[For better reading listen to Tadhana]
1,2,3...
Minahal kita, matagal na...
"Kate,may lakas na ako ng loob makipag kita sakanya.After all these years ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob makipag-usap sakanya." Pakikipag usap ko sakanya habang naglalakad sa corridor.
Ngayon ko lang siya makaka-usap dahil imposible na kausapin niya ako,eh siya nga si Julius Lopez ang pinaka gwapo,pinaka magaling sa basketball at crush ng campus,eh ako ako lang naman si Betty,Ugly Duckling na Nerd na si Candice Mendoza kaya imposible na makipag usap siya sakin.
Nainip na rin ako kasi 3 years na ako nagpapadala ng sulat sakanya pero di ko sinasabi sakanya na ako yun, at baka hindi niya alam na nag e-exist ako sa mundo.Para makilala niya rin ako pero parang half ng body ko ang ayaw makipag usap sakanya,ewan ko ba siguro ayaw lang talaga ng puso ko na ma-reject.
"Hoy kanina pa lutang utak mo" Tama nga siya dapat di ko palutangin utak ko dahil sakanya,baka bumagsak pa ako dahil sakanya.
Nandito na pala kami sa canteen,lutang talaga utak ko.
Umorder ako ng ice cream flavor cookies and cream.
Hindi ko napansin na nasa likod namin sila julius.
Ako naman tong si tanga na tumitig sakanya at nakalimutan ko yung order ko at napagalitan pa ni ate.Umupo na kami pero ako parin tong titig sa kanya.
Biglang sumakit ulo ko. Dali dali akong nagpaalam para kumuha ng gamot sa sakit sa ulo .
Habang papunta ako sa locker ko nakita ko si julius na may sinusuksuk na papel sa space ng pagitan ng aming locker ni kate.Binasa ko ito.
Dear Kate,
Alam mo bang sa simpleng mga ngiti mo at tawa mo nakukumpleto mo araw ko,sana magustuhan mo rin ako kasi ako gustong gusto kita kasi napaka simple mo di katulad ng ibang babae diyan makapag make up wagas,sabi nga nila simple is beautiful.Sana dumating ka sa coffee shop sa likod ng school at 8 A.M. .Inaasahan ko ang pagdating mo.Para akong tanga na takbo ng takbo habang umiiyak.
Parang dinudurog ang puso ko bawat mababasa ko ang mga salitang nandiyan sa sulat nayan .
Alam kong hindi naman imposibleng hindi magkagusto si julius kay kate dahil sexy,maganda at mabait pero sobrang sakit eh,kung bakit pa kasi sa bestfriend ko bakit di nalang sakin,sobrang sakit talaga eh. Pero isa lang ang alam ko ang dapat kong gawin hindi ko nalang itutuloy ang plano kong pakikipag usap ko sakanya at dapat di to makita ni kate.
.
.
.
.
.
.
*7:30 P.M.*Inunahan ko na si julius sa coffee shop.
Madalas ko ding puntahan tong coffee shop kaya may reserved sit nako ,na hindi ako masyadong makikita para makagawa ako ng project comportable ako at hindi ako makikita except sa pinto.Wala pa n namang pumapasok kaya umiyak muna ako ng umiyak maya maya pa naman siya dadating ,di ko alam makakatulog pala ako dito
.
.
.
.
8:15Paggising ko ay muntik na akong mapatalon ng makita ko siya.Naka ngiti siya na parang nanalo sa lotto.
"Hello" pagsisimula niya makipag usap
"H-hi" pautal ko pang sabi.
"So,dumating ka nga akala ko di ka dadating" pasimangot pa niyang sabi .
"Pero dumating ka" pagngiti niya ulit.
Para naman akong tanga siya ang lapad ng ngiti eh ako naman rito iyak ng iyak.
"A-ako ang nagpapadala ng sulat sayo" parang nagualat siya sa sinabi ko.
"Hi-hindi ako si kate,ako si Candice" pautal ulit at paiyak kong pagsabi
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Wala na akong pake kung Kate o Candice pangalan mo pero alam ko..."
"MAHAL KITA"
THE END