ADVISES 101

8.1K 83 3
                                    

#1 Ang hirap umiwas, lalo na kapag ang gusto mong iwasan ay ang taong gustong-gusto mong lapitan.

#2 Di pala lahat ng lumalayo ay may galit sayo. Minsan, ginagamit lang ang paglayo para hindi sila tuluyang mahulog sayo.

#3 Kapag maraming nanliligaw sayo. Piliin mo yung lalaking may respeto, Hindi yung GWAPO pero wala namang modo.

#4 Minsan, tayo din ang gumagawa ng bagay na kumplikado kahit sa mga simpleng bagay lang.

#5 Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong napipilitan lang na mahalin ka. Isda lang ang sumisiksik sa lata! SARDINAS ka ba? Para magpakatanga?

#6 May mga bagay o tao pala na akala natin di natin kaya pag nawala, pero eventually nakakaya din pala. It takes time para masanay. Siguro sa simula mahirap, pero pag nagtagal, masasabe mo na lang 'ay nakaya ko' 'kaya ko pala'

#7 Ang tao, hilig niyan makipag-talo kahit na hindi naman dapat. Kasi nga may karapatan at pinaglalaban.

#8 Kung mahal mo sya, matuto kang magtiwala.

#9 Mahirap magmahal at umasa lalo na at alam mong may nagmamay-ari sa kanyang iba.

#10 Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, FLIRT, malandi, pa-fall o paasa.

#11 Kahit maging PERFECT ka para sa isang taong mahal mo. Kung hindi ka naman APPRECIATED, WORTHLESS ka parin.

#12 Hindi mo masasabi na nakalimot ka na. Kung sa simpleng bigkas ng pangalan nya, APEKTADO'T NASASAKTAN KA PA.

#13 Wag ka magalit sa niligawan mo kapag binasted ka. Kasi hindi ka naman nya inutusang manligaw in the first place.

#14 Hindi lahat ng masaya ay nasa isang relasyon dahil may iba, kuntento na kahit sa.. Simpleng inspirasyon.

#15 Kapag naumpisahan mong tiisin ang taong mahal mo at nasanay ka, dun mo mararamdaman na parang napapagod ka na sakanya at nakikita mo na kaya mo pala nang wala sya.,

#16 Ang pag-ibig ay parang damit kung titignan mo lang akala mo hindi kasya pero pagsinuot mo bagay pala sayo.

#17 Minsan kasi confidence lang ang kailangan. So speak up. Let your voice be heard kesa naman mag-regret ka na lang na hindi mo nasabi sa isang tao ang mga bagay na gusto mo talagang sabihin. Palakasan lang 'yan ng loob.

#18 Hindi lahat ng tumatakbo palayo sayo dapat mong habulin. Minsan, kailangan mo ring isipin kung aabutan mo pa sya o habang buhay ka nalang hihingalin.

#19 Dadating ang panahon na may isang taong magbibigay sayo nang dahilan na kung bakit ikaw ay para sa kanya, at hindi ka para sa iba.

#20 Nasubukan mo na bang tanungin ang sarili mo kung bakit palagi kang niloloko., kung hindi pa., subukan mo ngayon., pero wag mong lolokohin ang sarili mo sa totoong sagot nito.

#21 Maraming ibig sabihin ang LOVE., mas nabibigyan lang ito nang kahulugan pag sobrang saya mo na., lalo na pag sobrang nasasaktan kana.

#22 Hindi mo naman kailangang pantayan ang pagmamahal na ibinibigay niya sayo... Ang dapat mo lang gawin ay PAHALAGAHAN ito.

#23 Kapag iniwan ka niya,hindi ibig sabihin nun di ka na niya mahal. Baka sadyang may pagkukulang ka lang na hindi mo napunuan.

#24 Mahalin mo sya kahit masakit na., kusa ka naman bibitaw pag pagod kana.,

#25 Iba ang binigyan., sa pinaglaanan.,
BINIGYAN KA para matahimik ka
PINAGLAANAN KA kase importante ka

MOMENTS with DJ. K  ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon