Sinulat ko ang piyesang ito upang malaman kung ano ang matapang at ano ang mahina. (Alin kaya ako sa dalawa?)
Kasi...Ayoko na maging mahina
Sawa na akong umiyak
Ayoko ng kinaaawan
Sawa na akong umiyak
Pano ba maging matapang?
Pwede bang patulong naman?
Tulong... Tulong...
Pakitulungan ako, gawin niyo akong matapang.Matapang ba yung 'di umiiyak?
Matapang ba yung laging tumatawa?
Matapang ba yung 'di magsasalita kahut nasaktan na siya?
Matapang ba yung kikitilin niya ang kanyang sariling buhay?
Ganun ba ang matapang?
Kung gayon ay gagawin ko.
Kahit ano, kahit ano basta maging matapang.Ayaw ko ng inaalo ako
Lalo akong umiiyak
Ayoko ng sasabian ako ng "Okay lang yan"
Lalo akong umiiyakDahil sa totoo lang, lalo akong nanghihina pag alam kong may masasandalan ako.
Mali yun, maling mali.
Dahil gusto ko maging matapang, at ang matapang ay mapag-isa.
'Wag mo din ako sasabihin na "Okay lang yan"
Dahil hindi mo alam ang mga sakit na aking dinaramdam.Matapang ba yung magkukulong sa kwarto at doon iiyak?
Matapang ba yung sasaktan mo ang iyong sarili sa iba't-ibang paraan para mailabas ang nararamdaman?
Matapang ba yung nananakit ng iba?
Matapang ba yung isisi ko sa iba ang aking kamalian?
Ito ba ang matapang?
Kung gayon, gagawin ko.Pero pasensya na...
Pasensya na kung ako'y mahina
Pasensya na kung lahat ng emosyon ay dinadaan sa luha
Pasensya na kung di ko ko kaya maging matapang.
Mahina ako, napaka hina dahil...Ang alam ko lang ay umiyak, sa tuwing ako'y nanghihina.
Ang alam ko lang ay sulat ang aking galit
Ang alam ko lang ay i-awit ang aking mga pighati
Ang alam ko lang ay gumamit ng papel at bolpen upang ipahayag ang nasa loob ko.Pasensya na dahil ako'y mahina
'di ko kaya maging matapang
Pasensya na sa mga luha
'di ko kaya maging matapangPasensya na, paumanhin, patawad, sorry.
Pero, ito lang ang kaya ko, ang magsalita sa harap ninyo.November 18, 2016