Sa pag-uusap naming iyon ni Sarhento may nakita akong magandang idea ng kanyang mga plano para sa aming dalawa. Walang pagdududa na may pagtingin din sya sa akin hindi lang bilang isang kapatid kundi lover. Bagama't may kunti pa akong mga pag-aalinlangan isinasantabi ko na ito. Ang mahalaga sa akin ngayon magkasama kami. Anuman ang kahihinatnan ng relasyong ito hindi ko alam. Kung may nakikita man akong magiging problema dito ay sa parte ni ate Rizza.
Promenente ang pamilya namin sa aming lugar. 1940's pa ang vintage naming bahay na namana ng aking ama mula sa aking lolo. May dalawang silid sa itaas para sa aming magkapatid na si kuya Andoy (28 yrs old). Sa ibaba naman may malawak na salas at isang master bedroom para sa aking mga magulang. Sliding ang mga bintanang sinauna na gawa sa kahoy at shells o kapis na may mga window grills na bakal. Ang mahabang dining table namin yari sa kahoy na narra. Hiwalay ang pinakakusina nito. Sa labas naman ng main door ay terasa na syang tambayan ng mga bisita.
Meron din kaming isang balon at puso artesyano na syang pinagkukunan namin ng tubig na ginagamitan ng electric motor water pump paakyat sa tangke ng tubig. Ang pinakabakod ng aming bakuran ay masukal na mga halamang namumulaklak tulad ng Rosal, Santan at Gumamela na suportado ng barbed wire. Ang pinakagate naman ay yari sa makapal na tablang kahoy tulad ng isang rancho na may nakamarkang Javier Family. Napapanatili ang buhay ng aming antigong bahay dahil sa maayos na maintenance.
Meron din kaming isang four door pick-up vehicle na syang ginagamit naming service at isang lumang truck na ford na ang modelo ay 1960 pa hahaha. Pero nagagamit parin naming panghakot ng aming mga produkto sa farm. Tatlo kaming marunong magmaneho nito ang papa ko, si kuya at ako.
Di magkamayaw sa tuwa ang aking mga magulang na dumating ang kanilang bunsong anak. Wala si kuya Andoy ng gabing iyon. Bukas pa raw sya makaka-uwi. Sinabi ng aking ina nag-overnight prayer daw sila. Nalaman ko na aktibong myembro pala ng isang sekta ang kuya Andoy.
Matapos naming maibaba ang aking mga bagahe ipinakilala ko si kuya Carlos sa aking mga magulang Sinabi kong isa syang sundalo at matalik kong kaibigan. Hinatid niya ako dito sa Bulacan kahit malayo upang makilala din sila. Nabanggit ko na rin na dito na sya magpapalipas ng gabi. Malugod naman siyang tinanggap ng aking mga magulang. Bukas na ng madaling araw ang kanyang pag-alis. Pinigilan sya ng papa ko. Ang mainam sana kung tumagal man lang si Sarhento ng ilang araw para makapamasyal sya sa magagandang tanawin ng aming lugar. Nagpasalamat naman si Sarhento sa imbitasyon maaaring sa ibang araw na lang daw sya babalik para mapaghandaan naman nya.
Matapos naming pagsaluhan ang masarap na hapunan na ang ulam ay sinampalukang manok at inihaw na bangos. Sa terasa masaya kaming nagkwentuhan ng aking mga magulang habang nagkakape. Iba't - iba ang aming mga napag-usapan. Tulad ng personal, sosyal at ekonomiya. Na-descern ko ang pagiging intellect ni Sarhento. Malalim at malawak ang kanyang pang-unawa sa mga bagay na napag-usapan.
Lumalalim na ang gabi kinakailangan na naming magpahinga. Tahimik na ang buong paligid tanging mga kuliglig at alatiit ng punong kawayan ang iyong maririnig. Kaalinsabay ng banayad na pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin na humahampas sa kadahunan ng mga halaman. Pumasok na rin ang aking mga magulang sa kanilang silid matapos ayusin ng aking ina ang aming tutulugan.
Sabi ng aking ina kayo na ang bahala kung gusto ninyong magtabi sa kama pareho naman kayong mga lalaki. Kung hindi naman may isa pang bakanteng kwarto kay Andoy wala naman sya ngayon. Syempre magkatabi kami ni Sarhento sa kama kanina pa namin usapan 'yon hindi ko na tuloy maawat ang aking junior masyado na syang galit. Relax ka lang sabi ko sa aking alaga hehehe.
Dahil sa alikabok na aming sinuong sa byahe kailangan naming maligo ni Sarhento. Una syang naligo. Lumabas sya ng banyo na nakatapis lang ng twalya. Kumindat syang nakasimangot sa akin ang suplado ng mukha. Sana naman wala syang sumpong.

BINABASA MO ANG
Ang Kaibigan Kong Sarhento
RomanceIto ay kwentong pag-ibig ng isang gwapong sundalong may asawa na. Nagmahal sa kapwa nya lalaki na itinuturing pa niyang kapatid. Dumating sa punto na dapat syang pumili. Sino ang pipiliin nya? Ano ang kahihinatnan sa magiging takbo ng mga pangyayar...