Aminin man natin o hindi, lahat na tayo ay naranasan ng magmahal. Naranasan nang magkaroon ng isang dosenang crush na pinagsabay sabay. Kinilig. At siyempre, kung nagmahal na tayo, hindi natin maiiwasan ang rejection o di kaya’y masaktan…
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Yung moment na kinakantahan ka ng taong mahal na mahal mo…
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Yung damang dama mo yung mensahe ng bawat salita ng kinakanta niya…
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik
Yung parang wala kang paki-alam pero deep inside, sabog na sabog ka na sa sobrang kilig…
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Ang sarap ng feeling di ba? Yung bang feeling mo, ikaw na ang pinakamasayang tao. Yung parang wala ng bukas. Yung feeling na halos lalabas na yang puso mo sa dibdib mo sa sobrang lakas ng tibok niya. At yung feeling na… Mahal mo siya tapos mahal ka—
“Uy BEST FRIEND! Ayos lang ba yung kanta ko?”
YUN NGA LANG… AKALA ko lang pala yun. Yung mahal ako ng mahal ko? Psshh. Hindi magiging possible yun. Mag-isa lang pala akong nagmamahal…
“Siyempre naman best. Ikaw pa. ang swerte naman ng liligawan mo.”
Go Ashlee, sige lang. kunwari di ka nasasaktan.
“Yun nga best e. Pero may favor sana ako, kung ayos lang sa’yo?”
“siyempre naman best! Ikaw pa, malakas ka yata sa akin! Ano ba yun?”, tanong ko sabay ayos ng pag-upo. Nandito kasi kami ngayon sa school ground. Free time kasi naming kaya ayos lang na mawala sa room
“tingin ka sa kanan”,sabi ng cru-BEST friend ko. “Kita mo yun? Yung naka blue shirt at naka-ponytail ng white?”, tanong niya
“Si Katherine? Oo naman. Friend ko din yan no. tsaka, kilala naman talaga siya lahat dito sa school.”
“Yun nga best e. Kaibigan mo si Katherine. Pwede mo ba akong ilakad sa kanya? Kung ayos lang naman sa’yo?”, pabor naman niya. Nakatingin siya sa akin. Naku! Ang gwapo niya talaga. Sino bang hindi tatanggi dito sa cute na nilalang na’to? Pero, ang hirap ng pabor niya e.
“E di lumakad kang mag-isa papunta sa kanya. Kailangan pa ba kitang turuang maglakad papunta kay Katherine?”, sagot ko. I mean, sagot ng dila ko. Hindi ko napigilan eh
“Ano?”
“A-aah! So-Sorry. Ang ibig kong sabihin eh lumakad ka papunta sa kanya at tsaka magpakilala ka. Ayun yung ibig kong sabihin. Hehe”, sagot ko.. letche, nauutal pa ako eh.