Chapter 9: Preparation [Revising]

62 7 1
                                    

WPWTRP: Chapter 9: Preparation

Xiandra's POV

Pinauwi kami ng maaga dahil kailangan 'raw' namin mag-prepare para sa ball na gaganapin.
Buong linggo namin paghahandaan yung ball na yun. Bongga diba?

Grabe noh!

Kaming magkakaibigan nalang ang naiwan dito sa room kasama si Jack.

"Uh. Guys. Una na ako ah." Si Jack pagtapos ay nag fist bump kina Cryst at Sanjay. Tumingin sya sakin at ngumiti bago umalis.

Ano 'tong pakiramdam nato? Tsk!

Wala lang yan Xia! Sus.

"Alis narin ako! Bye guys." sabi ni Cryst at lumabas na.

"Ay Girls! Kita kita tayo ah! Sukat natin yung mga dress pag may napili na tayo! Sa bahay namin tayo." Paalala ko kina Brelia at Elyza.

"Ay, tsaka dun narin tayo sa bahay nyo magpamake-up and all. Punta nalang kami dun sa umaga before ng ball." Si Elyza.

Tumango ako sakanya. Tinignan ko rin si Brelia at sumang-ayon rin sya.

"Sige aalis na ako." Paalam naman Elyza tapos lumabas narin sya pagtapos nyang makipag beso saamin ni Brelia.

"Bye bye na ah! I'll choose my dress na agad! Awieeee!" Sinumpong nanaman si Brelia ng ka-conyohan nya. Pagtapos nyang sabihin yun ay patalon talon sya habang naglalakad palabas ng room.

"Brelia! Sabay na tayo. Parehong subdivision lang naman tayo e" Sanjay nang makalapit sya kay Brelia.

"The driver will fetch me." Nilabas ni Sanjay yung phone nya at may pinindot bago tinapat sa tenga nito.

"Hello Tita."

"Yeah. It's me, Tita. Isasabay ko nalang po si Brelia sa pag-uwi."

"Sige po. Thank you, Tita. Bye"

Pagtapos nun ay pinatay nya na yung tawag at hinarap ulit si Brelia.

"Hindi kana susunduin ng driver nyo. Sabay kana sakin" Sabi ni Sanjay.

"Okay!" Masayang tugon nito at sabay na silang lumabas

I smell something--- Yieeeeee!

----

Ako na ang nagdrive mag-isa pauwi dahil sinabi ko kina mom na kaya ko ang saril ko at hindi ko na hahayaan na mangyari ulit yung nangyari sakin. Nung una medyo nag-alinlangan pa sila pero pumayag rin naman.

Habang nagdadrive pauwi ay nakaramdam ako bigla ng gutom.

San kaya ako pwedeng kumain?

Hmm. Magdrive thru nalang ako sa Jollibee!

Pumunta ako sa Jollibee para magdrive thru.

"Good afternoon Ma'am! What do you want to order Ma'am?" Sabi agad nung babae pag tapat ng sasakyan ko sakanya.

"Isang spaghetti, isang burger at large fries"

"Ano pong drinks nyo?"

"Hmm. Coke."

"One spaghetti, one large fries, one burger and regular coke." Sabi nung babae sa parang mic, "250 pesos po"

Inabutan ko sya ng 500 pesos. Nung nakuha ko na yung barya ay pumunta ako sa kabilang station para kunin yung order ko. Nang makuha ko na ay nagpark muna ako sa gilid na parking space at kumain muna doon. Binuksan ko lang yung bintana ko at pinatay yung engine ng kotse.

(Now playing: BTS- I Like it)

Habang umiinom ako ng coke ay may nagpark sa tabi ng kotse ko. Unti-unti nyang binaba yung bintana.

Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon