HIWAGA NG PAG-IBIG
#HappyValentinesDay!Ang lahat ng tao'y mayroong minamahal
Na itinitibok at idinarasal
Ang laman ng puso, sa isip ikinintal
Ating inspirasyong binibigyang-pugayNapakahiwaga ng ating pag-ibig
Ang mararamdama'y walang hanggang langit
Lalo't may paggalang na di nawawaglit
Ganda ng pag-ibig ating makakamitPag-ibig ay hindi lang sa kasintahan
Na dulot ay kilig at kaligayahan
Kung mayro'n mang taong dapat pag-alayan
Sila'y ang magulang na sadyang uliranMahalin din natin, kaibiga't kapatid
Guro't kamag-aral na leksyon ang hatid
At higit sa lahat sa Poong Maykapal
Ang biyaya Niya sati'y walang patidAng hiwaga nito'y maibabahagi
Kung may pagmamahal sa mismong sarili
Ang alab ng puso sa itinatangi
Ay lalong mainam at mananatiliAt kung sino man ang ating minamahal
Buong-puso nating pag-ibig ibigay
Huwag mag-alinlangang ito ay ialay
Pag-ibig ay binhi ng magandang buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/99592574-288-k45709.jpg)
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG PAG-IBIG
RomanceAng araw ng mga Puso ay hindi lamang araw ng mga magkasintahan. Ito ay araw din ng lahat na nagmamahal, maging sila man ay kaibigan, kapatid, magulang o kakilala. Ikalat natin ang pag-ibig. May forever!