My Nerdy Tutor {Fan Fiction}

3.2K 71 32
                                    

{{HEY! May note po ako sa baba kaya wag niyo po iyon iskip. SOLOMOTS.}}

Halos mag iisang taon at kalahati na simula ng bumalik si Zyren. Kami pa rin hanggang ngayon. SYEMPRE. Wala naman kasi kaming formal break up dahil nga umalis siya at di ko alam na buhay pala siya. Pero dahil makulit ako... Sabi ko sakanya na ligawan niya ako... Para dama ko naman for the 2nd time. NYAHAHAHA.

Mas lalong nag improve si Zyren. Lalo siya naging sweet, caring at mas lalong naging GWAPO. Sinagot ko siya nung graduation namin. 

At heto kami ngayon.. Bukas na yung 1st anniversary naminnn! Na eexcite ako... Pero siya parang wala lang.. Tapos tuwing tinatanong ko siya umiiwas siya. Iniiba niya yung topic. 

Wala akong magawa.. Si Zyren kasi masyadong busy. Magkaiba kasi kami ng schedule. Tinawagan ko si Shiela..

("Sorry talaga, meron pa kasi kaming pupuntahan na importanteng mahalaga.")

"Hayyy. Sige na nga. Bye.." 

At inend ko na yung call. 

Bakit ba lahat sila busy? Ano bang pinag kakaabalahan nila? Kainis ha! 

Pumunta ako sa hideout ng gang namin. Yep, buong buo pa rin ang gang. 

At sa kasamaang palad.. Wala ni anino nila ang makikita dito. Tsk. Kelan pa nawalan ng tao dito sa hideout? At bakit sumakto pa ngayon na super lonely ko.

Makauwi na nga lang.

Nilabas ko ang sama ng loob ko sa pagkain. Nyahahaha! Ang chalap ng ice creammm~

Feeling ko napaka tagal ng araw kong ito. Kasi pag kasama ko si Zyren, di ko namamalayan na gabi na pala. Tskkk. Asan ba kasi siya? Hindi kaya na abduct na siya ng Aliens at dinala sa planet Nibiru at dahil sa sobrang gwapo niya ay mag kakagusto sakanya ang mga Aliens at hahalayin siya? Tapos mag kaka anak sila. Tapos.. Tapos.. Wala na kong Zyren.. 

Kdot. OA na masyado. 

Kase naman eh! Hindi man lang siya nagpaparamdam. Buti pa sa Kayako Saeki marunong mag paramdam.. 

Tinignan ko yung cellphone ko. Ni walang message at tawag galing kay Zyren. Kahit sa mga friends ko.. 

Matulog na nga lang ako.. Tama ng drama!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Bebe Gurrrrlllllllllll! Gising na! May bisita ka sa baba~" Sigaw ni Dad galing sa labas. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Nerdy Tutor {Fan Fiction}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon