Chapter 33: Pano
Heaven Akira's POV
Heartbreaks, heartaches.. I encountered them since I fell inloved with the wrong person. A person who's not worthy for my tears and pain.
Masasanay din ako. Sinayang ko nanaman yung mga luha ko sa maling tao. Sa taong hindi kayang pahalagahan yung luha ko. Feel ko ang hina hina ko, yun palang ang nakita ko pero sobrang sakit na ng naramdaman ko.
Yan ang nadudulot ng katangahan. Magmamahal nalang ako, sa taong may mahal pang iba. I feel useless. Asan yung mga pinangako ko non? Dafuq.
"So yun.. Nagets mo ba?" Hindi ko nanaman napakinggan yung mga sinasabi ni beyb kaya tumango nalang ako at tumawa kahit diko alam kung may nakakatawa ba.
She gave me a confuse look. "Are you okay? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah?"
"Oo naman. Ano nga kasi ulet yung sinabi mo?" I faked a laugh.
"Argh! Nothing! Teka nga, you look sad." Agad naman akong ngumiti ng malapad at pilit. Seryoso pa rin sya.
"Masaya kaya ako! Hahaha!" She's not contented.
"Tumatawa ka kahit di mo na kaya. Nagsasaya ka kahit di naman talaga. Tsk, ganyan talaga kapag broken hearted, pati sarili mo niloloko mo na." Oh shit. I can't look straightly in her eyes.
"T-tara na? Tapos na recess beyb." Di sya kumibo pero nakatingin parin sya sakin at medyo ginilid nya pa yung ulo nya na parang iniiscan yung buong mukha ko.
"You're keeping something.. Something like secrets.." Jusko nakakaloka yung aura nya ngayon. Malayo sa slow at kalog na beyb. "Para saan pa at nagkaron ka ng dyosang kaibigan?"
"Pasok na tayo."
"Cutting.. And tell me everything." Fine. Everything.
~*~
"Sigawan mo na ko. Laitin, ipamuka mo na yung katangahan ko. Go, tatanggapin ko lahat kasi deserve ko." Hinintay kong magsalita si beyb at pagsabihan ko pero wala akong narinig na kahit ano sakanya.
Kinwento ko lahat lahat sakanya mula simula hanggang sa huli. Nakinig lang sya.
"Ano na? Tss." Sinipa sipa ko yung lata sa harap ko. Nasa park kami malapit sa school at nakaupo sa bench.
"Expected.." Tumatango tango sya na parang bilib na bilib sa sarili. Dafaq?
"Hoy anong expected!! Ngayon lang ako nagkwento sayo kaya wala kang alam!" Umiling iling naman sya.
"Ako? Walang alam? Seriously?"
"Oo! Yung biro ko nga last last week, huli na bago mo magets tas ngayon expected? Huh! Bitch please!" Panong expected yun eh wala naman syang alam sa nangyayari sakin these past few weeks.
"Gusto mong ako naman magkwento?" Tumango ako.
"Go!"
"Ganto kasi yan.. Nitong mga nakaraang araw, may napapansin nako. Okay lang sayo kahit busy ako, okay lang sayo kahit hindi kita masamahan kapag bored ka, okay lang sayo kahit hindi kita mapuntahan o mabisita manlang. Kasi kamo kasama mo naman si Cole kaya nagtaka ako. Pwede namang si Yumi, but Cole? I dont think so." Umiling iling nanaman sya.
"Eh kasi nga, may tour kami sa ibat ibang school!"
"Wait lang kase, you seem's so comfortable when you're with him, everytime na nagtetext naman ako kung pwede nakong pumunta sainyo, kundi nasa icecreaman kayo ni Cole, nasa mall naman kayo. Kaya yun, napapaisip nalang ako minsan na 'she's just denying it, but she's really fallen inlove with him'." Kibit balikat nyang sabi na parang expected na talaga nya ang lahat. Ganon bako kahalata non? Yung tipong mas nauna nya pang nahalata kesa sa sarili ko?
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Подростковая литератураHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...