Its Saturday morning. December 01, 2015 when I first saw her.
She's gorgeously stunning wearing her lab gown. She has this long curly hair pero nakaponytail siya, her cute face, round eyes and brown orbs, her perfect carve nose, her pink thin lips and her long eyelashes.
She's perfect. Yes, she is.
I want to get up on my wheelchair and run to her then ask for her name and get her number. Pero pinigilan ko yung sarili ko.Tinapik ko yung kamay ng kasama ko at sinabi sa kanyang bumalik na kami sa room ko. Tinulak niya naman agad yung wheelchair at tinahak ang daan papunta sa kwarto ko.
Pagdating dun ay mukhang nag-aalala agad ni mommy ang sumalubong sakin.
"Saan ba kayo galing?! Alam mo bang sobrang nag-alala ako sa inyo?! Lalo na sayo Terrence!! San ba kayo galing ha?!" Sigaw niya. Napangiti nalang ako. I really love her so much that it hurts me to see her being miserable. Pero ang mas masakit ay yung makita siyang miserable ng dahil sakin."I'm sorry, mom. Nagpahangin lang po kami." Sabi ko.
Sinesermonan niya parin ako pero sinabihan na siya ni Lia na manahimik na. Si Lia ay nakababata kong kapatid.
Nakakain na ako't lahat pero hindi parin mawala sa isip ko yung doktor na nakita ko. Parang nakaukit na siya sa isip ko.
God! Tinamaan ata ako sa doktor na yun!
Nanonood kami ng TV ni Lia ng may biglang kumatok sa pinto. Binuksan yun ng kapatid ko at pinapasok ang kung sino man ang kumatok. Pagkakita ko sa pumasok ay parang tumigil yung mundo ko! Parang may lumilipadlipad na kung ano sa loob ko ng makita ko yung mukha niya! Punyemas! Nakakabading to ah! Shit!Napa ayos ako ng upo ng tumingin siya sakin.
Fucking shit!
Ang ganda niya sa malapitan! Parang nagparty ang kung ano mang nasa sistema ko ng makita ko ulit yung mukha niya. Ugh!! Ang bait mo talaga Lord.
"Yah!" Napakurap ako ng may pumitik sa harapan ko. "You're spacing out, kuya!" Sabi ni Lia.What? Nakakahiya yun ah!! Iniling ko nalang ang ulo ko at tumingin dun sa doktor na nakangiti parin.
Shet! Ang ganda niya talaga!
"Hey, Mr. Salazar! Goodevening." Aniya ng nakangiti. Talagang good ang evening ko! Ang ganda ng kausap ko eh! "I'm Dr. Angel Salcedo. Ako muna yung papalit kay Dr. Cruz pansamantala. May importanteng ginagawa kasi siya ngayon. Mga limang buwan ata. Okay lang ba yung sayo?"
Walang pagdadalawang isip akong tumango at sumagot, "Oo naman dok! Walang problema yun!" Ang swerte ko naman talaga oh!
"Hahaha! Okay Mr. Sala--" Hindi ko siya pinatapos ng pagsasalita.
"Rence nalang Dok. Nakakatanda yung Mr. Salazar eh. Hehe." Ani ko at kinamot yung batok ko. Napatingin naman sakin si Lia pero pinandilatan ko siya ng mata.
"Okay, Rence." Ang sarap pakinggan kapag sinasabi niya yung pangalan ko. Napangiti ako.
Lord, kung siya yung itinakda niyo para sakin, sisikapin kong mabuhay ng mas matagal, makasama lang siya.
"I'm just here to check on you. Did you already drink your meds?" Tanong niya.
"Yes po dok. Hindi ko pwedeng kalimutan yung kasi baka mabawasan yung araw ng buhay ko kapag nakalimutan ko yun. Ikakasal pa ako sayo dok eh!" Sabi ko. Ano daw sinabi ko? Gago ka Rence! Nakakahiya yun ah! "Hehe! Ah, joke lang yun dok." Bawi ko agad.
Ano bang sinasabi mo Rence? Umayos ka nga!!Natawa si Angel--oh! Kung maka-Angel ako, parang close na kami ah! Pero hayaan na!
"You're funny, Rence. Pero tama yan. Don't forget to drink your meds and drink it on time. Kumain karin sa oras, okay?" Aniya.