Chapter 16: Hearts and Presents
It's been two days since they went out and he still hasn't given her the prize. Busy kasi ang officials sa sunud-sunod na meeting kaya hindi rin nakakapunta si Sehun sa office ng Knights. Parang nai-imagine niya na ang pagkainis ni Nana ngayon, late na kasi ang prize nito.
About the meeting, dahil nga kulang sila ng Lord President of the Council ay si Xiumin muna ang acting interim dahil nakakulong parin ngayon si Chan Lien. Nasa Council room sila ngayon habang pinagdedebatihan parin kung ano ang magiging parusa ni Chan Lien.
"Considering na kababata natin siya at isa siyang royal, siguro ay dapat tanggalan nalang ng ability si Chan Lien," suggest ni D.O.
"'Yan rin ang naiisip ko. Kaibigan parin natin siya, at ayoko namang kasama pa ako sa nagdesisyon para i-execute siya dahil sa ginawa niya," sang-ayon ni Tao. "Nakakakonsensiya."
"If we remove his entire ability, we might as well kill him. A royal without an ability means nothing," kontra ni Xiumin.
"Isipin niyo parin na kinalaban niya ang palasyo," paalala ni Suho. "He's one of the cloaked figures who killed some of the knights and drained the abilities of some of our schoolmates."
Sumabat muna si Kris dahil may gusto siyang malaman. "I-try niyo ulit sa sunod kung aamin siya. Doon nalang natin i-discuss ang parusa kung makikipagcooperate ba siya o hindi. By the way, did you all find any information regarding his codename?"
Si Sehun ang sumagot dito. "That. Well, we're trying to find any information from different books and references. There's none."
"Have you tried that book section for Earth?" tanong sa kaniya ni Luhan.
Napakamot siya sa batok. "Uh... not yet."
"Why?" tanong ni Kris dito. "Do you think that name has something to do outside of EXO?"
Nagshrug si Luhan. "It's a possibility. I mean, they're doing something that is beyond our knowledge and things that still haven't been practiced... so why not think out of the box?"
Tumango si Kris. "Okay. Do it, you three," instruct nito kina Suho, Xiumin at Luhan. "Also find out about the names Dau, Chwe and Tair. According to Lay, he saw the cloaked figure Chwe call Nami as Tair, and mentioned someone called Dau. Anyway, the people who will be finding information from Chan Lien would be D.O, Tao and Sehun. Meeting adjourned."
Nagsitayuan na ang lahat at isa-isang lumabas ng Council room na pinangungunahan ni Sehun. Halos sakto rin ang oras kasi labasan palang naman ng Knights ngayon. Halos takbuhin na niya ang hallway para makarating agad doon nang hablutin ni Luhan ang braso niya.
Napatigil siya sa ginagawa niyang lakad-takbo at nilingon ito. "Bakit? Nagmamadali ako, kung hindi mo nakikita," iritadong reklamo niya.
"Kung ako sayo, ititigil ko na ang ginagawa ko," seryosong wika nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
Binitawan nito ang braso niya at nilagay ang dalawang kamay sa trench coat. "You know what I mean."
"You're invading people's thoughts again," akusa niya. "Saka wala kang pakialam. Kagustuhan ko 'to."
"Been there, done that. Hindi mo siya mapapalitan para sa kaniya. Saka 'wag mong gawing oportunidad na pansamantala silang naghiwalay, ikaw lang naman ang talo sa huli." Pagkatapos sabihin 'yon ay iniwan na siya nito.
Nagpatuloy na rin siya sa paglalakad at nilabas ang prize mula sa bulsa ng coat niya. Tinago niya agad ito matapos pagmasdan. Naglakad ulit siya sa hallway, pero imbes na sa office ng Knights dumiretso ay sa teleport station siya pumunta. "Oh estate," sabi niya sa teleporter."
BINABASA MO ANG
Coveted (EfEP #2)
Mystery / ThrillerNew life, new job, new duties. Adjusting to new responsibilities may be easy but the cloaked figure is back and he ensures them that life won't be easy with him added in the picture. Love over friendship and family? Yeah, these things can be messy...