11th

21 0 0
                                    

Kristle POV

Nakabalik na kame sa hotel, hinatid ako ni mogs sa kwarto ko at sinabing "Thankyou for this day" nakangiti niyang sabi sa akin. Sumagot naman ako agad dahil gusto ko nadin magpahinga dahil napakahaba at maraming nangyari habang magkasama kami "Thankyou din. pahinga kana" nakangiti kong sabi sa kanya at pumasok na sa aking kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay bumalik sa aking isipan ang mga nangyari ng magkasama kami ni mogs sa kabilang isla "does he really mean it?" mahina kong sabi dahip hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala. Narinig kong pumasok na siya sa kanyang kwarto kaya dali dali nadin akong naghubad ng aking damit at pumasok sa banyo, hinyaan kong tumulo at umagos ang tubig sa aking katawan habang nakatitig lang sa aking repleksyon sa salamin na kaharap. " Do I take the risk? to fall inlove again?" mahina kong sabi at bumalik sa akin ang mga alaala na nakaraan, noong mga panahon na halos malunod ako sa sarili kong emosyon "its been 5 years, but i'm still scared to fall inlove and be drown again" sabi ko habang di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko...

Pagtapos kong maligo ay nagsuot lamang ako ng malaking tshirt at humiga habang nakatitig sa kawalan ng para akong hinihila ng aking katawan patayo patungo sa terrace. Binukasan ko ang salaming pinto patungo doon at naramdaman ko ang sariwang hangin na galing  sa labas at kitang kita ko ang buong view ng resort "Such a paradise" bulong ko sa aking sarili habang nakapikit at dinadama ang hangin..

Ilang minuto akong nakatayo at nakatingin lamang sa malayo habang nililipad ng hangin ang aking buhok ng biglang may narinig akong boses galing sa kabilang terrace. "You should sleep now, join me for lunch later" nakangiting sabi ni mogs sa akin. Di ko napansin ang pagpasok niya dahil hindi ko na siya nilingon pagtapos kong tumango sa kanyang sinabi. Maya maya lamang ay pumasok na din ako at humiga sa kama at nakatulog.

Nagising ako at tumingin sa orasan katabi ng aking kama at nakita kong tanghali na pala "12:30 na pala!! Gutom na ko" dali dali akong tumayo at naligo. Nagsuot lamang ako ng bulaklaking dress na kulay light green at may manipis na strap. "I should enjoy staying here instead of locking myself in this room just to avoid that man." sabi ko sa aking sarili at nagayos ng kaunti at lumabas na.

"I have 2 days left to leave this beautiful resort, this vacation will be the most memorable one for me"  nakangiti kong sabi habang nakatingin sa karagatan at mga turistang nageenjoy sa tubig. "Here's your order maam" sabi ng pamilyar na boses na nagpalingon sa akin para malaman kung totoo ba ang hinala ko. " Ikaw nga" tipid kong sabi. "Why? Hinihintay mo ba ko? Hmm did you forget that I invited you for lunch and you said yes? But it seems that you don't mean it" mahabang sabi nito at kunyaring naglungkot lungkutan. Napangiti ako sa ginawa niyang ekpresyon at sinabing "Tagal mo eh, gutom nako" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya at tuloy tuloy na kumaen..

"I almost forgot to ask you, kaen pala!" sabi ko sa kanya habang ngumunguya pa ng kanin at ng ulam tumingin lang siya sa akin at biglang nagsalita " yah, sige kaen ka lang. Napakaganda mong tingnan para istorbohin kita" sabi niya sa akin ng may ngiti sa labi.

Pagtapos kong kumaen ay tumayo na ako at maglalakad na sana ng biglang nagsalitang muli si mogs "Are you going to act like nothing happen last night? are you going to act like that? Hindi ko alam kung anong nasa isip mo pero gusto kong magusap tayo. seryosong sabi nito sa akin at hinirang ang katawan niya sa aking daraanan. Nagulat man ay mabilis akong sumagot "okay let's talk.. but not here dun tayo sa taas" sabi ko kasabay ng pagbuntong hininga. Hinawakan ko siya sa kanyang kanang kamay at hinila papalakad pabalik sa itaas.

Pagakyat namin sa itaas ay hindi ko alam kung saan papasok "Kwarto mo o kwarto ko? tanong ko ng hindi tumitingin sa kasama ko. Pakiramdam ko pulang pula ang ung mukha ko sa tanong na nasabi ko kaya dahan dahan kong inilalayo ang sarili kay mogs nang bigla siyang nagsalita "Sa kwarto mo nalang, you can open your door while were talking if your'e not comfortable" sabi niya at mabilis ko namang dinukot sa aking bulsa ang susi upang buksan ang pinto ng aking kwarto. "Water? Juice or coffee?" Tanong ko pagkapasok namen sa kwarto ko."Pasensya kana makalat, di ako nakapaglinis today" sunod kong sabi ng nakita ko siyang pinagmamasdan ang magulo kong kama dahil hindi ko ito nailigpit man lang. "Doctor nga pala itong lalaki na ito, malamang super linis nito sa kwarto. Nakakahiya tsk" sabi ko sa aking isip. "Anything will do, thanks" sagot niya at dumiretcho nako sa kusina para kumuha ng maiinom at makakain niya dahil naalala ko hindi nga pala siya nag lunch. I decide to make him a sandwich, and naglagay nadin ako ng fruits at juice para naman mabusog siya pagtapos kong ihanda ang kakainin niya nakita ko siyang patapos nang mag ayos ng kama ko at naghubad ng tsinelas kinuha ang alcohol sa gilid ng kama ko at inihugas sa paa niya saka pumatong sa kama at humiga. Pinagmasdan ko lamang siya habang nakapikit sa aking kama at ng ilang minuto na ko sa kinatatayuan ko bigla siyang nagsalita na kinabalik ng diwa ko
"Para sakin ba yan? Come here, gutom na ko" sabi niya at umupo sa kama at dali dali naman akong lumapit at inilapag sa lamesa ang pagkaen "Hmm kaen ka muna walang kanin dito eh, yan lang meron ako hehehe." sabi ko habang inaayos ang kakainin niya. Napahinto ako ng bigla niyang inayos ang buhok na nalaglag sa aking mukha at napatingin ako sa kanyang mga mata, napakaganda ng kanyang mata na tila napakaraming gustong sabihin kaya tumayo ako bago pa ako mahipnotismo ng magaganda niyang mata.

Pagtapos niyang kumaen ay niligpit ko na ang kanyang kinainan at dumiretcho sa kusina habang inaayos ko ang mga plato at mga ginamit ko ay biglang pumasok sa isip ko si mogs "Shocks, ang gwapo gwapo niya parang wala akong makitang panget sa parte ng kabuohan niya. Haaaaaays!! every piece of him makes me want him so much bat ba ganito ung tama ko sa lalaking un?" pabulong kong sabi sa sarili.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Love hits You...Where stories live. Discover now