This is a work of fiction. The names, places, and events in this story were results of the author's imagination and were therefore used fictitiously. Any resemblance to any actual people or any actual event and place, living or dead, existing or existed, happening or happened, is purely coincidental unless stated.
PLAGIARISM IS A CRIME. TATAMAAN NG KIDLAT ANG NAGPEPLAGIARIZE. BANG BANG!
ⓒALL RIGHTS RESERVED 2017 ⓒpeyyosum♚
Note: Rated SPG (May contain words not suitable for very young readers. Nagmumura ang author. Read at your own risk.)
JELLENDY'S POV
Kuya Nikko calling...
Natawag 'to? Ang aga ah. 6:30AM pa lang oh. Hmm. San kaya neto nakuha number ko? Ahh, baka kay Ate Shiina. Close naman sila nun eh.
"Hello Kuya Nikko? Napatawag ka?" bungad ko sa pinsan kong isang beses ko lang kung makita sa isang taon. Ahead sya ng dalawang taon sa akin, supposedly. Pero dahil alam na pagbibigyan ng magulang, nagbulakbol sa college at hanggang ngayo'y 2nd year pa lang samantalang ako'y graduating na.
"Wala, itatanong ko lang kung pupunta kang reunion ngayong taon. Magtetake ka ng NMAT after graduation mo diba? Sigurado ka na bang magpoproceed ka?" hindi ko alam na informed pala sya sa mga plano ko sa buhay. Hindi naman kasi masasabing napakaclose naming magpinsan, nag-uusap kami, nagbobonding, pero may awkwardness in between. Ewan ko ba.
(NMAT or National Medical Admission Test is a nationwide examination required for the entrance to any medical school in the Philippines.)
Ang unang beses na nagkita kami ay noong 2007 pa, kaarawan ng aming lola. Aaminin ko, bilang unang beses ko syang nakita at nakasama, nagkaroon ako ng crush sa kanya noon, lalo pa't sya lang ang pinsan kong halos basa range ng edad ko tapos parang napakacool nya pa. Hindi naman kani gaanong nagkausap noon. Still, we exchanged digits after nung family occasion, and I confessed na may crush ako sa kanya. I don't know pero everytime na magkikita kami after nun, naging awkward na. Ilang taon na rin naman yun pero hindi na humupa ang awkwardness sa amin dalawa. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon, tutal di naman kami madalas magkasama, sa akin naman ay wala na iyon. Para bang spur-of-the-moment feeling.
"Syempre pupunta. Kelan ba 'ko umabsent sa family reunion natin Kuya? Teka, kayo ang host family this year ba? Anuna? San tayo? Sa inyo ba sa Camiguin?" Oo, may family reunion kami every year for 7 years now and syempre magkikita-kita nanaman ang mga baliw. Natatawa na lang ako sa twing naaalala ko ang mga trip naming magpipinsan. "Yung tungkol naman sa NMAT, hindi ko pa sigurado Kuya. Wala naman akong pre-med subjects. Nag-aalala akong baka hindi ko kayanin."
Totoo ang sinabi ko. Naishare ko sa ibang pinsan namin na balak kong magproceed ng Medicine kapag hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko after graduation. Kaso nga, wala akong pre-med subjects dahil Education ang degree program ko, at English major pa. See? Walang kakonek-konek sa Science.
"Oo nga pala, lagi ka nga palang present. Ikaw pa ba mawawala? Doon ka lang naman nakakapagpakasasa sa pag-inom ng alak eh." Natatawang sabi nya sabay panunukso. "Ah oo, sa Camiguin nga gaganapin ang reunion this year. Bababa si Dad ngayong March upang asikasuhin ang lahat para sa darating na family occasion at sabi nya'y baka raw pumunta kami riyan sa inyo para umattend ng graduation mo." Nabigla ako sa tinuran nya. Wala namang nasasabi si Mama na darating pala sina Tito. Well, hindi naman ako worried or anything kaso napag-usapan na namin ng parents ko na hindi ako maghahanda sa pagtatapos ko. Sabi ko'y saka na kapag naipasa ko na ang licensure exam. "Kung preMed naman ang pinoproblema mo, aba eh, pupwede ka naman magsecond degree program ah. Kumuha ka ng BS Bio kung gusto mo talagang magMedicine o di kaya'y BS Nursing. Pero grabe, ang sipag mo namang mag-aral nun." Nang-iinis na usal nya, halatang ngumingisi pa sa pagkakasabi nito.
YOU ARE READING
THE MOMENT I KNEW (SLOW UPDATE)
RomanceI saw him. He saw me. We met, we fell, and then were left broken. I picked his pieces, he picked mine. Akala ko ganun lang kadali ang lahat. Pero para saan pa't punyeta ang buhay kung happy ending agad diba? Maraming pagsubok. Magkasama kaming tumaw...