I was late again. Ugh! Naman. Ano nga bang bago? Palagi namang nangyayari ito.
"Late ka na naman idol. Walisan mo yung pathway sa may kiosk hanggang dito." Bungad ng school guard namin pagtapak ko pa lang sa ground ng school.
Atat lang?
Kinuha ko na yung walis sa may gilid ng bench at nag umpisang walisan ang sinabi nito.
Ako nga pala si Lianne Mae Velazquez. Grade 11 student. Major in Accountancy Business and Management. Nakagawian ko na ang pagpasok sa paaralan ng wala sa oras. Ang laki kasi ng kompyansa ko dahil malapit lang sa bahay namin sa school ayan tuloy palaging nahuhuli sa klase.
"Tapos na"
Ibinalik ko na yung walis sa lalagyan at tinahak ang pathway patungo sa classroom namin.
Pagtapak ko palang sa College Building awtomatikong napadako sa Second Floor ng gusali ang paningin ko. Wala naman akong nakikita. Walang taong nakatayo o naka tambay sa labas nun.
Napabuntong hininga ako.
Ewan ko ba sa sarili ko. Parang naging gawain ko na ata araw- araw ang pagsulyap sa Second Floor ng College Building. Kahit wala namang tao ang nandun.
Napailing ako sa sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Ako na lang ang tao na naglalakad sa may hallway since classhours na kasi at since palaging late na akong dumarating sa paaralan, hindi na bago sa akin ang eksenang ganito palagi.
Patay.
Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang pagtuturo ng guro namin sa loob.
Binilisan ko pa ang paglalakad.
Bago pa man ako tuluyang makapasok sa classroom namin, may humarang sa dinadaanan ko.
"Hai goodmorning." Anang isang lalaki na may katangkaran at matipuno ang pangangatawan.
Parang namumukhaan ko ito. College Student ito at kabarkada ni Jecks. Si Mark.
"Uhmm.. hai"
Napatingin ako sa mga kasama nito. Kompleto pala silang magkakabarkada. Si Mark, Ryan, at si... si Jecks.
Andito siya..
Si Jecks Marton, ang ultimate crush ko. College Student. 3rd year Bachelor of Science Major in Business Administration. Siya ang bukod tanging dahilan ng aking pagsulyap sa ikalawang palapag ng College Building. Nagbabaka sakaling makita siyang nakatayo doon. Nakasulyap at nakangiti sa akin.
Isang lalaking ubod ng ka snobban sa katawan. Masungit at minsan lang ngumiti. Chinito, maputi, matalino at lalaking ubod ng kagwapohan. Perfect epitome of an ideal guy.
Na-concious tuloy ako sa itsura ko.
"Para nga pala sayo." Sabay abot nito ng tatlong rosas at isang kalakihang pulang teddybear sa akin."Happy Valentines Day"
Napangiti ako. "Salamat"
"Para rin sayo." Sabay abot din ni Ryan ng isang pulang rosas. Tinanggap ko naman iyon. "Happy Valentines Day"
"Salamat dito."
"Walang anuman" ani Ryan sabay ngiti.
Expect ko nang aalis na sila, pero nanatili silang nasa harap ko. Hindi na ako mag-eexpect pa mula kay Jecks. Ubod nang kaseryosohan yan at walang pakialam sa mundo.
"Ah" ani ko. Late na kasi ako.
"Hoy! Jecks ibigay mo na yan aalis na tayo, mukhang late na ito si Miss Velazquez eh." Ani Mark sabay kindat sa akin.
Napayuko ako.
At ngayon ko lang napansin na may dalang Chocolates at mga Rosas si Jecks.
Malalim niya akong tinignan sa mga mata bago siya lumapit sa harapan ko.
"Ehem.. ah. Para nga pala sayo" kiming inabot ko ang binigay niya. May kasama pa itong sulat.
"Happy Valentines Day"
Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Ni hindi ko nga namalayan na nakaalis na pala sila.
Did he just gave me these Flowers and... and kissed me in my checks?
Ahhhhhhh!!
Parang dininig lahat ng panalangin ko! Thank you Lord. Pwede na po akong mamatay!
"Hoy!"
"Hmm?"
"Hoy! Tawag ka ni Sir."
"Ha?" Napabalikwas ako. Nakatulog pala ako,
Teka... kung nakatulog ako so pana... panaginip lang yun?
Hindi!!!
Hindi pwede. Arghhhh!!
Papatayin ko talaga kung sino mang nang isturbo ng tulog ko. Langya!!
Handang handa na akong sampalin kong sino mang gumising sa pangarap ko nang....
"May naghahanap sayo sa labas. Jecks daw ang pangalan, may dalang mga Rosas. Goodluck!"