Spin the bottle (short story)

1.9K 64 50
                                    

Tropa ko na ang pinakamasaya, pinakaloko at pinaka sa pinaka ...

Halo-halo ... may JOLOGS, MAGALING PUMORMA, MADISKARTE, JOKER, MALAKAS TUMAWA, MANG-ASAR at meron din TAHIMIK LANG ... tulad ni PRINCESS.

Si Princess yung tipo ng babaeng bihira lang ngumiti at magsalita. Hindi naman siya suplada, hindi lang talaga siya maingay at palakwento tulad ng iba. At kung ano ang ugali ni Princess, yun naman ang opposite ng ugali ko. Maingay ako, mapang-asar at makulit. Dahil don, marami DAW akong nabobolang babae. Alam mo na, may sense of humor - ika nga.

Madalas ko siyang inaasar. Panira ako ng araw niya, ng mood niya. Pero ginagawa ko yun kasi hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Kay Princess ko lang kasi naramdaman yung salitang, TORPE. Kapag nandiyan na siya ... wala na akong ibang masabi. Natutulala ako. Kaya naman walang araw na hindi ako nakakatanggap ng irap mula sa kanya. Ang sweet noh?

Walang nakakaalam ng nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko kasi pinapahalata dahil alam ko kung ano ang iisipin at sasabihin nila sakin. Na tumatalo ako ng tropa o kaya naman lolokohin ko lang siya. Kaya eto, pilit kong tinatago. Makita ko lang siya na single at walang boyfriend ... kuntento na ko.

Hanggang isang araw ... sinubukan kong i-approach siya. Malay mo, magwork.

"Ang ganda mo ngayon Princess ah ... naiinlove tuloy ako sa'yo." bati ko. Dinaan ko sa biro. Sabi nga nila, ang JOKE daw - half meant.

As usual, inirapan lang niya ako.

"Pwera biro ... ang ganda mo nga ngayon."

Hindi na siya nagsalita pa. Tumayo siya at nag-walk out. Napakamot na lang ako sa ulo ko. May nasabi ba akong masama?

Simula nong araw na yon, iniwasan na ko ni Princess. Madalas, nakikita ko siyang kasama si Joshua - bestfriend daw niya kuno. Ewan ko pero ... iba kasi yung aura ni Joshua eh ... parang bantay-salakay - traydor.

Lumipas ang isang linggo at higit pa.

HINDI KO NA KAYA !!!!!!! sigaw ng isip ko.

Kailangan ko na sigurong sabihin kay Princess yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero pano?

"Spin the bottle tayo ..." Bigla ko na lang nasabi sa harapan ng mga tropa ko ng makakita ako ng isang bote na pakalat-kalat sa tambayan namin. Sa ganoong paraan, magagawa kong sabihin kay Princess yung gusto kong sabihin, sa kanya at sa harap ng barkada.

Sumang-ayon ang lahat.

Umikot ang bote.

Kanya-kanyang tanungan.

Kanya-kanyang opinyon at sagot.

Hanggang tumapat ang bote sakin.

"Oh ikaw na Gio!" sigaw ng isa kong kaibigan.

Sunud-sunod ang lunok ko - kabado.

"May minahal ka na ba Gio? Sineryoso?" tanong nila.

"Oo naman!"

"Osige nga ... SINO?!?!"

Lahat ng mata'y nakatitig sakin.

"Si Princess ..." diretso kong sagot. Wala ng liguy-ligoy pa.

Sa halip na magulat sila ... biglang nagtawanan ang buong tropa. Napatingin ako kay Princess, yumuko siya, parang napahiya.

"Ulol pare! Hindi bagay sa'yo ... nakakatawa kang tignan!"

"Gago, seryoso ko! Mahal ko talaga siya!" Trying to convince everybody.

Muli akong napatingin kay Princess ...

Nakita kong hinawakan ni Joshua ang kamay nito. Sabay, "Ehem! Guys ..." sabi ni Joshua. Tumingin ang lahat sa kanya - sa kanilang dalawa ni Princess.

"Kami na ni Princess ... sinagot niya na ako kagabi lang."

Nagpalakpakan ang lahat.

Natulala ako.

Tangina! sabi ng utak ko. Nung mga oras na yon, gusto kong magalit sa sarili ko pero hindi ko magawa.

"Buti na lang ... joke lang yung sinabi ko." saving my pride. Wala eh ... talo ako.

"Loko ka talaga Gio. Lagi mo na lang pinagtitripan si Princess!"

"Congrats Pare ..." bati ko kay Joshua.

"Oi Princess ... joke lang yun ah?" Ngumiti lang si Princess sakin.

Nang wala na ang tropa. Nung ako na lang mag-isa. Nung wala ng nakakakita sakin ... dun ko naramdaman ang kagaguhang ginawa ko. Umiyak ako na parang bata habang nagpapakalunod sa alak. Masakit dre eh ... sobra.

Mahal ko si Princess ... mahal na mahal. Pero hanggang dun na lang yun. Hanggang dun na lang.

Maya-maya'y tumunog ang cellphone ko. May nagtext ...

"Handa ko sanang bawiin yung OO ko kay Joshua eh nung nalaman kong mahal mo ko ... yun pala, JOKE LANG.

- Princess"

Hanggang dun na nga lang talaga. :(

______________________________________ oOo___________________________________

A/N :

Si Gio yung nakasalamin na naka-red jacket. Si Princess yung babaeng katabi niya tapos si Joshua yung nakasalamin na katabi nung kalbo. 

Spin The Bottle (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon