Mixed emo

2 0 0
                                    

Nandito na naman ako
Hindi mawari na pakiramdam
Nalulungkot, nagagalit
Pero walang mapagtungkulan

Nagtatangis na bagang
Ngunit nanunubig na mga mata
Ano ba talaga ito?
Hindi ko alam, hindi ko na alam

Naguguluhan ako
Nahihirapan...
Hindi maawat na pag iisip
Hindi maampat na pighati

Nasaan na naman ba ako?
Nasaan ako?
Sino na naman ako?
Ako pa ba ito?

Ako pa rin ba ito?

- February 13, 2017

---

AnythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon