NANG makarating sa kanyang unit ay ibinagsak ni Rean ang katawan sa sofa. Masyadong maraming inpormasyon syang nalaman at nahihirapan syang absorbahin lahat. Pakiramdam nya ay masyadong nadrain ang kanyang lakas.
Dahil sa pagod ay hindi nya namalayang nakaidlip na pala sya sa sofa. Naalimpungatan nalang sya ng gising ng marinig na may kumakatok sa pinto. Cause of too much exhaustion she opened the door without thinking. At laking gulat nya ng mabungaran si Junghwan sa pinto.
“Rean honey.” Agad sya nitong niyakap. Gusto sana nyang kumawala mula dito pero pinipigilan sya ng binata. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya at wala ata itong balak na pakawalan sya.
“Jung let go of me. Nahihirapan akong huminga.”
Nang marinig nito ang kanyang daing ay bumitiw ito sa kanya. Buong akala nya ay pakakawalan na sya nito pero laking gulat nya ng siilin ng halik ni Junghwan ang kanyang labi. At dahil sa pag kabigla ay hindi sya agad na nakagalaw.
“Jung ano ba!” tinulak nya ng malakas ang lalaki ng makarecover sa pag kabigla. “Lasing ka. Umuwi ka nalang!”
“No Honey I want us to talk. I’m sorry about the engagement. Swear I tried to do everything I can just not to postponed it but I failed. I’m sorry rean.”
“Jung its fine. Kung ano man ang desisyon ng mga magulang mo tangap ko yun. Pero sana sabihin mo sa kanila yung totoong rason kung bakit tayo naghiwalay. Gusto kong malinis yung pangalan ko sa kanila.”
“I will Rean I will do it. But first let me do something for our engagement.”
Magtatanong pa sana sya kung ano ang ibig nitong sabihin ng lumapit sakanya si Junghwan at may pinaamoy sa kanyang panyo na dahilan ng kanyang pagkahilo.
“Jung what are you doing?” nanghihina nyang tanong dito. Hindi na nya maigalaw ang kanyang buong katawan dahil sa panghihina. Hindi nya alam kung ano ba ang pinaamoy nito pero sigurado sya na ito ang dahilan ng nararamdaman nya ngayon.
“Shhh. Its ok Honey. Just relax. Promise after this night my parent and your grandma will grant our wedding. Because I promise I will not let this night passed without you bearing my heir.” Matamis itong ngumiti pero para sa kanya ay nakakasuka iyon.
Nakadama sya ng pangingilabot at pandidiri sa sinabi nito. Hindi nya masikmurang isipin na may iba pang lalaki na aangkin sa kanya maliban kay Nick. Kaya kahit na hinang hina ay pinipilit parin nyang igalaw ang buong katawan.
“No Jung please.” Halos pabulong nyang pakiusap. Pinilipilit nyang tumayo sa sofa pero hindi talaga nya kaya.
“Don’t fight it Rean. Just enjoy it. Feel the love I have for you honey.”
Lumapit ito sa kanya at walang pasabing pinangko sya ng lalaki. Dinala sya nito sa kama at doon ay maingat sya nitong ibinaba. Nang makita nyang nagsisimula na itong tangalin ang damit pang itaas ay mas lalo syang kinabahan. Halos umiyak na sya dahil sa kawalan ng pag asa sa mga sandaling iyon. Dinadalangin nya na sana pumunta doon si Nick at sagipin sya mula kay Junghwan. Sana dumating ito bago pa magtagumpay ang binata sa binabalak nitong gawin sa kanya.
“Jung please.” She pleaded more. Alam nya rin na may tumulo nang luha sa kanyang mata dahil sa takot dito.
“Rean please don’t cry. I am just doing this for you. For us. Please honey just let me do this. I swear after this everything will be fine. They will accept you again as my fiancée and no one will be in-between us.”
“No Jung please stop this.” Umiyak na talaga sya. Pero ang binata ay itinuloy parin ang pagtangal ng sariling damit. At nang boxer nalang ang natira dito ay umakyat ito sa kama at pumaibabaw sa kanya.
“Don’t cry honey please.” Pinunasan ni Junghwan ang kanyang mukha na basa na ng luha.
Pero kada idadampi nito ang palad sa kanya ay iniiwas nya ang kanyang mukha. Ayaw nyang mahawakan ni Junghwan. Nandidiri na sya dito. Tanging iisang lalaki lamang ang gusto nyang humawak sa kanya at hindi ito iyon.
Huminga ng malalim si Junghwan at umalis sa pagkakakubabaw sa kanya. Bumaba ito sa kama at lumabas ng kwarto. Kaya kahit papaano ay nakadama sya ng kaginhawaan sa ginawa nito. Nakahinga sya ng maluwag ng hindi na makita ang binata.
Pero panandalian lang pala iyon. Dahil ilang minuto lang ay bumalik na ito at tumabi sa kanya. May dala itong bottled water at kung anong bagay na hindi nya makita na hawak nito.
“Drink this Honey.”
Iniumang nito sa kanyang bibig ang hawak na sa tingin nya ay gamot. Ayaw nya sanang inumin iyon pero pinilit ni Junghwan na ibuka ang kanyang bibig. At dahil sa panghihina ay wala na syang nagawa. Tagumpay nitong napainom sa kanya ang tambleta na hindi nya alam kung para saan.
“Don’t worry Rean. The tablet will help you enjoy our moment.”
Narinig nyang bulong nito at nararamdaman nya ang labi ng binata na humahalik sa kanyang pisngi. Hindi na nya masyadong maintindihan pa ang mga kasunod nitong sinabi. Pakiramdam nya kasi ay umiikot na ang kanyang paningin kasabay ng pakiramdam na nag-iinit ang kanyang katawan.
Pag-iinit na nararamdaman nya lang kapag hahawakan sya ni Nick. Pero ngayon hindi ito ang lalaking nasa kanyang ibabaw. Hindi si Nick ang humahalik sa kanya hindi ang binata ang kasama nya sa mga sandaling iyon kayat nandidiri sya.
Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan na syang nawalan ng malay.
PAGKAGISING ni Rean ay pakiramdam nya parang pagod na pagod ang kanyang katawan. Nararamdaman nya rin na mahapdi ito lalong lalo na sa parte sa pagitan ng kanyang mga hita.
Sa pagtataka ay pilit nyang inalala ang nangyari ng nagdaang gabi. At nang mahagilap nya ang huling tagpo kagabi ay agad syang bumangon.
Tinignan nya ang paligid kung may kasama ba sya pero wala syang nakita. Tanging magulong higaan ang bumungad sa kanya. Nagkalat ang mga damit sa sahig pati ang mga unan. Nang tignan nya ang kanyang sarili ay wala syang saplot.
Tumakbo sya papasok nang banyo at doon ininspeksyon ang sarili. At nang makita nya ang katawan ay napahagulgol sya ng iyak. Kitang kita nya sa salamin ang mga pulang marka sa kanyang buong katawan tanda na may nangyari nga sa kanya kagabi. Ang hindi nya matangap ay ang katotohanan na hindi si Nick ang may gawa ng mga marka na iyon. Hindi ito na tanging lalaking gusto nyang humawak sa kanya ang kasama nya kagabi.
Dahil sa sobrang emosyong nararamdaman ay hindi na nya napigilang sumigaw. Ibinuhos nya ang lahat ng inis, pandidiri at galit dahil sa sinapit nya nang nagdaang gabi. Sumigaw lang sya ng sumigaw sa loob ng banyo. Madiin nya ring Kinukuskos ng sabon ang kanyang buong katawan. Nagbabakasalaki na maaari niting burahin ang marka na naiwan tanda ng nagdaang gabi. At sa kalagitnaan ng kanyang pag-iyak, pagsigaw at pag hilod ay pabalibag na bumukas ang pinto ng banyo. Mula doon ay pumasok ang lalaking ayaw nyang makita sa mga sandaling iyon.
__________________________________
A/N: I really wanna hear your reactions about this chapter naugthies. Kinakabahan kasi ako ng bonga.
Hoping that those will not be too violent.
Enjoy!
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 4- Mr. Heart Ripper
Ficción GeneralHow can a playboy like Nick tame the Ms. Black belter woman named Rean Lor Natalicio?