10- mainstory [Jealousy]

59 1 0
                                    

[Yeon Jung]

Habang magkausap kami ni Luhan ay nagtext sa akin si Jong In.

'YeonJi, pwede ba tayong mag-usap? Puntahan mo ako ngayon sa quadrangle'

Lumabas na ako ng room pagkatapos basahin ang message niya sa akin.

Alam kong hindi ko dapat bastang iwan na lang si Luhan pero nakapag-usap na naman kami kahit onti samantalang si Jong In hindi ko pa nakakausap.

Sigurado naman akong may magandang dahilan si Luhan kung bakit siya biglaang umalis.

Nandito na ako ngayon sa quadrangle sa harap ng sampung lalaking nasa stage. Nakita ako ni DO at kinawayan niya ako. Ano ba ang binabalak ng mga ito? Akala ko ba ay mag- uusap kami ni Jong In.

"Kai, Asan na yung sinasabi mong YeonJi?" narinig kong tanong ni Do kay Jong In. Kilala nga pala ako ni DO sa tunay kong pangalan hindi niya alam na YeonJi ang tawag sa akin.

"Jong In! Jong In! " tinawag ko siya. Ngumiti lang siya at nagsimula nang kumanta at sumayaw ang B.Wolves.

Biglang dumami ang mga estudyante dito sa quadrangle para panoorin nila ang B.Wolves. Lahat sila ay nagtitilian dahil ito ang unang beses na makikita nila ang gang na itong magperform.

"neol chajagada cheugi bonaen Tinkerbell ~

ttaranaseotdeon Neverland ~

geu gose naega neowa barabomyeo utgo isseo ~

nan yeongwonhan neoul Peter Pan ~

geu sigane meomchun ne namja ~

seotuljiman neomu saranghaetdeon naui neoege danyeoga ~ ......"

Waah.... ang galing nila! Lahat ng babae ay nagtutulakan papunta sa harap para makita ang B.Wolves. Natulak ako papunta sa gitna at wala na akong mapanuod. Natulak ako ng isang babae dahilan para maapakan ko ang nasa likod ko.

"Ano ba?!? " sigaw ng naapakan ko. Hinatak niya ako at laking gulat ng makilala niya ako.

"Y....Yeon.... Ji.....?!? ⊙_⊙?"

"Ikaw pala Tae Hee.... akalain mo nga naman hanggang college magkaparehas pa rin tayo ng school.... "

"Tae Hee, kaibigan mo ba siya?" tanong ng kasama niya.

"Hindi ah!!! .......YeonJi balita ko wala na kayo ni Jong In....... Bakit??? Siguro narealize na niya na ako talaga ang mahal niya at hindi ikaw...." sabi ni Tae Hee.

"Haay.... hindi ka pa natuto sa ginawa ko sa iyo...... San mo pinaayos yung buhok mo? magaling siya ha! Gusto mo bang pumunta ulit doon mamaya..... ? Tsss...... umiiral na naman yang kalandian mo..." Pagbabanta ko sa kanya. Hinablot niya ang buhok ko at pinagsasabunutan.

"neoneun Wendy Cinderella boda yeppeotji ........." Narinig kong biglang tumigil sa pagkanta ang B.Wolves.

"Tae Hee.... Waah..... Papunta dito si Kai... ah" kinikilig na sabi ng kasama niya. Haisst..... pagpumunta dito ang loko na yun siguradong lahat ay dito itutuon ang pansin.

"Kai?" tanong ni Tae Hee habang hawak pa rin ang buhok ko.

"Di mo ba siya kilala? Siya yung bagong miyembro ng B.Wolves!!" sabi ng pangalawa niyang kasama.

"Yah! You back away from her!!" sigaw ni Jong In. Hinatak niya ako mula kay Tae Hee at binuhat papunta sa stage.

"Wala ng dapat panuorin dito! All of you go back to your classes or else..." pananakot ni Suho sa mga estudyante. Ang pamilya kasi niya ang may-ari ng eskwelahan kaya takot sa kanya ang mga estudyante. Kaya nga siya ang ginawang leader ng B.Wolves kasi makapangyarihan siya.

"Jong In..... Kai.... ibaba mo na ako......" pakiusap ko sa kanya.

"Siya ba yung sinasabi mong YeonJi?" tanong ni DO kay Kai. "Di ba Yeon Jung ang pangalan niya..." dag dag pa niya.

"Yeon Jung nga ang pangalan niya...." sabi ni Kai.

"Eh asan na yung pinag-alayan natin ng kanta? si YeonJi?" tanong ni Tao. Pinag-alayan ng kanta? Ito ba ang pinagkaka-abalahan nila sa bahay ni Jong In?

"Siya din si YeonJi... simula pa dati ay yun na ang tawag namin sa kanya, ayaw kasi niya ng tunay niyang pangalan." paliwanag ni Kai. Tumingin siya sa akin at nakangiti. Bakit ba siya ganun tumingin.....

"Namiss kita YeonJi" sabi niya sabay yakap sa akin.

[DO]

"*coughs* Ah,gutom na ako tara kain na tayo..." aya ni Sehun.

"Kai, magkita na lang tayo sa court ah...." sabi ni Chanyeol.

"Bibilan na lang namin kayo ng pagkain" sabi ni Baekhyun.

"Tara na.... bilis bilis.... baka maistorbo pa natin sila." sabi ni Chen.

Umalis na ang ibang miyembro habang nakatayo pa rin ako dito at nakatingin dito sa dalawa. Ang taong napupusuan ko ay ang minamahal ng kaibigan ko. Anong gagawin ko?

Limang minuto na ata ang nakakalipas pero walang nagbago sa pwesto namin. Masakit panuorin na magkayakap sila pero hindi ako makakilos para tumakbo.

Napansin ni Yeonji na nanduon parin ako at bigla siyang umalis sa pagkayakap sa kanya ni KAI....

"Uh? DO?" - Kai

"Uh.... uhmm..... ah.... tatanong ko lang sana kung ano gusto niyong kainin kasi hindi pa namin alam kung ano oorderin para sa inyo ...." Palusot ko.

"Kung ano na lang din ang inyo ganoon na lang ang amin... hindi naman mapili si YeonJi eh..." sagot ni Kai.

"Sige mauna na ako...."

Hindi ako sumunod sa ibang miyembro. Pumunta ako sa pinakamalapit na restroom. Tumingin ako sa paligid at parang wala namang ibang tao dito.

"AAAAH!! Anong gagawin ko? " sigaw ko. Sinipa ko ang wall. Alam kong hindi dapat ako naiinis ng ganito pero bakit yung mahal pa ng kaibigan ko. Kakayanin ko bang makita silang palaging magkasama?

Naghilamos ako ng mukha.

"AAAAHHH!!!" Napasigaw ako sa gulat dahil pagtingin ko sa salamin ay mayroon akong nakitang ulong nakadungaw sa isa sa pintuan ng cubicle.

"Kanina ka pa nandito?" tanong ko sa taong nakita ko.

"Obvious ba? Ni-lock mo kaya yung pinto kaya wala ng makakapasok." sagot niya.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Para nalaman ko man lang sana na may ibang tao dito..."

Ngumiti lang siya at lumabas na. Parang bago lang siya dito, ngayon ko lang nakita yung mukha niya. Baka hindi ko lang siya napapansin.

Pumunta na ako ng court. Ako na lang pala ang wala. Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. Magkatabi ngayon si Kai at Yeon Jung, ay YeonJi pala.

"DO!! San ka galing? Bakit hindi ka sumunod sa amin?" tanong sa akin ni Chen.

"Ah.... eh..... papunta na dapat ako kaso, biglang sumakit yung tiyan ko e...." palusot ko. Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Lahat kami ay nakatitig kay YeonJi. Gulat na gulat ang B.Wolves dahil parang hindi siya babae kung kumain. Masmatakaw pa siya kay Tao. Tuloy lang ang pag-abot ni Kai kay YeonJi ng pagkain. Halatang sanay na sanay na siya na kasamang kumain si YeonJi. Parang gusto kong tumakbo ngayon papalayo para hindi lang sila makita.

[Sehun]

"Kai! Samahan mo naman akong bumili ng bubble tea......" aya ko. Simula ng sumama samin si Kai, siya na kasi ang palagi kong kasama pag bibili ng bubble tea.

"Ano ka ba naman Sehun, hindi niya pwedeng iwan ang girlfriend niya..." sabi ni Baekhyun. Porket ba nagka-girlfriend na, bawal nang istorbohin.

"Edi .... Chanyeol!!! Ikaw na lang sumama sa akin....."

"Malaki ka na Sehun.... kaya mo nang mag-isa yan. " sagot ni Chanyeol.

"Sehun! Ako na lang ang bibili para sa iyo...." sabi ni DO. Ngayon lang pumayag si DO na bumili ng Bubble tea ah. Dali dali siyang umalis. Teka, alam ba niya ang bibilin niyang flavor? Siguro alam na niya yun... palagi naman niya akong nakikitang umiinom e....

Pagkatapos ng trenta minuto ay hindi pa bumabalik si DO kaya nagdesisyon na akong sundan siya.

Back Away from Her! (엑소)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon