Chapter 2: Pinagbigyan

2.4K 39 0
                                    

Bumalik sa dati ang mabuting pagtitinginan namin ni Sarhento Carlos Cardenas. Hindi ko man sabihin ng harap-harapan sa kanya ang pagkatao ko kilala na nya kung ano at sino ako. Hindi ko lang alam kung sadyang panunukso ang kanyang mga ipinapakita sa akin upang lalo ko syang kahumalingan. Basta na lang kasing papasok ng bahay ko.  Nakahubad-baro sya pagkatapos hihiga ng sofa na sadyang pinapakita ang maganda niyang katawan. Sasayaw-sayaw pa ng pamacho sa harap ko na akala mo macho dancer. Ayoko namang mag take-advantage baka masaktan lang ako tulad ng ginawa niya sa akin noon. 

Sa isip ko pinahihirapan ako ni Sarhento dahil alam niya ang pagnanasa ko sa kanya. Dumating sa puntong nagpasya ako na iwasan na sya. Kahit ayaw ko na syang kausapin o pansinin magagawa ko rin naman. Hindi ko lang talaga magawa dahil mabait syang tao. Sa pagka-alala ko siya lang ang taong naging kaibigan ko na hindi nakakalimot magbigay sa akin ng pasalubong.

Isang araw sinubukan ko syang di pansinin. May dala niyang prutas (rambutan)  inalok sa aking matamis daw ang nabili nya. Mukhang syang napikon sa hindi ko pagpansin sa kanya. Pabirong nilagyan ng isang piraso ang likod ng t-shirt ko. Syempre napika ako. Nag-fuck you finger sign ako sa kanya. Humalakhak lang sya at kumuha pa ng isa at binato sa ulo. 

Alam ni Sarhento na napikon ako. Agad akong niyakap at humingi ng sorry. Pumalag ako pero di ko kaya ang lakas ni kuya Carlos. 

"Huwag ka nang pumalag Rob kunwari ka pa gusto mo naman talaga ng yakap ko." Dagdag pa ng kanyang pang-aasar. Tapos bigla akong hinalikan sa batok. Papaano ba ako makakaiwas sa taong ito?

Minsan humiling syang masahehin ko raw sya sa likod ginawa ko naman. Nagustuhan ang ginawa ko. Sinabi ni kuya Carlos na marunong daw sya mag-massage isang araw tuturuan daw niya ako para ako na lang ang magmamasahe sa kanya. Sa isip ko, gumagawa sya marahil ng paraan para magkaroon kami ng relasyon ng higit pa sa pagiging magkaibigan namin. 

Sa kabila nito nagiging maingat pa rin ako baka isang palabas lang iyon na maaaring magdulot lang ng sama ng loob sa akin.

Sa compound may half court ng basketbolan kaming itinayo doon. Ginagamit naming libangan ng mga kasama ko sa trabaho. Linggo ng umaga nakalaro namin si Sarhento. Sa hindi inaasahang pangyayari na sprained ako. Di sinasadyang tumama ang paa ni Sarhento sa aking paa dahilan na ako'y ma-out balance hanggang sa matumba. Hindi naman kase ako kasinghusay nilang maglaro ng basketball o kasinglakas ni Sarhento pati ng mga kasamahan kong addict sa basketbol. 

Sumaklolo agad ang mga kasama ko sa pangunguna ni Sarhento. Dahan-dahan akong tinulungang makatayo ni Kuya Carlos at agad naman akong kumapit sa kanyang mga bisig. Niyakap niya ako sa baywang hanggang makaakbay sa kanyang balikat. Kahit pawisan mabango pa rin si kuya. Nakikita ko sa kanya ang sobrang pagaalala. Paika-ika akong inalalayang dinala sa aking accomodation hanggang makaupo sa sofa at pagkatapos dahan-dahang niyang minasahe ang aking ankle. 

Napapahawak ako sa kanyang matitigas na balikat dahil sa sakit. Hanggang unti-unti akong nare-releave. Marunong nga talaga sya magmassage kasama rin pala sa kanilang training bilang sundalo ang mga ganitong first aid. Ang sarap ng kanyang mga hagod pati sa aking mga binti. Ramdam ko ang init ng kanyang mga palad na muli na namang bumuhay ng aking makamundong pagnanasa. 

Hanggang sa ako'y tigasan. Hindi ako nakatiis kinambyo ko pataas ang aking alaga sa loob ng aking underwear. Sa higpit ng garter ng suot kong pambasketball kailangan ko pang ilarga iyon para lumuwag ng sa gayon maipasok ko ang aking kamay dahilan upang ma-expose sa labas ang naghuhumindig kung ari. 

Pero mabilis ko namang syang nailigpit. Napansin pala ni Sarhento ang aking ginawa. Nang bigla na lang niyang tinampal ang naninigas kong alaga. Nasaktan ako sa ginawa niya sa aking alaga, ang bigat ng kanyang kamay. 

Ang Kaibigan Kong SarhentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon