Hindi lahat ng tao ay biniyayaan ng kakayahang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng normal na tao. Pero wag na nating problemahin yon dahil hindi naman nakakakita ng multo ang ating bida na si Park Chanyeol. Pero nakakarinig naman sya ng mga boses ng hindi nya nakikita kaya ganyan ang intro ko.
Isang araw sa bagong eskwelahang pinapasukan nya, naglalakad sya sa corridor na ngiting-ngiti na parang hindi sya bagong estudyante sa eskwelahang yon. Pero ganun lang talaga sya, matangkad at palangiti na halos lahat ng ngipin ay makikita mo kapag nakangiti sya, at ang mas nakakainggit pa nun, ang puti puti ng ngipin nya.
Dahil nga bago lang sya sa eskwelahan na yon, kelangan nyang magtanong ng direction para hindi sya maligaw sa school na’yon, sabi nya sa sarili nya. Hanggang sa maaninag nya ang isang maliit na lalaki. He found this boy CUTE, blonde ang buhok, maputi at syempre, mas maliit kesa sa kanya. Papunta na sana sya para magtanong sa lalaking iyon pero namalikmata sya sa kanyang nakita sa mas malapit sa kanya na nakatingin din sa lalaking cute, isang maputing lalaki. Tiningnan nya ito nang maigi at nagdadalawang-isip kung nag-improve na ang skills nya sa pagiging paranormal chuchu, nakakakita na’ko na white… uhm… ng multo?! Nabatid nya sa pinakaloloob-looban nya.
Pero nadisappoint sya dahil nang pagkatingin ng lalaking maputi sa kanya at napansin siguro ng lalaki na nakatingin si Chanyeol sa kanya ay mas lumaki ang mga mata neto at nagpatingin-tingin sa paligid at kay Chanyeol.
Nilapitan nya ito at nagtanong, "Hello!! Alam mo ba kung saan ang class na’to??" ipinakita nya sa lalaki ang kopya ng requirements at kung saang room sya dapat papasok.
Tumingin sa kanya ang lalaki at sinabing "Sundan mo'ko."
"okay!" Ngumiti sya at sinundan ang lalaking nagga-guide sa kanya papunta sa room.
Pinagmamasdan nya ang lalaking nasa unahan nya.
Umikot ang lalaki paharap sa kanya at itinuro ang room sa tabi nila. Tiningnan ni Chanyeol ang klase at nagtaka sya kung lahat ng mga mata ng mga estudyante sa eskwelahang iyon ay kasing laki ng mga mata ng kasama nyang lalaki. At mukhang gulat na gulat sila na parang nagsasabing Anong ginagawa nya dito???
"Eppp!! Ba't nakatingin sila sa'kin??" tanong ni Chanyeol sa kasama nya pero nang pagkalingon nya, nawala na.. Tumingin sya sa paligid nya, wala syang naaaninag ni anino ng kasama nya kanina at halos lahat ng estudyante sa paligid nya ay nakatingin sa kanya, nagtataka kung bakit sya nagsalita nang mag-isa.
Napaisip si Chanyeol kung multo ba talaga yun. Multo ba talaga?? Bakit nakakita na ako at nakausap ko pa?! OmO! Medyo nangilabot sya dahil first time nyang ma-experience ang ganung pagkakataon.
Pumasok na sya sa room at umupo kung saan bakante. Tumayo sya para mag-cr pero may lumapit sa kanyang mas maliit sa kanya, maputi, blonde ang buhok at CUTE, ito yung nakita nya kaninang umaga. "Bago ka lang dito di ba??" tanong ng lalaking lumapit sa kanya.
"Ah!! Oo! Hello!! Ako si Park Chanyeol!" pagpapakilala nya sa kaharap.
BINABASA MO ANG
It's (Never) Too Late |ChanBaek and KaiSoo Fanfic| Tagalog
ФанфикMalaki ang mga tenga ni Park Chanyeol. Malaki ang mga mata ni Do Kyungsoo. Pero sapat ba'yon para maramdaman nila, hindi ang mga kaluluwa, pero ang mga taong nagmamahal sa kanila?