pero pagnaayusan..Boom! Sigurado akong mas dadami lalu ang mahuhumaling sa kanya."
Sabi ng bakla na di ko kilala.Make-up artist ata tawag sa kanya..may hawak na make-up eh.
"Oo nga!dont worry girl..Ako ang bahala sayo.Tuturuan kita..At gagawin kitang diyosa"
Sabi din nung isang bakla.Pagkatapos ipakilala ako ni Yassi dun sa lahat.
Iniwan nya ako dun sa mga bakla para daw maturuan at maayusan.May lakad pa kasi siya,may imemeet daw siyang bagong kliyente.Kung ano-ano ang pinapahid sakin sa mukha nung bakla.
May nag-aayos pa ng buhok ko.
Gusto ko na ngang mairita kasi hindi naman ako sanay sa mga ganito eh.Pagkatapos akong ayusan.. Tinuruan naman ako ng kung paano ang tamang paglakad at pagrampa at higit sa lahat ang tamang pagpose.
Medyo nahirapan ako sa umpisa pero madali ko namang nakuha ang lahat ng tinuro sakin.
Maya-maya pa nagsimula na ang photoshoot.Kinakabahan ako dahil first time ko sa ganito at medyo nahihiya pa ako,medyo natatakot din ako baka di ko magawa nang maayos at mapahiya ako sa lahat.
Sumalang na ang ibang model..kinakabahan na ako at medyo nanlalamig dahil pinagstand by na ako dahil ako na daw ang susunod.
"Next model... "Tawag ng photographer
Kinakabahan man ay pumunta na ako sa set. Medyo naiilang pa ako pero tinibiyan ko nalang ang loob ko,tinandaan ko nalang lahat ng tinuro sakin kanina dahil ayokong mapahiya rin kay Yassi.
Naging maayos naman ang takbo ng shoot.Gabi na kami natapos lahat dahil medyo madami kaming model na kinuhaan at paiba-iba din ang ayos ng set dependi sa tema."Good job guys"
Bati samin ni Yassi.
Di ko napansin na dumating na pala siya."Dahil maaga tayong natapos ngayon..may oras pa tayo para magcelebrate" sabi ng isang kasamahan namin.
"Magandang ideya yan para naman maicelebrate ang welcome party para kay Asha."segunda naman ng baklang make-up artist.
"Naku..hindi na nman kailangang magcelebrate ng pawelcome-welcome na yan para sa akin." Saad ko
"Ano ka ba..hindi pweding walang pa welcome party para sayo dahil simula ngayon parte kana ng pamilya natin dito." si Yassi.
Pagkatapos naming magligpit at mag-ayos ay umalis na kami ng studio.Nagpasya kamung magkita-kita nalang doon dahil may kanya-kanya namang dalang kotse ang mga kasamahan namin sa trabaho,ako sumabay nalang kay Yassi dahil ako lang ata ang walang sasakyan samin.
Sa isang bar daw kami pupunta na pag mamay-ari daw ng pinsan ni Yassi.Hindi nalang ako kumibo nang yun ang gusto nilang puntahan para magparty dahil baka sabihin nilang napaka KJ ko.Pagkatapos iparada ni Yassi ang sasakyan ay dumiritso na kami sa loob.Mukhang kilala si Yassi ng mga nagtatatrabaho sa bar dahil nagbibigay galang ang mga ito sa kanya at bumati.
First time pumasok sa mga ganito.at namangha ako sa ganda at elegante ng lugar..Nung narinig ko kanina na bar ang pupuntahan namin..akala ko ay yung mga nakikita ko minsan sa tv na magulo at may nagsasayaw na mga babae na halos nakahubad nalang pero mali ang nasa isip ko.
Kung titingnan mo ang loob nito mukha syang hindi sya basta-bastang bar.Well organize ang lahat.Wala kang makikta o maiisip na maaring magkagulo.Mukhang mayayaman at mga class ang mga taong nandoon.May live band na tumogtog sa stage..meron ding sumasayaw.May mga nagkakasiyahan din at may mga umiinom.Kahit maaga pa ay halos puno na ang loob.Umakyat papunta sa taas si Yassi.Sumonod lang ako sa kanya,may mga naksalubong din akong bumabati sakin.ngitian ko lang ang mga ito.
Pumasok si Yassi sa isang silid na may.nakalagay na VIP sa may pinto,pumasok narin ako.
Napakalawak ng loob nito..may mga malalaking sofa at center table.meron ding makukulay na ilaw sa paligid at may video karaoke din sa loob..meron ding bar counter sa gilid na napakadaming alak na hindi ko alam ang mga pangalan.."Umupo ka muna Asha..hanggat wala pa sila..oh di kaya gusto mong kumanta o di kaya gusto mong uminom..anong gusto mong inumin?"
"Hah..ah ano hintayin nalang natin sila.."sabi ko nalang kahit hindi naman talaga ako iinom.
Maya-maya pa dumating na ang mga kasamahan namin.
May pumasok ding barista at waiter para mag-asikaso ng inumin at pagkain at pulutan.
Dahil wala pa kaming hapunan..nagpasya na muna kaming kumain pagkatapos saka daw kami iinom..Maya-maya pa nagkakasiyahan na ang mga kasamahan namin nang matapos naming kumain.
Ang daming Alak at pulutan.. Ako nag pine apple juice lang dshil hindi talaga ako umiinom."Para Kay Asha..dahil.parte na sya ng pamilya natin simyla ngayon..Cheers..!"
Sabi ng isa sa mga model"Cheers!!!" Sabay-sabi ng lahat
Napansin nilang juice lang ang ininom ko.
"Asha..juice ka lang?paano ka makakapaghappy-happy nyan""Oo nga naman Asha..hindi ka mag-eenjoy nyan."
"Eh hindi kasi ako umiinom"
"Ano ka ba..hindi kana bata..ito oh try mo.."abot sakin kasamahan ko
Hindi ko tinanggap ang beer baka kasi malasing ako."Baka kasi malasing ako..pasensya kana"tanggi ko..
"Ano ka ba hindi ka malalasing nyan.."
"Cr muna ako.."pagdadahilan ko para makaiwas sa binigay na alak sakin.
May cr na sa loob kaso nag cr ang isa sa ga kasamhan namin kaya nagpasya nalang akong sa labas nalang.
Nagtanong nalang ako sa waiter na nakita ko.Pagkatapos kong magcr pabalik na sana ako sa taas ng hindi ko sinasadyang mahagip ng mata ko ang taong akala ko nakalimutan ko na.Nagsasayaw sila habang tumutogtog ng sweet na kanta sa gitna.Nakatagilid sila sakin kaya di niya ako nakita kaya lang napatingin bigla sakin ang babaeng kasama nya at nagulat ito ng makita ako.,medyo nagulat din ako sa naging reaksyon niya.Dali-dali akong umakyat at bumalik sa taas.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
Ficción GeneralLife can either bring out the best in you or can completely drain out your will to live.