Kinabukasan...
"Goooodmorrrning RDelicious ko!!!" bati ko kay bestfriend. Nasa kitchen siya, nagpeprepare siya ng breakfast namin.
"tss---"
"Waaah, galit ka pa ba sa akin? Sorry na about dun sa nangyari sa atin kagabi!!!" patakbo pa kong lumapit sa kanya sa may gilid ng lamesa tapos ni-lift ko pa yung kamay ko, with matching puppy eyes pa! Napahilamos na lang siya ng mukha tapos tumingin lang ng masama sa akin. Nag-sorry na nga ako eh! "Uy... *poke*poke* sorry na talaga sa nangyari sa atin---" pinutol niya yung sasabihin ko.
"Aia please... Watch your word naman! Walang nangyari sa atin kagabi okay? Kumain ka na nga, kalimutan mo na 'yun, puro ka kalokohan."
"Hehe...sorry ulit! Peace tayo!"
"Oo na, bilisan mo kumain, sabay na tayong pumasok." nilagyan niya ng fried rice yung plato ko, pati ng corned beef with fried kamote. Yummy! Magaling magluto yan! Wait lang, sabay kami? waaah!!! na-miss ko yun!
"Talaga? weeeh... mag-cab ba tayo? o mrt? or jeepney? ah taxi cab na lang para airconditioned. Maaga pa naman, di pa tayo mata-traffic." daldal ko ba? hehe.. excited eh!
"Aishh.. ang diwara! kumain ka lang ng kumain dyan nang makapag-gayak ka na."
"Eh---"
"Isa! kapag di ka tumigil dyan iiwan kita!"
"Eto na, kakain na, tss!" problema nito? tapos di pa mapakali sa upuan niya. Hmmp, mamaya ko na lang itatanong, baka iwan ako eh.
Ako ang naka-assign na maghugas ng plato ngayon kaya bago ako maligo eh tinapos ko muna ito.
"Aia, mamaya mauna ka na lang ulit umuwi ah?" sigaw ni RD sa akin, nasa kwarto siya niyan, inaayos niya siguro yung mga gamit niya.
"Ha? May lakad ka ba mamaya after ng klase?" pumasok ako sa kwarto niya since tapos na ko dun sa ginagawa ko, syaka gagayak na ako eh.
"May date kami ni Angel mamaya eh," sus, nagtanong pa kasi si ako eh wala namang bago dun. Kaso ngayon lang siya nagpaalam sa akin. Kaya siguro kanina pa hindi mapakali.
"Ah okay, matatagalan kayo? What I mean is, di ka na ba dito magdi-dinner?" medyo nalungkot naman ako, feeling ko nga one month na akong ganito.
"Oo eh, 1st monthsary kasi namin ngayon," yeah right! 1 month na pala ang nakaraan ng simula ng pumasok sa sistema namin yung Angel na may sungay na yun! "hwag mo na kong hintayin, magtake-out ka na lang mamaya ng pagkain mo, pero don't worry papasalubungan kita,okay!" tapos ginulo niya yung magulo ko ng buhok. "Sige na gumayak ka na!"
Tinignan ko lang siya, tapos nag-martsa na ko papunta sa kwarto ko. Asar! Eh kung patapon ko kaya sa Mars yung nag-imbento ng monthsary na yun!
Habang naggagayak ako kwento ko sa inyo kung bakit ako asar dyan sa Angeline na yan, kasi ganito yun...
--flashback--
1st day of school. Andito ako ngayon sa gymnasium sa loob ng campus kasi opening ceremony. Di kami magkasama ni RD kasi nga di ba magkaiba kami ng course? Syaka representative siya nung department nila kasi siya yung nag-top sa entrance exam. Ako? eto sa tabi-tabi nakikinig sa nakakaantok na speech ng mga representative. Di pa naman ako masyado nakatulog kagabi, namamahay pa ko dun sa bago kong kwarto. Nung si RD na yung nasa stage para magsalita biglang nayanig ang buong paligid at nagunaw ang sangkalupaan, at dito na po natapos ang kwento na ito. Hanggang chapter 5 lang...
CHARAUGHT!
Bigla kasing nagsigawan yung girl sa paligid like this...
"KYAAAAAAAAAAAAH!!!" nakalunok lang ng amplifier si ateng!
BINABASA MO ANG
Make You Feel My LOVE
Teen FictionIf you love a stranger, be friends. If you love your friend, be best friends. If you love your best friend, tell him. Pero paano kung si bestfriend may love ng iba? Paano ka? This story will show us how BESTFRIENDS turns into LOVERS... How she figh...