"Uy! Nakuhaan mo ba ng picture yun?" Tanong sakin ng isang babaeng chubby. Actually, client ko siya.
"Ummm, yes po Mam." Yan, ganyan lang. That's it Tina, ngiti, NGITI.
"Ah Sige. Ok, siguraduhin mo na magagawa mo ng maayos ang pictures ko. Mahalagang occasion to para sakin." Pagkasabi niya nun, binigyan niya lang ako ng tingin at umalis na. Maya-maya narinig ko na tumunog yung chimes sa taas ng pintuan ng shop ko.
"Hello po?" May pumasok na babae sa shop ko. May kasama siyang batang lalake na cute. Chubby na singkit. I guess mag papa ID picture siya.
"Good Morning po. Pano ko po kayo matutulungan?" Sabi ko with a sheepish smile.
"Umm, balak ko po sanang magpa-ID picture tong anak ko." Aniya habang tinuturo yung kasama niyang bata.
"No problem po, sunod nalang po kayo sakin." Ang I led them papunta sa studio ko at pinaupo ko sa gitna yung bata. Inihanda ko na rin yung camera ko.
"Ok now. Ready? 1, 2, 3, Smile!" Pagkasabi ko nun, biglang pinakita ng bata ang ngipin niya. Pero parang classroom, daming absent.
"Wooow! Very good baby boy!" Sabi ng Mama niya sakanya habang pumapalakpak at tuwang-tuwa. Ang cute naman kasi nung bata.
Nung tinignan ko yung picture, I was amused by it. Naaalala ko ang sarili ko sakanya.
*Flashback*
"Paaaa! Ako naman! Ako naman!" Sigaw ko habang talon ako ng talon.
"Gusto mo?"
"Opo." With matching puppy eyes pa.
"Oh Sige, upo ka diyan", sabi sakin ni Papa habang tinuturo ang upuan sa gitna.
" Ok. 1, 2, 3, Smile!" Click! Rinig ko sa camera ni papa."Pa! Patingin! Patingin!" Habang tinitignan nila yung picture ko tumatawa sila.
"Gusto mong makita? O Sige, eto oh." At iniabot sakin ni Papa yung picture ko. Ngeks, mukhang ngipin ng Daga. Hiwa-hiwalay.
"Paaaa! Ayoko! Ang panget!" Sinisigaw ko habang umiiyak ako.
"Ayaw mo? Ang cute kaya."
"Ayaw!"
*End of Flashback*
It reminds me of my Dad. Pero ngayon, parang di ko na siya kayang patawarin.
YOU ARE READING
An Unexpected Story
Teen FictionShe's Tina Torres. A simple girl who's passion is photography. A girl who's trying to make her own life dahil sa past niya. Finding someone na bubuo ulit sakanya. There he meets Nico Gonzales. Isang rich, talented and intellitent na actor na kinaadi...