Chapter 18 - Eyebags

3.1K 68 5
                                    

Hindi uso ang interrogation sa amin nila Jade so they never asked a question.

Isang tanong lang ang nagawang itanong ni Jade.

"So are you two.." She trailed. "May something ba?"

"No. Wala!" Mabilis pa sa alas kuwarto ang sagot ko.

Ako nanlalaki ang mata ko habang chill naman si Ice. He tilted his chin in my direction. "I guess you got your answer."

"Curious lang naman ako!" Jade said in her defense.

Tinanong ni Mateo kung mahilig sa magic ang dalawa though he only knows one trick. Nilabas niya ang playing cards at shinuffle.

"Always using tricks to get the girls."

"Inggit ka naman. Then learn." I snark at Ice.

He asked Jade to pick a card at pinakita sa amin. Then binalik niya sa deck tsaka shinuffle.

"May boyfriend 'tong dalawa, Mateo." I laughed.

"Don't worry, I'm not interested." He winked at me then smiled at the two of them. "Baka sabihin niyo madaya ako," then he gave the cards to Rhian at pinashuffle.

Nung huli ay nahulaan pa rin niya ang card na pinili ni Jade which of course of no doubt he did.

Naiinis lang si Ice dahil ayaw niya ito ituro sa kanya. To quote him, "I'm not letting you get your girls using my tricks."

Sandali lang kaming tumambay until naubos namin ang drinks. Buti nalang may cards si Mateo which makes the drinking more fun. We played the easiest. Since may tig isa kaming beer, pag black card ang nakuha you drink for 5 seconds and 10 for red.

Dahil doon rin ay madaling naging close sila Rhian at Jade kay Ice and Mateo. Drinking made socializing easy. Imagine ang awkward siguro pag walang music sa background at drinks sa table.

In fact, they like him. After nun ay nasabi na agad nilang bagay kami. What happened with Michael naman diba. Ang bilis lang magbago ng isip nila.

"Anong plano niyo kung hindi kami nagyaya?" Tanong ni Ice sa akin.

"Movie marathon dapat. We were about to watch our second movie if it wasn't for Jade. Siya nakakita ng tawag ni Mateo."

"Buti nalang nakita niya."

"Bakit?"

"Anong bakit? You get to see me." He wiggled his brows.

"Ay wow. Oo nga. Push mo 'yan, Ice." I wrinkled my face.

Tinawanan lang niya ako.

Nauna na kaming umuwi tatlo because it's getting late already. May balak pa atang mag round 2 sila Mateo kaya iniwan na namin sila doon.

They couldn't stop talking about Ice at mga interactions namin na binigyan nilang meaning kahit wala naman.

Paano naman kasi si Ice minsan bubulong lang para magsabi ng nakakainis na comments sa akin tapos tatawa siya magisa! Pagtinanong naman nila sasabihin wala.

May mga topics rin kami na kami lang ang may alam dahil madalas kaming magkasama and that should be given pero bawat salita nalang may meaning para sa kanila. Nakikisali rin si Mateo sa kalokohan ng dalawa.

Marami pa rin energy ang dalawa hanggang makauwi. Clearly walang effect ang isang mug ng beer sa kanila. Ako nga inaantok na!

"Alam ba ni Tristan 'tong lakad? Baka naman magalit iyon." Pagiba ko ng usapan dahil naririndi na ako sa kanila.

"Sympre sinabi ko. Kala ko nga magagalit kasi dapat overnight lang pero chill lang siya."

"Anong sabi niya?"

"Wala. Bantayan ka daw kasi mabilis kang mafall." Ngumisi siya.

"Hindi ako mabilis mafall. Just look at him, hindi ako mafafall sa kanya guys."

"Actually I think you might. Ngayon ko lang siya nakita pero wag ka," Rhian looked at me with suspicious eyes. "Aminin mo gwapo siya at ganyan type mo!"

"Wag ka rin, Rhian! Alam ko ganyan rin mga type mo! Ano, si lawyer guy o si Ice? Or maybe si Mateo?" Binalik ko sa kanya ang tanong.

"Akin nalang iyon, girl." Malandi niyang sagot.

Tumawa ako at mahina siyang tinulak. "Baliw ka talaga!"

"Why don't you consider breaking up with Tan? Sa akin pa talaga siya nagalala instead of you kasi you're meeting new guys."

"Walang new guys new guys sa babaeng 'to! Kahit iharap mo pa siya sa mga super hot guys, si Tan pa rin ang pipiliin niya." Rhian rolled her eyes at Jade. "Wag kang magdeny!"

"Nick Bateman, Francisco Lachowski, Ryan Gosling, Channing.. of course I'd choose them all pero sympre hindi naman mataas ang pangarap ko. Okay na sa akin si Tristan." Ngumiting parang baliw si Jade.

"Ang cheesy mo kainis! Can we just sleep? Pagod na ako. Sino mauunang gumamit ng bathroom?"

Rhian yawned. "Ako rin. Ako nalang mauna guys ha."

Habang busy ang dalawa sa pagaayos ng gamit ay kinuha ko ang phone ko. May viber doon galing kay Ice na kanina pa sinend at kay Mama.

Mama:
What are you doing?

May missed call pa nung hindi ako nakareply.

Me:
Mama, magenjoy ka nalang dyan. Don't worry about me. I won't tear the house down.

Then binasa ko ang kay Ice asking kung nakauwi na.

Nakalimutan ko pala sabihin na nakauwi na kami kakachikahan.

"Yep, nakauwi na kami." I replied to his message.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

"I don't usually sleep early. Kayo nandyan pa rin?"

"We left minutes after you left. Boring na eh. Wala na akong iniinis."

"Ewan ko sayo, Isaac." I replied with an angry emoji.

"Joke lang. Anyway, just wanted to know you got home safe."

"Matulog ka na nga! Kaya ang laki ng eyebags mo!" He added next.

"Pinaghirapan ko 'yan wag mong laitin." Send ko.

"Heh! Maganda pa rin ako even with these bags."

Then he just sent a funny looking sticker.

Sakto naman na natapos na ang dalawa sa bathroom. I went inside and did my usual routine before climbing up to bed.

He didn't reply after that. Wala rin siyang annoying comments nung sinabi kong maganda ako. So he agrees? Right?

At least there is something we both agreed on. Ang kagandahan ko.

Char!

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon