chap 2

77 1 0
                                    

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng academy na tila isang palasyo.

Mula sa disenyo sa kulay mga halaman at bulaklak na nakapalibot dito...maiisip mong nasa isang mahiwagang lugar ka.

Well mahiwaga naman talaga ang lugar na ito. Napa smirk ako at nagsimula ng lumapit sa malaking kulay ginto na gate nito.

WINDUM ACADEMY
Iyan ang nakasulat sa harap nito.

Hindi ako pala kwento pero para sa inyong kaalaman ang eskwelahang ito ay hindi tulad ng isang ordinaryong eskwelahan.

Dahil napupuno ito ng hiwaga at mahika.

Bumuntong hininga ako bago ko tinulak pabukas ang gate. Oh baka gulat kayo kc nabuksan ko.

Ang isang imortal o isang nilalang na may angking kapangyarihan ay kayang buksan ang pintong ito ngunit tanging ang mga good users lamang ang may kakayahang makapasok dito.

May barrier  na nakapalibot sa buong academy na syang nagproprotekta dito.

Tahimik at tanging huni lamang ng mga ibon ang maririnig mo sa kapaligiran. Ang alam ko kahapon pa nagsimula ang klase sa eskwelahang ito.

Agad akong nagtungo sa headmasters office. Pano ko nalaman simple lang bago ako pumunta dito lahat ng dapat kong malaman ay tinuro na sa akin ni lola.

Mula sa history ng academy hangang sa maliliit na detalyeng mayroon ang academy na ito.

Ang office ng headmaster ay iba sa mga gusali dito sa loob.

Madali mo itong makikita lalo na sa kakaibang disenyo na mayroon ito.

Tulad ng inaasahan walang tao o bantay tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hangang sa mapatigil ako sa isang pinto kung saan naroroon ang aking sadya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EQUINOX ACADEMY: the long lost princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon